Chapter 8: Stay

256 10 5
                                    

Rose's POV

Nakatitig lang ako sa kaniya habang natutulog siya.

Nang madatnan kong wala siyang malay sa apartment niya ay kaagad na 'kong tumawag ng ambulansya at dinala siya rito sa ospital.

Nagtaka ako no'ng una dahil mukhang alam agad no'ng mga nandito sa ospital ang gagawin nila. Meron kaagad silang tinawag na doktor nang makita nila siya.

Bumalik sa alaala ko ang sinabi ng doktor sa 'kin kanina.

"You know him?" Tanong agad sa 'kin no'ng doktor nang matapos nilang itong i-examine.

I nod. "Y-Yeah. Doc., what happened to him? Is he okay?"

"You said you found him in his apartment unconscious?" Muli niyang tanong. Tumango lang ako. Napabuntong hininga naman siya. "Well, he's getting worse."

"W-Worse? Ano pong ibig niyong sabihin?"

"I bet you don't know also." Kumunot ang noo ko sa isinagot niya pero nanatili akong tahimik dahil gusto kong tapusin niya ang gusto niyang sabihin. "He'll probably gonna be mad at me for this, but...I think you really have to know. At least, one of those who knew him." He continued.  "He was diagnosed with HCM."

"H-HCM?"

He gave me a nod. "HCM or Hyperthrophic cardiomyopathy. It's a heart disease. It's a complex type of heart disease that affects the heart muscle. Pinapakapal nito ang heart muscle, most especially ang ventricles, or 'yong lower heart chambers, etc. Nakukuha 'to usually through genes." Tinignan niya saglit ito kaya napatingin din ako sa kaniya. May oxygen siya at may mga nakakabit sa kaniyang katawan. "In his case, nakuha niya 'to sa Lolo niya." Muli niya 'kong tinignan. "I'm the only one who knew his condition. Even his family doesn't know everything about this."

Nabigla ako sa sinabi niyang 'yon. Hindi ko inaasahang pati ang pamilya niya ay hindi alam ang tungkol sa sakit niya. How did he even managed to keep this a secret...especially to his family?

"I'm his Ninong, by the way." Pagpapakilala niya. "Ako lang ang tanging kamag-anak niya na nandito sa Southvill, kaya nagpunta rin siya rito para kapag nangyayari 'to sa kaniya o kailangan niya ng check-up, madali lang dahil nandito ako at cardiologist din ako." He explained. So that's why he live alone. "I told him na sabihin na sa family niya, pero he's too stubborn. Sabi niya ayaw ay niya raw mag-alala pa ang mga magulang niya sa kaniya, so he desperately asked me to keep this a secret. 'Yong family niya sa Manila, ang alam lang ay nagkaroon lang siya ng simpleng pagsakit sa puso, at ang akala nila ay magaling na siya. HCM isn't simple. It has no cure. It's a serious thing, and right now, he's not okay."

Napatingin ako sa binatilyong 'yon. He's peacefully sleeping.

All those days, hindi ko man lang napansin na may iniinda pala siyang sakit. Hindi ko alam na hindi lang pala emosyon ang kaya niyang itago, kundi pati ang sakit niya.

Why is he even doing this to himself? Is he crazy?!

"Miss..."

Muli kong ibinalik ang tingin ko ro'n sa doktor. "Rose. Rose Del Rosario."

"Ms. Del Rosario, may I ask kung may alam ka bang nangyari sa kaniya bago mo siya natagpuan na walang malay sa apartment niya? Something that triggered him or his feelings?"

Napaisip naman ako sa tanong niya saka bumalik sa alaala ko ang naging pag-uusap namin kahapon. Right, I saw him grabbing his chest yesterday.

Nakaapekto ba ang mga sinabi ko sa kaniya kagabi?

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon