Kabanata 26
Resemblance
It was his presence welcomed me early in the morning. I immediately covered my face.
Hindi ako naka-makeup...
"What do you need, Jarvis?" I tried to make my voice polite and softer.
"May pimples ka?" He asked, which pisses me off.
I moved my finger a bit to see him properly. Only a part of my hand covered my entire mouth now. I moved the finger back and closed my eyes.
"I don't have one." But, damn it...
It was unexpected, of course! Kung may isa sa kaibigan ko ang tumawag muna na patutungo dito, sana ay nakapaghanda ako kahit na lip gloss man lang and foundation. Hindi ako pwedeng humarap nang walang makeup sa iba! I'm not that confident.
I feel sorry for them. I look... ugly today.
"Let me see--"
"No... Pumasok ka na lang muna," hinigpitan ko ang pagkakatakip sa bibig.
But my friend is definitely stronger than me. Kusa niyang naibaba ang kamay ko bago pagmasdang mabuti. Mas nakaramdam ako ng hiya sa sarili.
Sunod-sunod na umiling si Jarvis.
"There's nothing wrong with your face, Wendy." I pouted.
There is...
"You look good, tho." Sabay pitik sa noo ko bago naunang pumasok sa bahay.
Patuloy na nag-process sa utak ko ang sinabi niya. I can't accept it because of some instances, but... that was fluttering.
He choose to stay outside as I enter my room. Makailang beses akong napabuntong-hininga sa pagkalampag ng likod sa pinto. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ngayon.
Maingat ko na kinuha ang lipstick, then I put some on my lips. Ilang minuto ang itinagal sa paglalagay ko ng kaunting foundation, kahit na papaano ay matatakpan na nito ang mukha ko.
Hanggang sa matapos ako ay hiya ang namamayani sa katawan ko.
"Thank you for waiting," imbes na humingi ng tawad ay nagpasalamat ako... Naghintay siya sa 'kin sa labas.
"Papasok ka na?"
"Ah. Oo, maya-maya?"
"Sayang iyang makeup mo." Jarvis pouted. "Ako lang naman ang makakikita sa iyo, parang nagmukha akong ibang tao."
"Well..." I slightly laughed. "Ibang tao ka para sa 'kin. I mean-- as much as possible, I want to look good and presentable naman."
Mas lalong napanguso ang kaibigan ko.
Ibang tao para sa 'kin ang mga kaibigan ko. Ang natatangi lang na hindi iba ay ang sarili ko. That's what I think...
"I'm really really sorry. Alam kong upset ka n'ung nakita mo akong gan'u--"
"You look beautiful." Putol ni Jarvis, he swallowed hard. "I'm not upset or disappointed. Unang beses kita na makitang gan'un. Hindi ko masasabing mas nagustuhan ko iyong itsura mo kapag wala kang ganiyan. Parang walang nagbago," napakamot pa siya ng ulo. "Maganda ka pa rin, pumula lang nang bahagya iyang labi mo."
"Are you insulting me?"
"What?" Kumunot ang noo niya. "That's a compliment! Huwag kang mag-isip nang kung ano. Gwendolyna, wala akong sinabing pangit ka."
I pouted and rolled my eyes.
Magiging kakaiba siguro sa mga tao ang makita ako sa gan'ung itsura. Heavy makeup is normal for me. I don't like light one because I'm trying to hide something. I'm trying to cover every pain with my fake identity.
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...