Chapter 4: Protecting You

372 12 0
                                    

Rose's POV

Ngayong araw ay naisipan kong magpunta ng National Bookstore para bumili ng bagong sketch pad. Naisip kong tama si Andrea, baka panahon na para mag-sketch ulit ako. Ang tagal na rin simula no'ng tumigil ako sa pag-d-drawing. Simula no'ng mag-college kami ni Andrea ay nawalan na 'ko ng time para ro'n kaya tumigil na 'ko hanggang sa magkaroon ako ng trabaho.

Hindi ko alam kung marunong pa rin akong mag-sketch, but who knows? Practice makes perfect. Ita-try ko lang naman ulit habang nag-iisip pa 'ko ng gagawin sa buhay ko ngayon. Wala namang mawawala. Isa pa, hindi naman siguro nawawala ang talent nang gano'n na lang, 'di ba?

Kinuha ko ang isang sketch pad saka naglibot-libot muna sa loob ng bookstore. Naghanap ako ng mga librong pwede ko ring bilhin. Magandang pampalipas oras din ang magbasa ng libro.

Habang abala ko sa pagtingin-tingin ng mga libro ay may nakabanggaan ako.

"Sor—O, Tutoy! Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko nang makilala ko kung sino ang nabangga ko. Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang libro. "Wow! Nagbabasa ka pala ng libro? Book lover?" Binalik ko ang tingin sa kaniya.

He gave me a nod. "Ikaw rin?"

"Hmm, hindi naman masyado, pero mukhang makakahiligan ko na ngayon. Alam mo na? Pampalipas oras." Bahagya akong nagulat nang iabot niya sa 'kin ang hawak niyang libro. "Ano 'yan?"

"Libro."

Napasimangot ako sa sagot niya. "Dumb. Alam kong libro 'yan? Bakit mo ibinibigay sa 'kin?"

"I've already finished reading that, so I'm recommending that to you." Aniya.

Kinuha ko sa kaniya 'yong libro. "E bakit bibilhin mo pa?"

He shrugged. "My friend lost my book. Bibili sana ako ng panibagong copy for collection, but I'm lending that to you now. You need it more."

Isang maliit na ngiti ang gumuhit sa labi ko.

"Thank you." Sabi ko saka binasa 'yong title ng book. "Before I Fall by Lauren Oliver."

"It's a good book." Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya nang magsalita ulit siya, pero sa libro naman siya nakatingin. "It's about rebirth, renewal, and redemption. About a girl who is forced to relive the day of her death everyday for a week until she realizes her mistakes and correct everything. You'll like it."

I raised an eyebrow at him. "Seriously? For a first time reader like me, you'll really recommend me a book containing someone's death? Naalala mo bang muntik na 'kong magpakamatay? Gusto mo ba 'kong lalong ma-depress?"

Nakita ko naman ang panic sa reaksyon ng mukha niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko maikakailang ang cute ng reaksyon niya.

"I-I'm sorry, I thought—"

I chuckled. "Joke lang, ito naman o, hindi na mabiro." Sambit ko. He looked puzzled about my reaction that makes him more cute. "Thank you for the recommendation. May pupuntahan ka pa ba? Sabay na tayong umuwi."

Nauna na 'kong magpunta ng counter at hinayaan siya kung susunod siya. Ramdam ko namang sumunod siya sa 'kin kaya bahagya akong natuwa.

Bago pa 'ko tuluyang makalapit ng counter ay napatigil agad ako saka mabilis na hinarap 'tong batang 'to at basta na lang hinawakan ang kamay niya at hinigit papunta sa kung nasaan kami kanina. Yumuko pa 'ko at itinago ang mukha ko sa bookshelves.

"B-Bakit? Ano'ng ginagawa mo?"

"Sshh! 'Wag kang maingay! Nandiyan ang ex ko kasama ang kabit niya." Bulong ko sa kaniya.

Tumingin-tingin pa siya sa paligid. "Sino? Nasaan?"

Hinigit ko naman siya sa kamay niya para yumuko siya. "'Wag mo nang tignan!"

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon