Chapter 5: A Sweet Kiss

363 9 4
                                    

Rose's POV

Ilang araw kong inisip ang sinabing 'yon ng batang 'yon. Hindi ko alam kung bakit gano'n na lang epekto sa 'kin ng sinabi niya. Hindi ko naman alam kung sino talaga ang tinutukoy niya na taong gusto niya.

"O alam ko talaga?" Bulong ko sa sarili saka mabilis na napailing. "Hay! Ano ba'ng iniisip ko? Rose, umayos ka! Kung anu-ano'ng pumapasok sa isipan mo ha?" Pagkausap ko sa sarili ko.

"Someone that needs protection."

Nag-echo na naman sa isipan ko ang sinabi niyang 'yon. Ibinaon ko ang mukha ko sa throw pillow na yakap ko saka nagsi-sigaw ro'n. Nang kumalma ako ay tumayo ako at kinuha ang sketch pad ko. Nasa ibabaw no'n ang librong binili ko na ang batang 'yon ang nag-recommend sa 'kin. Umiling ako saka itinabi 'yon sa hindi ko makikita saka kinuha na ang sketch pad ko at ang lapis na binili ko kasama 'yon. Bumalik ako sa sala at naupo sa sofa saka nagsimulang mag-sketch ng kung anu-ano.

Kapag hindi ko nagugustuhan ang drawing ko ay pinupunit ko 'yon, gugusutin, saka basta itatapon sa sahig. Napapakamot na rin ako sa ulo ko dahil kanina pa 'kong walang magandang ma-drawing.

"Ano ba 'yan?! Nawalan na ba talaga ako ng talent sa ganito?" Frustrated na pagkausap ko sa sarili ko.

Sa sobrang inis ko ay naihagis ko sa may tabi ko 'yong sketch pad na hawak ko pati na rin 'yong lapis.

"Hay, ewan!"

Nakasimangot ako habang nakatitig do'n sa mga papel na nasa sahig ko. Mukhang hindi na talaga ako marunong sa ganito. Sa tagal na kasi ng panahon, inamag na siguro ang mga kamay at utak ko.

"Someone that needs protection."

Bigla na namang pumasok sa isipan ko ang mga salitang 'yon. Ewan ko, pero bigla na lang din gumuhit sa isipan ko ang mukha ng batang 'yon. Para ring may sariling utak ang mga kamay ko at basta na lang kinuha ang sketch pad at lapis sa tabihan ko at nagsimulang mag-drawing muli. Hindi ko rin namalayang nakangiti na 'ko habang dina-drawing ko ang mukha niya. Hindi ko na rin namalayan ang paglipas ng oras.

Dalawang oras ang nakalipas nang tuluyan kong matapos ang sketch kong 'yon. Lalong lumawak ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang kinalabasan no'n. Kumpara sa palagi niyang seryosong mukha ay in-imagine kong nakangiti siya sa 'kin at 'yon ang ini-sketch kong mukha niya.

"Mas gwapo ka pala kapag nakangiti e." Bulong ko habang nakatitig do'n.

Mas gwapo ka siguro kung makikita ko ang ngiting 'to sa personal.

Napatingin ako sa pintuan nang may kumatok do'n. Kaagad kong isinara ang sketch pad ko at lumapit sa pintuan para buksan 'yon.

Baka si Andrea 'to.

Pagkabukas ko ng pinto ay hindi si Andrea ang nasa labas kundi 'yong ini-sketch ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang din kumalabog nang mabilis ang puso ko. Medyo nakakaramdam din ako ng ilang. Siguro kasi ay ilang araw rin kaming hindi nagkita at nag-usap after ng pag-uusap naming 'yon, nang sabihin niyang may nagugustuhan siya.

"I-Ikaw pala. Haha! A-Ano'ng ginagawa mo rito?"

Sh*t!

Napamura ako sa isipan ko dahil sa pag-stutter ko. Halata naman masyadong naiilang ako sa presensiya niya. Baka kung ano pa ang isipin nito.

At bakit nga ba 'ko naiilang sa kaniya, aber?!

Nagulat ako nang bigla na lang niyang itinapat sa mukha ko 'yong dalawang boxes ng pizza-ng hawak niya.

"A-Ano'ng—"

"U-Um-order ako ng pizza, naparami e. N-Naisipan kong mag-share."

Ibinaba ko 'yong hawak niyang pizza para makita siya. Nang gawin ko 'yon at magtama ang mga mata namin ay umiwas siya ng tingin sa 'kin. Nawala ang pagkailang ko dahil sa reaksyon niya. Mukhang katulad ko ay gano'n din pala siya. Ang cute niya kapag ganiyan siya.

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon