Kabanata 4
Cruel
"Mayamungmong Ulap by ivgeorwel, a full-Filipino blog." Kusa akong natawa sa ipinakita ng kaibigan ko. "Ano muna 'yung mayungmong?"
"Mayamungmong!" Sigaw ni Eran.
It's the same thing...
"Mayamungmong means mayabong in Filipino." Paglilinaw pa niya. "Dahil nga madalas ka namang nasa eroplano, maganda na ganito ang gusto mong title ng full-Filipino blog mo."
"Mayungmong..." Paulit-ulit kong sinambit ang salita kaya nabatukan niya rin ng sunod-sunod. "What's your problem?! It's the same thing, Mayungmong Ulap."
"Mayamungmong nga!" Napabaligwas ako sa pag-amba ng kaibigan ko sa tsinelas na suot.
Ang gago, sumunod pa sa akin sa Batanes. May flight na siya patungong Brunei sa parehas na araw pero, nakagugulat na dito siya tumuloy.
Hindi ko ginusto ang suggestion niya na ito. Pero, kung titingnan naman ay ayos na rin sa akin. Hangga't maaari ay 95% ng blog ay nakasalin sa Filipino language para na rin hindi magsawa ang companies, tutal ay humihiling din sila nito madalas sa akin. Kahit walang magbasa ay kikita pa rin ako dahil sa pagbili nila ng article.
Punyetang kaibigan ito, imbes na suportahan ay pinapagawa pa ako ng Bisaya version ng blog ko.
"Ipabasa mo kay Lola mo! Siguradong matutuwa siya." Gilalas pa ng gago.
"Baka sampalin ako noon," may sama ng loob si Lola sa akin. "Huhusgahan niya ang buong pagkatao ko."
"H'wag kasi pasaway na apo..." Aniya na parang hindi ganoon.
Nagsimula na namang gumapang ang pag-aalala ko sa sariling katawan. Hindi ako makapaniwala na ilang buwan ko nang hindi nakikita ang Lola ko sa bahay namin, nag-iisa lang siya't tanging ang mga mabubuting kapitbahay lang namin ang maaasahan, sa mga panahong ito.
Gusto niya akong magtrabaho para sa sarili ko. At para na rin isakatuparan ang hiling niya sa akin. Palagi niyang sinasabi na bago man lang siya mamatay ay gusto niya akong makita na lumuwag ang buhay. Ngunit, imbes na pumayag ako ay mas lalo pang nakipagmatigasan sa kanya.
Ipinangako ko na ibibili ko siya ng maayos na bahay na matitirahan. Iyon ang tangi niyang hiling sa mga magulang ko na hindi naman napagbigyan, kaya ako na ang magpapagawa. At hangga't hindi ako nakakapag-asawa ay hindi ko siya iiwan.
In fact, kahit na magka-asawa ako ay hindi ko iiwan si Lola.
Nawala ako sa sarili sa sandaling pag-uusap namin ni Eran. Mabuti at naisipan naman niyang tumulong kahit na papaano sa paggawa ng menu na iyon sa blog ko.
"What about this, Iveor? Balak mo ba na i-translate 'yung mga blogs mo para sa bagong menu?" Tanong ng kaibigan ko habang kinakalikot ang laptop.
"Hindi, gago." My lips twisted a bit. "I wrote more than 150 blogs, Eran. More than 7000 words pa ang karamihang hawak ng companies na bumili, gusto mo bang mamatay ako sa kat-translate at edit?"
Akala niya siguro'y madali lang. Damn, this man... Hindi pa ba sapat na ginusto kong sundin ang paraang ito para kahit papaano ay makapagpasalamat man lang sa sumusuporta sa 'kin? Dahil hindi ko talaga alam kung papaano. Lamang ang pagkahiya sa katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/289962490-288-k764606.jpg)
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...