Kabanata 9

26 7 0
                                    

Kabanata 9

Breakup

Napansin ko ang pagbabago sa kaugalian ng kaibigan ko at ng nobya niya. Tila mas naging problemado si Sae sa ilang bagay, kahit na parati namang nakangiti at masigla. Nagpatuloy siya sinasabing diet dahil kita na ang pagbabago sa katawan niya. Habang si Wendy naman ay lumalayo na sa ibang tao-- bagay na maganda naman kung para sa kanya. Hindi na rin siya sumasama sa gala ng team minsan. Tho, mas naging tahimik lang ang relasyon nila.

Wala naman iyon sa mga kasamahan ko't sa akin na rin. Kung ano mang nangyayari sa kanila ngayon ay parte naman ng pribadong relasyon. Wala kaming dapat na gawin kung hindi manahimik, at h'wag makialam. Pero, umantabay lang kung sakaling may kailangan sila na dalawa.

Nilaro-laro ko ang paanan ng aso ni Miri habang mahina siyang nag-k-kwento sa nangyari noong nakaraang hindi ko siya kasama. Ginawa niya akong diary.

"My Momma said that I looks like Ate Wendy because I'm attichoda and cold blooded." Nakakunot-noong kwento ng bata. "Is it true, Kuya?"

Sandali kong pinagmasdan ang mukha ng inosenteng bata. Matapos noon ay ngumiti siya.

She doesn't look like Wendy, to be honest. She's a sharp-eyed woman, her nose's pointed, has a porcelain skin, and natural rosy lips. Walang nagbago simula noong huli ko siyang makita sa paaralan. Tila mas naging maamo nga lang ang mukha kahit na napakasama pa rin kung tumingin.

"No. Hindi mo kamukha si Ate Wendy mo but," I pouted. "Siguro'y napakahilig mo talagang magsungit sa mga parents mo o taasan sila ng kilay."

"Sometimes po..." Matamlay na sagot niya bago yumuko.

Natawa ako sa inasta niya. Ang batang ito ay sadyang minana sa Tatay ang karamihan. Fair skin, natural red lips, small nose, and round eyes. Bagay na bagay sa katulad niyang bata.

"Why? Do you want to look like your Ate Wendy?" Tanong ko pa.

Sunod-sunod na tinanguan ako ni Miri bago ngumiti. "She looks so cool. But, actually kind and generous to me."

"Hmm... Kapag kasama mo siya, mukha talaga kayong mag-Nanay na tatarayan ang lahat ng nakita." Pagtawa kong muli.

"Mommy also said that she looks like my real mother. Well, I'll be grateful if she is!"

"Really? Sadly, she's not your real mother, hija--"

"And you would be my Daddy!"

Natigilan ako sa sigaw niya.

Ilang beses na nagpaulit-ulit ang sinabi ni Miri sa akin. Ayaw tanggapin ng tenga ko, sa hindi malamang dahilan. Gusto niya akong maging Tatay?

Oh, fvck! H'wag naman sanang umulit ang dati na iiyak siya bigla.

"I don't want to be your father," iniwas ko ang sariling katawan sa pagbibiro sa bata.

Pilit naman niyang isiniksik ang sarili niya sa katawan ko bago hawakan ang manggas ng aking suot. Ngayon ay wala na akong takas nito.

"Your Tito Sae should be your father. He's one of the coolest person I've ever seen."

"I like Tito Sae to be my father, if ever but, his joke's outrageous for me."

"He's kind and always happy!" Pagtatama ko.

Hindi ko maiwasang mapanganga nang paulit-ulit na tumanggi si Miri. Mas gusto niya daw na maging tito na lang si Sae, ako pa ang pinangarap na maging tatay. I'm aware the Sae is always better than me, kaya... Bakit ang lakas ng loob ng batang ito na tumanggi?

Sa lahat ng batang nakausap ko, siya lang ang hindi natuwa sa galaw ng kaibigan ko. Ang iba'y talagang lumalapit sa kanya sa oras na makita dahil nga maraming kakilala at mabait. Siya'y inaayawan pa hanggang sa magsawa.

As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon