Chapter 13: Forever Loving You

393 13 10
                                    

Rose's POV

Present Time. Year 2020

["Hoy, Rosas! Nasa'n ka na ba?!"] Bungad agad sa 'kin ng best friend kong si Andrea pagkasagot ko pa lang ng tawag niya. ["Hindi talaga ako magpapakasal hangga't wala ang maid of honor ko rito, sinasabi ko sa'yo! Magba-back out talaga ako."]

Napatawa naman ako. "Hoy, Andrea Ramos! 'Wag ka ngang atat diyan, papunta na 'ko. Alam mo naman kung gaano ka-traffic dito sa Southvill e. Wait ka lang diyan. Parating na ang maganda mong maid of honor."

["Bilisan mo na! Ang dami mo pang sinasabi! Ikaw na lang ang hinihintay rito. Hindi talaga ako maglalakad sa altar nang wala ka."] Bago pa 'ko makasagot ay binabaan na niya 'ko ng cellphone.

Napailing at napatawa na lang ako saka tumingin do'n sa taxi driver.

"Kuya, kapag nakahanap ka ng mas mabilis na daanan papuntang Southvill Parish Church, gagawin kong triple ang bayad ko sa 'yo." Kita ko sa may rear view mirror niya na nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko. "Kuya, I really need to be on my best friend's wedding now. Papatayin niya 'ko kapag hindi ako nakarating. Hindi talaga 'yon magpapakasal hangga't wala ako, at kahit naman may sayad sa utak minsan 'yon ay gusto ko pa rin namang maging masaya siya. Kaya please, Kuya, hanap ka ng paraan para makarating tayo agad sa simbahan, please?"

"Okay po. Ako pong bahala. Makakarating po tayo ro'n agad-agad." Determinadong sagot niya.

"Thank you, Kuya!"

Ngayon kasi ang kasal ng best friend kong si Andrea sa long time boyfriend niya. Ang nakakagulat pa, 'yong Ninong at doktor ni Lucas noon ang boyfriend at soon to be husband niya. Nagkita pala sila no'ng dinala ni Andrea si Lucas sa ospital noon. Nagkamabutihan hanggang sa naging sila, nagkaroon ng kambal na anak at ngayon lang nila naisipang magpakasal. Ewan ko ba sa dalawang 'yon, kung kailan 40 years old na si Andrea at 42 naman si Glen, saka naisipang magpakasal. 8 years old na nga 'yong kambal na inaanak ko e. But anyway, I'm happy for the both of them.

Parang si Lucas pa tuloy ang naging tulay sa love story nilang dalawa. I'm so happy for my best friend. Hindi ko akalaing siya pa talaga ang makakapag-asawa sa 'ming dalawa. Akala ko siya ang tatandang dalaga e.

Nang makarating ako sa simbahan ay binayaran ko na 'yong driver kagaya ng ipinangako ko sa kaniya, saka nagmamadaling pumunta na sa simbahan.

Natanaw ko na agad ang aligaga at galit na mukha ng matalik kong kaibigan sa loob ng kotseng nirentahan nila.

Wala nga talaga siyang balak na magpakasal hangga't wala ako.

"I'm here!" Nakangiti ko pang bati.

"My gosh, Rosas! Sa'n ka ba nanggaling?!" Sermon niya agad sa 'kin.

"Kalma ka na. Nandito na 'ko. Bawal ma-stress, araw mo 'to." Pagpapakalma ko sa kaniya pero nakasimangot pa rin siya. "Mamaya mo na 'ko sermunan ha? Magpakasal ka muna, mauna na 'ko ro'n."

Hindi ko na hinintay pang sumagot siya at lumapit na 'ko sa may bukana ng simbahan kung saan nando'n na lahat pati ang groom na si Glen. Mukhang ako na nga lang ang hinihintay nilang lahat.

"Sorry, I'm late. Dahil sa 'kin muntikan pang hindi matuloy ang kasal mo." Bulong ko kay Glen. "Kakatakot magiging asawa mo. Sigurado ka na rito ha?" Biro ko pa.

Tumawa siya. "Of course I'm sure already." Aniya. "Galing ka kay Lucas?"

Tumango ako. "Na-miss ko siya kaya naisipan kong dalawin muna."

Ngumiti na lamang siya. Actually, balak ko sana talagang dalawin si Lucas sa puntod niya, 'yon lang at didiretso na sana ako rito sa simbahan, pero nadaanan ko kasi 'yong isang art exhibit e. Naalala kong bumili ako ng ticket para ro'n no'ng isang araw, sayang naman kung hindi ako pupunta. Napatagal lang ako ro'n dahil nalaman kong may kwento ang buong exhibit na 'yon. Naisip ko rin na destined na bilhin ko 'yong ticket na 'yon para magkita kami ng batang 'yon, si Geo Castillo. Maybe Lucas did it for me. Hanggang ngayon, ako pa rin talaga ang iniisip ng batang 'yon.

Strangers [A Valentine Special] (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon