Rose's POV
Ilang araw ang nakalipas nang makalabas na siya ng ospital. Bumalik na rin ang pamilya niya sa Manila. Dadalaw na lang daw sila tuwing weekends. May mga trabaho kasi sila sa Manila at hindi sila pwedeng mag-stay rito para samahan siya. Mabuti na nga lang daw at nandito ako para mabantayan siya.
Nakahiga lang kami sa kama ko rito sa apartment ko, habang ang mga paa namin ay magkadikit at nakasandal sa pader. Hawak niya 'yong libro, na ni-recommend niya sa 'kin, habang binabasa niya 'yon nang malakas para marinig ko. Ako naman ay abala sa pag-sketch sa dalawang paa naming magkatabi at nakasandal sa pader habang nakikinig sa kaniya.
Hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang relasyon naming dalawa bilang strangers. He still doesn't want me to know his name, and part of me also wanted us to stay like this...for awhile.
Maybe we'll know each other's names at the right time. Kapag siguro nasabi na namin ang lahat ng mga secrets and hidden feelings namin sa isa't-isa. 'Yong mga bagay na hindi namin masabi-sabi sa iba.
Siguro nga tama siya. Mas magandang mag-open sa taong hindi mo kilala. A stranger. There's no judgements, kasi hindi niyo naman kilala ang isa't-isa. Mas gumagaan din ang loob ko, kasi alam kong may taong handang makinig sa lahat ng nararamdaman ko na hindi ko masabi kahit kay Andrea. At alam ko rin na hindi niya magagawang husgahan 'yon o ako, kahit na ano pa mang malaman niya tungkol sa 'kin.
Nang matapos niyang basahin ang libro ay isinara na niya 'yon. Ilang araw rin namin 'yong binasa at ngayon lang namin natapos. It was a beautiful story. I admire the author so much. He's right when he told me I'll like the story. I really like it—no! I love it.
"Matatapos na rin 'to." Sambit ko kahit pa hindi naman niya 'ko tinanong.
Mas lumapit siya sa 'kin para tignan 'yong in-i-sketch ko. I smelled his perfume. It's my favorite scent now.
"Finished!" Nakangiti kong sabi saka ipinakita sa kaniya 'yon. "What do you think?"
"It's beautiful. Can I keep it?"
Inilayo ko agad sa kaniya 'yong sketch ko. "Ilang oras ko 'tong pinaghirapan, tapos makukuha mo lang ng libre? May bayad 'to, malaki." Biro ko.
"Name the price." Mayabang na sagot niya.
"Hindi ka lang marunong gumalang sa mas nakakatanda sa 'yo, mayabang ka rin." Pinunit ko 'yon mula sa sketch pad ko saka ibinigay sa kaniya. "Sa 'yo na 'yan. Bayad ko sa 'yo sa palaging pagsama sa 'kin sa tuwing kakain ako, at diyan sa libro. It was an amazing book, by the way."
Tumaas ang isa niyang kilay saka kinuha ang sketch ko. "Naintindihan mo ba ang binasa ko?"
"Oo naman." Confident na sagot ko pa. "Hindi ka naniniwalang kaya kong pagsabayin ang mag-drawing at makinig?" Umiling siya kaya sarkastik akong napatawa. "Wow! Ganiyan mo ba 'ko maliitin?"
"Prove it to me then. What happens to Sam Kingston? Namatay ba siya?" Nang-hahamak na tanong niya.
Sinusubukan niya ba talaga 'ko? Hindi niya ba alam na ito ang hidden talent ko? Porke't matalino siya, feeling niya siya lang ang may karapatang maging gifted.
(Warning: For those who plans to read this book or watch this movie on Netflix, this is a spoiler. You can skip this part if you don't want to be spoiled.)
"Namatay siya." I confidently answered. "Namatay pa rin siya sa huli pero bago 'yon nangyari, nagbago muna siya. Naitama niya ang mga mali niya...bago siya mamatay nang tuluyan. Ilang beses niyang naranasan ang pagkamatay niya, paulit-ulit, everyday. Hindi 'yon tumitigil hangga't hindi niya na-r-realize ang mga pagkakamali niya at maitama 'yon. Pero sa huli, nagsisi siya, nagbago siya."
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomanceTwo strangers with a 9-year age gap. One who wanted to end her life, and one who wanted to extend his life. Two strangers who find comfort in each other, sharing every burden they carry. Two strangers who find love along the way. Will they let their...