Kabanata 5
Ingat
I choose her as my reference for the upcoming blogs and updates. The main reason and will always be my standard in writing, while traveling the around the world.
Naging maagap ako sa pagtago ng telepono sa bulsa. Wendy took a step beside me, and she even stared on my phone!
Hindi ko masyadong ipinahalata ang pagkagulat ko sa kanyang inasta.
"What was that?" Nakangiwing bulong niya.
"Uh... Last part ng blog ko," I breathed calmly.
Mula sa katabi lang na pwesto, pinasadahan niya ako ng tingin. Gusto kong malaman kung ano ang iniisip niya tungkol sa akin dahil sa mapanghusgang tingin niya ngunit, hindi naman ako makapagsalita ng diretso. Pinili ko na maging tapat.
Wala nang ibang sinambit na salita si Wendy. Instead, she took another step forward before turning her gaze somewhere-- away from me.
She looks so good today... Sana ay sa gitna ng kasiyahan niya o kapayapaan sa katawan ngayon ay hindi na bumalik ang trauma niya sa mga dating nangyari, sa pagitan niya at ng nawalang mga magulang.
Muli kong binuksan ang phone na hawak ko at ipinost na ang announcement para sa nagawa kong blog sa ilang gabing panunuluyan namin dito sa Batanes. Dumiretso pa rin kami sa Hills na una naming pinuntahan. Good thing, sabay-sabay kaming uuwi sa kanya-kanyang bahay. Sina Macy at ang manliligaw niya ay narito na rin kahapon pa.
Our flight? Mamayang tanghali na kaagad. And I think, we need to take a break. Bago magplano ng panibagong lugar na pupuntahan, kailangan namin ng oras para sa sarili-- ang sa akin ay ibibigay ko kay Lola.
Hindi ko maiwasang lingunin ulit ang babaeng minsang tumabi sa akin. May kausap si Wendy sa lupa na tinuturo-turo niya.
Who's that? An ant?
Napapangiti pa siya sa tuwing simpleng hinaharangan ng daliri niya ang dinadaanan ng mga insekto sa lupa.
What the fvck is she doing? She's going crazy.
Pati ang pagtagal ng pago-obserba ko sa kanya'y hindi ko na namalayan. Kitang-kita ko ang tipid na galaw niya kahit na malayo sa akin.
Para sa akin ay ayos na ang lagay niya. Buong araw din siya na hindi lumabas ng kwarto noong umatake ang sakit niya, at ganoon din si Sae na buong araw siyang niyakap at inalagaan. Kinukumusta ko ang lagay nilang dalawa kapag nakikita kong napapadaan si Nasir sa hallway.
Napadiretso ako ng tayo sa pagdating ng nobyo niya. Bahagya lang na tumama ang paningin namin dahil kaagad niyang binaling kay Wendy na naglalaro sa lupain. Parang bata na ngumuso si Sae, kunot-noong pinagmasdan ang pinaggagagawa ng nobya.
"Is she okay now?" Mukhang iba ang naging epekto sa kanya.
"Hmm, I guess? Naglalaro na e." Humalakhak si Sae habang nananatili ang paningin kay Wendy.
"Kung sakali na lang na bigla siyang atakihin papauwi ninyong dalawa, ulitin mo lang 'yung ginawa mo." Paalala ko.
"Hindi naman na siya inaatake sa bahay, natatapat talaga na sa gitna ng pagt-travel namin," malungkot na saad ng kaibigan ko.
Oh, thank you, God... Hindi na tulad ng dati.
"Makakaraos din siya," sabay ngiti. "Kung kasama ka naman palagi, hindi ba?"
"Iyon nga... Sana..." Awtomatikong napayuko si Sae. "Kaya hindi ko maiwan-iwan na mag-isa kapag pupunta ako ng ibang bansa. Wala siyang ibang kasama."
"Marami naman siyang kasama dito sa atin sa team--"
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...