Kabanata 15
Stay
Tila masyadong nakabibitin ang oras ng pagpapalagay ko niyon doon. Sa lalong madaling panahon, muli akong nagbayad para sa extension ng billboard. May isa lang na nailipat nila ng pwesto para sa mas malaking espasyo.
Good thing, hindi naman na ipinagbawal ni Wendy. And! She's comfortable with it. Sadyang nagulat lang sa nakasulat kaya nakilala yata ako.
Ngunit, iyong mga kasamahan ko ay wala pa ring maisip sa kung sino ang nag-abala doon.
"Sinabi ngang baka si Sae nga!" Macy shouted out of nowhere.
Bonbon gaze at her like an evil. "Tanga! Patay na si Sae. Ano? Bumangon sa hukay para magbayad saglit? Hindi ka milktea pero, boba ka."
Sunod-sunod na hinampas ni Macy ang kaibigan. Napaiwas ako ng katawan dahil pinaggigitnaan nila ako. Ako ang dehado, lalo na siguro sa kaibigan kong namayapa na tila nasa paligid lang namin.
Nakangiti ko silang pinagmamasdan habang nagbabardagulan.
"Malamang n'ung hindi pa siya nagkakaasakit at tsaka niya binayaran 'yun!" Si Macy ulit.
"Tanga. Takot nga si Sae sa mga scam. Ano namang malay niya d'un kung ilalagay ba o hindi? At tsaka, hindi rin natin in-expect 'yung nangyari, buti sana kung personal niyang sinabi na bantayan natin ang binayaran niya." Mahabang paliwanag ng kaibigan kaya hindi siya nakasagot agad.
Honestly, I was just passing by. Pinalayas muna ako ng Lola ko sa bahay para makapagpahinga siya. Nagulat ako noong may babaeng humila sa akin, mabuti na't si Macy lang iyon.
Pagdating ko dito ay ganiyan na ang pagtatalo nila. Gusto kong sumingit dahil kanina ay muntik-muntikan nang masabunutan ni Bonbon ang kaibigan dahil sa pagtatalo. Pero, ayaw ko naman na madamay sa gulo.
Kusa kaming dinala ng mga paa sa isang simpleng café dito sa Nueva Ecija. May ilan nang kakilala ni Lola ang bumati sa akin na walang pag-aalinlangan ko namang tinanguan pabalik.
"Coffee, guys?" Tanong ko sa gitna pa rin ng pagtatalo nila.
"Iced," Macy said before glaring at him. "Paano naman kung kasamahan lang pala natin 'yung nagpagawa?"
"How about you, Bon?"
"Latte." Aniya bago sumagot sa kaharap.
Dumiretso ako ng counter para ibigay ang kanya-kanya nilang gusto. It's just too bad, they're not accepting credit card. Inakala ko pa naman na masusubukan kong gamitin itong bago. Sana ay magkasya ang natitirang pera.
The cafe's nice. It has a cozy atmosphere. Nagsisisi ako kung bakit hindi ako naging gala dito sa lugar namin. Ngayon lang ako nakadiskubre ng ganitong mga lugar.
I ordered a meal for the three of us. Hindi ko sana balak na gawin ito ngunit, dahil nag-uusap pa sila ay ako na lang ang nagbayad. Gusto ko na mailibre din sila, pati si Lola ay balak kong uwian ng pesto-garlic bread.
"Paano kung ako pala 'yung nagpagawa for Juana?" Macy asked herself before biting on a bagel. "Tapos, hindi ko lang maalala?"
"Hay nako! Tigil-tigilan mo ako, gagita. Kahit na kaibigan mo si Gwendolyn ay hindi ka gagastos ng milyones para magpalagay ng billboard d'un sa ilang buwan! Tumahimik ka." Natawa ako.
Sinipa ni Macy ang kaibigan sa ilalim ng mesang kinauupuan namin. Nalaman ko lang dahil bukod sa galaw, tumama rin ang paa niya sa akin. Magkatabi kami ni Bonbon kaya ako ang ginagawa niyang pangsangga.
"So, sino ba 'yung mahilig manlibre sa team?"
"Si Turk, be."
"Kuripot 'yun si Nasir."
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...