Rose's POV
Natulala ako at hindi ko alam ang sasabihin ko. Masyado namang mabilis ang lahat nang 'to. Isa pa, sobrang tanda ko sa kaniya. This isn't right at all!
"Say something." Aniya.
Nakita ko sa reaksyon niya kung gaano siya kinakabahan sa sasabihin ko. Hindi ko rin naman alam kung saan magsisimula e. Hindi ko alam kung ano'ng dapat kong sabihin sa pag-amin niya sa 'kin. This is all too sudden.
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak niya sa 'kin saka bahagyang lumayo sa kaniya.
"A-Ahh...h-hindi ba masyadong mabilis? I mean, kakakilala pa lang natin sa isa't-isa. Saka..." Napabuga ako ng hangin. "...your age and my age, it can't be. You're only 21, 30 na 'ko. Masyadong malaki ang agwat ng mga edad natin sa isa't-isa."
"Importante ba talaga ang edad kapag nagkagusto ka sa isang tao?" Seryoso ang mukhang tanong niya sa 'kin. It's like he's disappointed of what I just said. "It's not like I'm underage. I'm already an adult."
"Not as adult as I am." Giit ko saka muling napabuga ng hangin at napahawak sa sentido ko. "Look, baka naman nabibigla ka lang. I mean, for the past days, we've been talking to each other. Napapadalas ang pag-open up ko sa 'yo ng mga problems and issues ko sa buhay. Baka nasanay ka lang na palagi mo akong kausap kasi baka hindi ka sanay na meron kang kausap because you live alone, and I'm the only one who you can talk to."
"I have friends to talk to. So basically, I'm not alone."
"Okay. Let's say you really have friends—"
"I really do have friends."
"Okay, okay. You do have friends, pero iba pa rin kapag nandito ka na sa apartment building natin. You have no one to talk to. And then, all of a sudden, you rescued me when I was about to end my life. You finally have someone to talk to whenever you're here after a long time of being alone here in this building. Maybe, 'yon ang dahilan kung bakit mo nararamdaman 'yan ngayon sa 'kin." Mahaba kong paliwanag.
He never said a word. Parang hinahayaan niya muna akong mag-explain muna.
"Also, you said you think I'm a person that needs protection, right? Maybe you just feel like you're responsible of me. Since you saved me back there, feeling mo ay responsibilidad mo 'ko. But to tell you honestly, I'm not your responsibility, okay? Hindi kita sinisingil sa pagliligtas mo sa 'kin no'n. I'm so greatful for that, but you don't have to feel like I'm your responsibility." I continued.
Hindi siya umimik ulit. Maybe he's listening to what I'm trying to tell him.
"Maybe, what you're feeling for me right now isn't really what you think it is. You don't like me. Naaawa ka lang siguro sa 'kin, but please, you don't have to feel that way towards me. I'm not your responsibility. I'm no one's responsibility." Dugtong ko pa.
Isang mahabang katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa.
Nakatungo na rin siya. Ilang minuto na siyang naka-gano'n lang. Hindi siya kumikibo o umiimik. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya sa mga oras na 'to. Ayoko naman siyang istorbohin sa pag-iisip niya dahil gusto kong pag-isipan niya munang mabuti 'to.
Masyado pa siyang bata, masyado ring mabilis ang lahat para sa 'min para i-assume na gusto nga namin ang isa't-isa. Bata pa siya, madali pa siyang ma-confuse sa mga bagay-bagay, kaya naiintindihan ko kung nalilito man siya ngayon sa kung ano ba talagang nararamdaman niya para sa 'kin.
"How could you question my feelings for you?" That came out from his mouth almost like a wind.
Maya-maya ay nagsalita na siya. Marahan niyang ibinalik ang tingin niya sa 'kin. Nakita ko sa mga mata niya ang sakit.
![](https://img.wattpad.com/cover/301624887-288-k5695.jpg)
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomanceShe's ready to give up on life. He's fighting to hold onto his. Two strangers, worlds apart but drawn together by pain, find unexpected comfort in each other. As they share their burdens, a fragile love begins to grow. But with a nine-year age gap s...