Chapter 10: Stranger No More

277 13 8
                                    

TRIGGER WARNING: This chapter mentioned s*icide or s*icidal thoughts, which some readers might find distressing or traumatizing. You can skip this part if this triggers you. Read at your own risks.

--

Rose's POV

3 months after. Year 2011.

"I'm sorry, Rose...but you really need a cornea donor as soon as possible." Masamang pagbabalita sa 'kin ng doktor ko sa mata.

It's been 2 months since I've been experiencing pain in my eyes. Napapadalas na rin ang biglaang paglabo ng mga mata ko, hindi gaya dati na minsanan lang 'yon mangyari sa 'kin. Malungkot akong nagpaalam sa doktor ko at bumalik na ng apartment ko.

Simula nang sinabi kong magpapagamot na 'ko ay tinupad ko nga 'yon. It's been 3 months of my treatment and there's still no improvement. I'm slowly losing my hope that I'll still be able to continue living in this world seeing it's beauty. Siya na lang ang nag-iisa kong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay umaasa pa rin akong gagaling ako. He's may last hope.

But just like him...there's also no improvement on his health. Day by day, pahina siya nang pahina. For the last 3 months, he's been fighting for his life. Despite all of that, he still remains as hopeful as before. Hindi siya kailanman pinanghinaan ng loob kahit pa hindi na niya nagagawang makapasok ngayon araw-araw dahil nahihirapan na siya. Kapag hindi siya nakakapasok sa klase ay ako na mismo ang pumupunta sa school niya para kunin ang mga lectures na nakaligtaan niya at ang mga requirements na kailangan niyang gawin. Mga kaklase niya mismo at mga professors ang nagbibigay no'n sa 'kin. Alam na rin kasi nila ang tungkol sa sakit niya. Tinutulungan ko na lang siya sa mga kailangan niyang tapusin para hindi siya gaanong mahirapan. Graduating na rin kasi siya. Civil Engineering ang course niya.

"Hey, Ands." Bungad ko sa kaniya nang sagutin niya ang tawag ko.

Nasa bus pa lang ako at pauwi na. Naisipan kong tawagan si Andrea at sabihin sa kaniya ang lahat.

["Hey. May problema ba?"]

Malungkot akong napangiti. She really knows me well. Alam niya agad kapag may problema ako sa boses ko pa lang.

(Trigger Warning: S*ic*de. Please skip this scene if you're uncomfortable reading it. Ask for help if this triggers you. YOU ARE LOVED.")

"Mabubulag na ang best friend mo." Sinubukan kong pasayahin ang tono ng boses ko pero bigo ako. Pumiyok lang ako dahil sa pagpipigil ko ng iyak. Sa huli, tumulo lang din ang mga luha ko nang sunud-sunod. Wala akong balak na punasan sila. Mabuti na lang din at wala masyadong tao sa bus at wala rin akong katabi. "The doctor said that I really need a donor as soon as possible, but right now...wala e. Ano'ng gagawin ko, Ands? Ayoko pang mabulag. Gusto ko pang makakita. Gusto ko pa siyang makita. Ayoko pa. Natatakot ako, Andrea. What if...tuluyan na 'kong mabulag? Pa'no pa kita makikita? Pa'no ko pa siya makikita? Ayokong mangyari 'yon." Umiling-iling ako habang patuloy pa rin sa pag-iyak. "What if...matapos na lang ang lahat nang 'to?"

Pinigilan ko ang mga hikbing gustong kumawala sa bibig ko. Ayokong marinig ng ibang pasahero ang paghikbi ko at makita nila 'kong umiiyak.

["Where are you? Pupuntahan kita."]

Umiling ako kahit pa alam kong hindi niya nakikita. Pinunasan ko na rin ang mga luha ko.

"No, you don't have to. I'm okay." I lied. "May trabaho ka pa. Ayokong makaabala sa work mo. Baka mapasama ka pa riyan."

["You know you're more important than my work."] Mas lalo lang akong naiyak sa isinagot niya sa 'kin. ["I can lose my work, but not you. So tell me where you are."] I can sense how serious she is just by her voice. ["I'm warning you, Rosas, don't do anything stupid or I'll never forgive you!"] Sigaw niya sa kabilang linya.

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon