Kabanata 2

28 7 0
                                    

Kabanata 2

Politics

Kadalasang sinisimulan ko ang blog na isinusulat sa pagpapakilala klase ng mga tao sa lugar na pupuntahan. Doon pa lang, alam ko na mas mah-hook ang parehas na mambabasa at ang companies na gustong bumili ng blog articles ko.

Binalak ko nang magsulat dati ng full-Filipino blog para sa mga companies na kumukuha sa akin o bumibili noon. But, I think, it's not for me. Masyado akong nags-struggle sa diretsong pagsulat ng ganoon. At dahil hindi naman maiiwasan na gustuhin iyon ng mga balak na kunin ang article, kaya minsa'y pinagbibigyan ko. Kahit kalahati ay isinusulat ko sa full-Filipino language. Gagawa sila ng panibagong article at ic-credit na lang ako. At panibago pa na it-translate nila para sa international travelers.

Ngunit, hindi ko lang ito basta itinuturing na trabaho. Gusto kong dumating ang araw na magiging buhay ko rin ito dahil ito ang pinili ko para... sumunod sa kanya. Most of the time, I'm writing for myself. I can't help but, to make those blogs for me. And for my readers? Sila na ang bahala. Nakikibasa lang naman sila bilang isa sa ilang taga-suporta ko.

"Bagay sa 'yo gumawa ng isang buong novel, Iveor." Patuloy akong nagsulat sa gitna ng usapan namin ni Eran sa telepono.

"Marami pa akong ginagawa ngayon. Wala 'yon sa priorities ko. And besides, I'm a travel blogger, not a Teen-Romance writer or something." I said gently.

Ang dami nang nagsasabi sa akin noon. Magaling daw ako sa words construction at parang istorya daw ang ginagawa kong blog sa galing ko sa story telling.

Should I take it as a compliment? I want to but, not really... Well, I guess, writing a novel is not for me.

"I'm damn serious, Georwel!" Eran exclaimed. "Simula noong gumawa ka ng kauna-unahan mong blog, may napansin ang karamihan ng readers mo sa dulo! Pati 'yong unang company na bumili ng article mong iyon, nagtaka sa huling part."

"And why?" Mahina akong natawa.

He's hilarious. Mas magaling pa yata ito na mag-story telling kaysa sa sinasabi nila sa akin.

"Alam mo 'yun, kung nagbabasa ka ng mga Romance novels, o kahit pa Teen-Fiction at Fantasy, alam mo na may pabitin sa dulong bahagi ng chapter."

Sandali kong pinasadahan ang buhok.

"P're, gan'un ang kadalasang pang-hook ng readers! Kahit na itanong mo pa sa mga writers na kakilala ko, cliffhanger ang tawag d'un... Tapos ay magsisimula silang magtaka," sandali siyang tumawa. "I'm serious. Iyon ang naririnig ko na usapan tungkol sa 'yo sa t'wing nagp-publish ka ng bagong article para sa blog mo."

Is that it? "I'm sorry, I didn't notice that."

Katulad ng ibang manunulat, kahit pa anong trabaho niyan o isinusulat, blog man o nobela, isinusulat ko lang ang nararamdaman ko. Kung ano ang pumapasok sa isip ko, sinisigurado ko na papasok din iyon sa bahagi ng isinusulat kong artikulo. Sa simula man, gitna at katapusan. Walang mababago sa gawi kong iyon. At wala akong gustong baguhin.

"You shouldn't say sorry!" Sigaw na naman niya. "It's a good thing, man! Bukod sa pasok na pasok ang blog mo for students and teens, mas mabilis ka na makakakuha ng readers at bagong supporters. O kahit pa companies na pwede mong pagbentahan ng gawa mo," sabay tawa.

"Ah... Hindi ako masyadong maalam sa mga gusto ng tao ngayon sa pagbabasa. As I've said, I'm writing for myself. Ang gusto ko lang ay makapaglipat-lipat ng bansa, wherever it is, habang isinasakatuparan 'yung ipinangako ko sa sarili." Mariing paliwanag ko pa.

Palagi akong nagpapasalamat sa mga mambabasa ko at ilang taga-suporta. Pero, sa totoo lang, kahit wala sila ay kaya kong buhayin ang sarili ko sa pagsusulat. Maisasalba ko ang lahat gamit lang ang sarili, hindi ako kailanman nanghingi ng suporta sa mga taong nakapalibot sa amin. Kusa lang sila na dumating sa isang sandali, sa gitna ng pagsusulat ko. Gayunpaman, sobra-sobra ang pasasalamat ko sa kanila.

As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon