Lucas' POV
Year 2005.
Tinitignan ko ang kabuuan ng unit na titirahan ko na simula ngayon. Matagal ko na 'tong inasikaso bago pa man ako maka-graduate ng high school. Nagpatulong ako kay Ninong Glen dahil alam kong dito siya sa Southvill nakatira.
Ginusto kong dito tumira habang nag-aaral ako ng College. I'm sick and I don't want my family to know about it and be a burden to them. Ayoko rin namang umasa lang sa parents ko. I want to do the things that I can do despite me being sick. I wanna be independent. Gusto kong ako mismo ang gagastos sa mga bagay na para sa 'kin. I wanna live like a normal person. I want to experience those things.
Noong una ay ayaw pa nila Mom and Dad because I'm only 16 and they don't want me to live all alone, pero sa huli ay napapayag ko rin sila, sa tulong na rin ng pagkumbinsi ni Ate sa kanila. I wanted to do this, so they gave me their support even though they're worried about me.
"MAGBABAYAD NAMAN AKO E!"
Napatingin ako sa may labas nang marinig ko ang isang malakas na sigaw mula roon. Marahan akong lumabas para tignan kung ano ang nangyayari. Ang ibang nandito rin sa floor ay naglabasan na rin sa ingay ng nasa labas.
"Magbabayad naman ako! Bakit ba napaka-atat mo namang maningil?! Para isang libo lang naman 'yong hiniram ko ah!" Sigaw ng isang babae mula sa cellphone niya.
Mukhang may kausap siya sa cellphone niya. Nasa may hallway lang siya nitong floor kaya rinig na rinig ang malakas niyang boses.
Isasara ko na sana 'yong pintuan ko at muli nang papasok sa loob nang may mahagip ang mga mata ko sa kabilang unit na katabi ko.
May isang babaeng nakasilip din sa may pintuan niya at nakatingin do'n sa babaeng sumisigaw sa celphone niya.
Her hair is in a messy bun that fits her face. She doesn't look like she's a mess with that hair look. In fact, I find it more attractive.
Ilang minuto lang akong nakatitig sa kaniya. It's like this girl hypnotized me. Naramdaman ko rin ang pagbilis ng tibok ng puso ko kaya napahawak ako ro'n.
"What is this? Is this another attack?" I whispered to myself while looking at my chest.
Muli kong ibinalik ang tingin do'n sa babae pero nakapasok na yata siya sa loob. Napatitig na lang ako sa sarado niyang pintuan.
Few days past, I've been seeing that same girl na katabi ng unit ko every single day. I don't know if the destiny's been playing with me, 'cause after that day that I saw her, walang araw na hindi ko siya nakikita o nakakasalubong sa daan. There's also one time na nagkasabay kaming dalawa sa elevator nitong apartment building namin. I also couldn't take my mind off her. Simula nang makita ko siya ng araw na 'yon, hindi na siya mawala sa isip ko.
Did I just experienced the 'love at first sight'?
•••••••
Year 2006.
A year has passed...but my feelings for that girl beside my unit keeps getting stronger everyday. I don't know if that's even possible, dahil hindi naman kami nag-uusap ever. Mukhang hindi rin naman niya 'ko napapansin kahit pa ilang beses na kaming nagkakasalubong sa daan maging sa elevator.
Nalaman ko rin na Rose ang pangalan niya, thanks to her friend who called her so loud sa may labas ng unit niya.
At first, I first thought that this was just an infatuation. I'm just admiring her beauty and her personality, that's all. Just a little crush, but my weak heart couldn't take it. Kapag may nararamdaman akong mabigat na emosyon, nahihirapan akong huminga at sumisikip din ang dibdib ko. I still don't want to jump into conclusions, but my heart can't lie with what it's feeling for that girl named Rose.
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomansaTwo strangers with a 9-year age gap. One who wanted to end her life, and one who wanted to extend his life. Two strangers who find comfort in each other, sharing every burden they carry. Two strangers who find love along the way. Will they let their...