Chapter 12: In Another Reality

244 8 1
                                    

(For better reading, please play Gone Too Soon by Simple Plan)

Dumating ang araw ng libing niya. Hindi ko alam kung kakayanin kong makapunta sa libing niya. Maging sa burol niya ay hindi ako nagpunta.

Hindi ko kaya. Hindi ko pa kaya.

Napatingin ako sa pintuan ko nang may kumatok doon. Kaagad ko 'yong binuksan at nabigla ako nang malamang si Lilian 'yon.

"Are you not going?" Tanong niya agad sa 'kin.

Hindi ako nakaimik. I want to, but I couldn't. Hindi ko siya kayang makita sa loob ng kabaong. I can't see him like that.

"He's waiting for you."

Napaluha na naman ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko rin ang pangingilid ng mga luha niya.

She smiled at me and then she gave me a key. Nagtataka ko naman 'yong tinanggap.

"May nakita ako sa apartment niya. I think it's like a diary. Nakasulat 'yon sa likod ng isang sketch. I think it's for you." Aniya. "Iniwan ko sa may sofa niya para madali mong makita. Maiwan na kita. We'll be waiting for you there."

Umalis na siya at naiwan naman akong nakatingin sa hawak kong susi saka napatingin sa unit niya. Ilang minuto lang ako nakatayo ro'n hanggang sa marahan akong naglakad papunta sa harapan ng unit niya.

Binuksan ko 'yong pinto gamit ang susi na ibinigay sa 'kin ni Lilian, saka marahang binuksan 'yong pintuan.

Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko ang loob ng apartment niya.

Naglakad ako papasok at dumiretso sa sala niya. Nakita ko sa may sofa ang sketch ko ng mga paa naming dalawa.

"So, itinago mo talaga 'to." I whispered, smiling.

Tinignan ko ang likuran no'n at tama nga si Lilian, may nakasulat nga ro'n.

Dec. 7, 2010.

This is the day that she finally noticed me. Noong itinapon ko ang sigarilyo sa lupa intentionally. Also the day that I smiled. A genuine smile.

Naalala ko ang una naming pagkikita.

So, that was intentional?

Muli kong ipinagpatuloy ang pagbabasa ko.

Dec 7, 2010.

She almost ended her life. I was so afraid that night. Ayokong itapon niya lang ang buhay niya. Life is precious, but maybe not for everyone? Good thing, I was there to not let that happen. That's also the day when I realized that she needs someone to protect her. So, I'll be that someone for her.

Dec. 8, 2010.

She cooked me breakfast. Nakakain na 'ko ng almusal, pero dahil luto niya 'yon, kinuha ko na rin. After lunch, hindi na 'ko pumasok kahit pa may klase pa 'ko sa hapon. Umuwi na lang ako para masamahan ko siya sa pagkain.

Napatakip ako sa bibig ko at muling napaluha. He did all of those for me. Just for me. Hindi totoong hindi pa siya nakain ng almusal at hindi rin totoong half day siya no'n.

Dec. 9, 2010.

Nagkita kami unexpectedly sa National Bookstore. I gave her my favorite book. I really wanted to buy that copy. It was the last copy of the bookstore, but I gave it to her. I just thought that she needs it more. Para naman hindi niya masyadong maisip 'yong mga iniisip niya lalo na kapag wala ako sa tabi niya.

He also gave me his favorite book kahit pa alam niyang last copy na 'yon.

Napaupo ako sa sahig habang patuloy na naman ang pagtulo ng mga luha ko.

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon