Chapter 2: Her Savior

444 15 1
                                    

Rose's POV

Kinuha ko mula sa binatilyong pumigil sa 'king magpakamatay 'yong isang basong tubig na ibinibigay niya sa 'kin saka 'yon ininom, pagkatapos ay ibinaba ko na 'yong baso sa center table. Naupo siya sa may tabihan ko rito sa sofa ko saka ako tinignan.

"What?" Nakataas ang isang kilay na tanong ko.

He gave me a sigh. "Are you an idiot? Bakit ka tatalon do'n?

Nagulat ako dahil kung kausapin niya 'ko ay parang magkasing-edad lang kami. Kung titignan naman, mukhang bata pa siya.

"Hindi ka marunong gumalang, 'no? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na gumalang sa mas nakakatanda sa 'yo?"

"Hindi ka marunong magpasalamat, 'no? Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na magpasalamat sa taong tumulong sa 'yo?" Balik-tanong niya sa 'kin.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kaniya. "B-Bakit naman ako magpapasalamat sa 'yo? Dapat lang talaga na magalit ako sa 'yo kasi hindi natuloy 'yong plano kong—"

"Magpakamatay?" Seryoso ang tinging ibinigay niya sa 'kin. Para siyang galit sa 'kin na hindi ko maintindihan kung bakit. "Bakit ang dali sa 'yong tapusin ang buhay mo? Hindi mo ba alam na masarap mabuhay? Na mahalaga ang buhay?"

Mapait akong napatawa sa sinabi niya. "Masarap mabuhay? Para sa 'yo siguro, oo. Pero para sa 'kin...hindi." Galit ko siyang tinignan. "Saka kung magsalita ka parang ang dami mong alam sa buhay ko ah! Hoy! Don't invalidate my feelings, okay? May mabigat akong pinagdadaanan kaya ko 'yon naisip."

Bakit ko ba sinasabi sa batang 'to ang mga problema ko? Hindi ko naman 'to kilala.

"Go on."

"Ha?"

Inalis niya ang tingin niya sa 'kin. "They say that it's more okay to share your feelings to a stranger because there are no judgements." Tinignan niya 'kong muli. "Hindi mo 'ko kilala, hindi rin kita kilala. Wala akong ibang pagke-kwentuhan ng kwento mo kasi hindi ka naman kilala ng mga kakilala ko. What's the point of me judging you or sharing your story to other people?"

May point siya. Infairness, matalino rin ang batang 'to ha?

Matagal akong hindi umimik. Nag-aalinlangan pa 'ko at iniisip ko rin kung sa'n ako unang magsisimula.

Bumuga ako ng hangin bago magsalita.

"Well...if you say so." Panimula ko. "Nag-start ang lahat nang mawalan ako ng mga magulang last year. Murder." Nagulat siya nang sabihin ko 'yon. Mukhang hindi niya yata in-e-expect. Well, it was really unexpected. "Nakakulong na naman ang pumatay sa kanila. It was my Uncle, panganay na kapatid ng Papa ko. Ang sabi, si Papa lang daw dapat ang papatayin, pero dahil witness si Mama, pinatay na rin niya. Ang lahat nang 'yon nangyari nang dahil lang sa inggit ng Uncle ko sa Papa ko. Nainggit kasi maganda na raw ang buhay nila, samantalang siya ay mahirap pa rin. Hindi niya alam, ako lahat 'yon. Pinaghirapan kong makapagpatayo ng bahay para kila Mama at Papa sa Laguna. Binibigyan ko nga rin siya kahit pa alam kong pinang-susugal lang naman niya. But it also turns out, nag-d-drugs din siya. Sabog no'ng ginawa niya 'yong krimen." Naramdaman ko ang pangingilid ng mga luha ko at kumuyon din ang mga kamao ko sa galit. "I wasn't there when that happened. Nandito na 'ko sa Southvill e, working. Kung nando'n ako ay baka pinatay na niya rin ako."

Napasinghap ako nang biglang may pumatak na isang luha kaya naman bahagya akong pumaling sa kabilang direksyon para mabilis 'yong punasan. Hinarap ko siyang muli pero nahuli ko siyang nakatitig lang sa 'kin.

"Don't look at me like that. Ayoko ng awa."

"I don't pity you."

"Then why are you looking at me like that?"

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon