Kabanata 24

14 7 0
                                    

Kabanata 24

Free

"Did you see the condoms in the professor's desk drawer?"

Jarvis pursed his lips. "Man... what?" His brows furrowed.

"Halika," Suzy calls him first while standing.

At dahil sabit ako sa kanilang dalawa, kahit na hindi kasali sa usapan ay sumunod ako kay Jarvis. Inalalayan niya pa ako sa tuwing lumalagpas sa mga bakanteng silya.

We're too early. He showed up at around four in the morning. I opened my eyes after hearing someone ring the doorbell, he waved at me when I first spotted him on the monitor. He also said na kaya daw siya naghanda ng maaga para bum'yahe mula sa bahay nila ni Lola sa General Tinio papunta sa Cabanatuan, kung nasaan naroon ang bahay ko, ay dahil napaginipan niya raw ako nang maaga.

Inatake raw ako ng trauma ko habang natutulog. At kailangan na kailangan ko raw ng kausap o sinumang magpapatahan. Hindi niya naisipan na tumawag muna para itanong kung okay lang ako, naghanda na agad siya sa maagang paglisan. By the time he got there, he was already dressed in his uniform.

Ako ang una niyang sinundo, sabay kami na umalis tapos ay dinaanan na rin ang kaibigan namin. Binibiro ko pa na hindi naman talaga niya intensyon na unang pumunta sa 'kin, kay Suzanne naman talaga siya didiretso pero takot lang na magpunta mag-isa d'on dahil mapagkakamalan siyang boyfriend ng Papa n'un na sinusundo ang anak niya. Pero ang sabi niya ay sobrang nag-alala lang talaga siya sa lagay ko.

Ako ang naatasan na lumingon ng dalawa kong kaibigan, kaliwa't kanan, sa itaas at ibaba kahit na kisame at lupa lang ang nakita ko. I nodded at them.

Suzanne opened the drawer slowly. As if she hadn't noticed it at all, her jaw dropped in shock. Bumungad sa 'min ang ilang kahon ng tinutukoy niya. Hindi ko alam kung magugulat pa ba ako, she's overthinking now.

"Look!" Bumilog pa ang bibig niya nang tumingin kay Jarvis.

"Gaga, Suzanna!" Aniya bago marahang tabigin si Suzy. "Bakit nagulat ka pa?"

"Ha? Bakit?!" She asked, still shocked. "May alam ba kayo tungkol dito?"

"You're overacting," I whispered.

"No, Ma... I'm overwhelmed." My friend laughed.

"Pero bakit ganito karami?" Tanong din ni Jarvis sa sarili niya. "Anong gagawin niya dito?"

"Demonstration sa 'ti-- aray. Joke lang..." Hinaplos niya ang bahaging nasabunutan ng kaibigan namin.

We discussed quietly. Kung ano-ano nang haka-haka ang pumapasok sa isip ni Suzanne kaya pinipigilan ko habang maaga. Maya-maya ay dumating na ang inaasahan naming guro.

"What are you doing there, hm?" He asked carefully.

"Sir! Sir, ba't may mga ganito kayo?" Nanlalaking-matang tanong ng kaibigan ko.

Sa kagustuhan na hindi mapahiya ay maingat ko na ibinaba ang kamay niya na may hawak na mga condoms. I closed my eyes harshly when she raised those again.

Pasimple lang na tumawa si Sir bago lumapit sa table niya. Sinundan namin siyang tatlo ng tingin, naghihintay sa isasagot.

"What are these?" He repeated. "Binibigay ko 'to sa mga estudyante ko."

"Bakit, Sir?"

"You know, sa edad ninyo ngayon ay nag-e-explore na kayo sa mga bagay--"

"Ay, ako po, hindi pa nagsisimulang mag-explore." Si Suzanne na natawa. "When kaya?"

I slapped her arms harshly.

"Alam na ito ng mga estudyante noon pa man. Lalo na't minsa'y may mag-n-nobyo na nasa klase. Una pa lang sa narinig kong usapan niyan, alam ko na kung saan didiretso," he laughed again. "Nagturo ako sa mga graduating minsan—as in 4th year college. Hangga't maaari ay binibigyan ko. Sa tagal ko namang nagbibigay nito, gladly, wala pang tumatanggi."

As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon