Kabanata 6
Remaking
"Lola!" Buong-lakas na sigaw ko sa labas ng balkonahe ng bahay.
Pilit ko na inayos ang sarili. Napakapresko ng simoy ng hangin. Hindi na bago ang ganitong kaalinsangan na panahon sa Nazareth. Simple lang ang bahay namin na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sa dami ng sunog at bagyong pinadaan.
Ilang sandali pa ay iniluwal na noon ang Lola kong mukhang napatalon pa sa pagdating ko. Binigyan ko siya nang marahan na yakap at humalik sa noo niya.
"Saan ka nanggaling, hijo? Hindi ka nagpaalam kanina. Nag-aalala ako..." Hinampas niya ang braso ko.
Kunwari ay umakto akong nasasaktan. Humingi ako ng paumanhin. "Bumili lang po ako ng ulam! Galing sa Kampo itong Cabanatuan Longganisa, hindi ko kasi nadaanan kanina."
Dumiretso ako ng pasok sa bahay. Nakakasawa na rin minsan ang pagkain ng mayayaman na kadalasang naihahain sa harapan ko. Gusto ko naman na makatikhim ng simpleng ulam lang habang sabay na kumakain ng Lola ko.
"Ayos ka na ngayon?" Tanong ni Lola. "Hindi ka ba nahilo pakarating mo?"
"Init lang po ng araw ang nakakahilo, La. H'wag kayong mag-alala at hindi na po ako nagsusuka..."
"Naroon ba siya?"
Ngumiti ako. "Kahapon po? Opo. Kasama naman palagi."
Tila nahimasmasan si Lola. "Nakahingi ka na ng paumanhin?"
Doon ay kusa akong tumigil sa pagd-daldal. Napayuko ako nitong makaramdam ng konsiyensya.
"Hay, ang apo ko... Hindi talaga nakikinig..." Ramdam ko ang paghaplos niya sa balikat ko.
It's just... I think... this isn't the right time. Kung ako ay handa nang makipag-usap ng pormal, sa kahit na anong oras, dapat ay handa rin ako na maghintay sa araw na handa na rin siya. Gaano man katagal iyon.
O kahit na hindi na dumating...
"Ayaw ko po siyang guluhin, La..." Mahinahong tugon ko. "Pasensya na po. Hindi ko kayang maglakas-loob ngayon dahil... masyadong mahina naman ang sa kanya."
Napabuntong-hininga si Lola sa depensa ko. Hagip ko ang simple niyang pagtatanim ng ngiti sa labi.
"Siya ang dahilan kung bakit umiwas ka sa kaisa-isang pangarap mo. Lahat ng iyon ay pinili mong palitan. Dahil lamang sa babaeng iyon..."
Dahil gusto ko siyang sundan kahit na saan man magpunta. Hindi ko lang inakala na... may nahanap na siyang kasama bago pa man ako makarating sa kanya.
Kung wala man siya ngayon, pipiliin niya ba na sumama muli sa akin?
Sarkastiko akong tumawa mag-isa. Really, Iveor? Talaga bang ganiyan ang tingin mo sa sarili mo't sa kanya matapos ang lahat ng nangyari sa pagitan ninyong dalawa? You're such a jerk. I can't believe you. You said, you wanted to see her, having fun and being at peace, at the same time. Always-- all the time.
Ingay sa loob ng buong night club ang umaalingawngaw sa tenga ko. Nasir invited me but, he's not here. I can only see Bonbon and Sae from my seat.
Hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko sa pinaggagagawa nila. Kanina pa may lumalapit na babae sa akin pero, hindi ko lang kinikibo. Kahit sa simpleng pagngiti ay hindi ko pinagbibigyan.
"Where's Nasir?" Tanong ng kaibigan ko nang gulat na lumapit.
"I don't know," mukhang wala pa nga siya. "Inimbitahan din kayo?"
Sunod-sunod sila na tumango bilang tugon.
Ang lokong iyon, akala ko pa naman ay libre niya ang inumin o kahit ang kakainin lang namin. Kaya pinagbigyan ko ang sarili ko na magtungo dito. Hindi ko alam na nangumbida din pala siya ng kaibigan naming walang kamalay-malay.
![](https://img.wattpad.com/cover/289962490-288-k764606.jpg)
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...