Rose's POV
1 month after. Year 2011
Ngayon ang araw ng graduation niya. Um-attend pa rin siya kahit pa hinang-hina na siya. Naka-wheel chair lang siya at nanatili rin ako sa tabi niya. Wala akong balak na umalis.
Nasa may upuan naman ng mga families or guardians ng mga students ang family niya.
Binalaan na kami ng doktor niya na sa susunod na atake ay hindi na talaga kakayanin ng puso niya. Pinaghahanda na niya kami sa kung ano'ng pwedeng mangyari sa kaniya.
I'm still not yet ready for that. But I have to. I know I have to. Kahit ano'ng mangyari, nangako ako sa kaniyang hindi ko siya iiwan hanggang sa huli. Nangako rin ako sa sarili kong hinding-hindi ko na iisipin o gagawin ang magpakamatay. I'll stay strong...for him.
Natapos ang graduation nila. Nag-pictur-an silang magka-klase. Hinayaan ko lang sila habang nasa isang tabi ko. Sumunod naman na nag-picture sila ng family niya. Ako na sana ang kukuha ng picture sa kanila pero bigla na lang akong hinila ni Lilian.
"You're part of the family already." Nakangiti niyang sambit.
Napangiti ako nang malawak dahil do'n.
Humanap siya ng pwedeng mag-picture sa 'min. Tumayo naman ako sa may tabihan ng wheel chair ni Lucas kung saan siya nakaupo. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napangiti ako ng natural. Ang ngiti kong 'yon ang nakuha sa litrato namin.
Sinabi rin ni Lilian na mag-picture kaming dalawa kaya naman hindi kami umangal. Gusto kong magkaroon kami ng maraming memories na dalawa. Naupo ako sa tabihan ng wheel chair habang magkahawak pa rin ang mga kamay naming dalawa. Marami ang litratong kinunan ni Lilian para raw marami kaming remembrance.
Kumain din kami sa apartment unit niya. Um-order na lang ako ng foods para hindi na magluluto. Nagkwentuhan at nagtawanan kami na parang wala kaming inaalala o ikinakatakot.
"Pwede po ba kaming magpunta ni Rose sa Southvill Park?" Tanong ni Lucas sa parents niya.
Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa pagtataka.
"Go on, son." Nakangiti namang sabi ng Papa niya.
Pumayag sila kaya naman ginawa ko na lang ang gusto ni Lucas. Nang makarating kaming Southvill Park ay inalalayan ko siyang makaupo sa bench saka naman ako naupo sa tabihan niya.
Inihilig niya ang ulo niya sa 'kin. Hindi naman ako gumalaw para hindi siya maistorbo.
I have a feeling that this might be the last time. I need to ready myself.
Pinigilan ko ang sarili kong mapaiyak. Ayokong sayangin ang oras na 'to sa pag-iyak ko. I need to treasure this moment.
"I'm sorry." Mahinang sambit niya.
Napalingon ako sa kaniya. "Sorry for what?"
"I won't be able to fulfill my promise to you." Sa sinabi niya ay nangilid ang mga luha ko. Ilang beses akong napalunok upang pigilan ang napipinto kong pag-iyak. "I said I'll live for you. I said I'll beat this illness. I'm sorry I couldn't...do that anymore."
Napatingin ako sa taas para pigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Pero taksil ang mga luha dahil bumagsak pa rin sila kahit na ano'ng pigil ko.
"I'll give you my eyes." Gulat akong napalingon ulit sa kaniya pero nakapikit naman siya. "At least, kasama mo pa rin ako dahil nasa 'yo ang dalawa sa mga parte ng katawan ko. I really wanted to give it to you kung sakali mang hindi ko na kayanin. Mapapanatag akong umalis kapag alam kong may maiiwan ako sa 'yong alaala."
"So, you're really leaving me, huh?" Pumiyok ang boses ko nang sabihin ko 'yon.
"I don't want to." Napapikit ako nang mariin sa isinagot niya sa 'kin at mas lalo pang napaiyak. "I don't want to die. I wanna live. God knows how much I want to live. Gusto ko pang mabuhay, Rose, but there's something's that's really meant to happen."
Even in this situation, nakukuha niya pa ring maging positive. Nakukuha niya pa ring maging open sa lahat ng bagay.
Mahina siyang tumawa. "Sayang. Hindi ko na magagawang ligawan ka." Mas lalo pang bumuhos ang mga luha ko sa sinabi niya. "Maybe...maybe in another life...I can finally do that."
"Y-You don't have to. Sinasagot na kita. I already told you that I love you, right?"
Nakita ko ang pagngiti niya kahit nakapikit siya nang lingunin ko siya.
"So, you're my girlfriend now. Finally." Bulong niya. "It's just sad, I'll have to leave right away."
Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko 'yon nang mahigpit. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.
I don't want to stop holding his hand like this. If only we could do this forever.
"I might have to leave you physically right away. But I'll be with you 'cause I'm inside your heart." Kahit nanghihina na siya ay pinipilit niya pa ring magsalita. "And my eyes will be with you also. Promise me you'll take care of my eyes, okay?"
I nod. "I-I will. I promise."
"Don't feel guilty if you did that."
"What?"
"Alam kong na-g-guilty ka...no'ng...muntik ka nang magpakamatay. Simula no'ng malaman mong...may sakit ako...you felt guilty of wanting...to take your own life while...I'm fighting for my own." Hirap na hirap niyang sabi. I want him to stop talking dahil ayoko na siyang mahirapan, pero gusto kong marinig ang mga sasabihin niya sa 'kin. Baka kasi ito na ang huling beses na maririnig ko ang boses niya. "You don't have...to...feel guilty. I think...you're a strong and brave...person. So...please stop thinking about that. You don't...have to feel sorry about...what you feel. I think...you're a tough one."
Bumuhos pa lalo ang mga luha ko.
"Nagagawa mo pa ring pangaralan ako?" Pagbibiro ko kahit pa umiiyak na 'ko nang sobra.
I heard him chuckled. "Just don't do...anything stupid again...while I'm gone. I'll still be...watching you."
"Hindi ko na gagawin 'yon, Tutoy." Bulong ko. "I promise."
"That's good...Tita." Bahagya akong napangiti nang marinig ko ulit ang tawag niyang 'yon sa 'kin. "Can I...hear you say...you love me again?"
Huminga ako nang malalim. Pinigilan ko muna ang mas lalo pang mapaiyak dahil baka pumiyok lang ako kapag nagsalita ako.
"I...I love you, Lucas."
"I love...you too, Rose."
Humigpit lalo ang hawak ko sa kamay niya nang sabihin niya 'yon.
Is this the end?
"I didn't know...it will be this good...to hear you say that...to me."
At paulit-ulit ko 'yong sasabihin sa 'yo hanggang sa magsawa ka.
"I'm sleepy."
Napalunok ako nang sabihin niya 'yon. Alam ko...ito na ang huli. Huli na 'to.
"M-Matulog ka na, Lucas. Bukas...punta ka ulit sa apartment. Samahan mo ulit akong kumain. Pangaralan mo ulit ako bukas." Patuloy ang pagbuhos ng mga luha ko habang sinasabi ko ang mga 'yon. "For now, just sleep. I'll be here. I'm not going anywhere. I'll be by your side. I'll stay with you."
"Goodnight...R-Rose."
"G-Goodnight...L-Lucas."
Unti-unti ko nang naramdaman ang pagbigat ng ulo niya sa balikat ko pati na rin ang pagluwag ng pagkakahawak niya sa mga kamay ko.
"Tulog ka na? T-Tulog ka na talaga?" Tanong ko kahit pa alam ko na ang sagot do'n. "Tinulugan mo na talaga 'ko."
Nakatingin ako sa kawalan habang umiiyak.
He's gone. He's really gone.
"Thank you for everything, Lucas." Halos hangin na sambit ko. "Mahal kita...habang buhay."
BINABASA MO ANG
Strangers [A Valentine Special] (EDITING)
RomanceTwo strangers with a 9-year age gap. One who wanted to end her life, and one who wanted to extend his life. Two strangers who find comfort in each other, sharing every burden they carry. Two strangers who find love along the way. Will they let their...