Kabanata 14
Billboard
To Zaryan Jaiveor Georwel,
Zaryan, Iveor, Jarvis, kahit na ano pang tawag sa 'yo ng mga tao, it's still you-- A great friend of everyone, and a nice brother to me. This is Sae, Shin is my first name, Mariano is the second one and Restirojica is the last, if you already forgot me.
Umugong ang mahinang tawa ko sa bakanteng kwarto. I already miss his vlogs, ganitong-ganito ang introduction doon.
First of all, how are you? I hope that you're doing it well everyday. More opportunities to come as you travel around.
Thank you for being with me, kahit na isang taon lang kitang nakasama at hindi pa mas tumagal. I'm always grateful. And siguro, nagtataka kayong lahat kung bakit sa inyo ko ipinangalan ang lahat ng iniwan ko.
Mabanggit ko na kay Atty. na wala akong tiwala sa mga kamag-anak ko. Kahit sa mga first cousins ko man iyan o sa mga kapatid ng magulang ko. Ayaw na ayaw kong ipagkaloob sa kanila ang lahat dahil magagamit iyon sa maling paraan. Sabihin na lang natin na... may mga gawain silang hindi tama kaya mas lalong inayawan kong magtiwala.
Tho, 'yong isang house, pwede niyong ibenta. And I bet, by this day, naibenta niyo na iyon para sa charity. Ang isa ay hindi ko lang alam kung tinanggap ni Wendy, kayo na rin ang bahalang magpulong-pulong. Basta, umaasa ako na may isa man lang sa inyo ang titira doon para mapangalagaan.
Ginawa ng team na tambayan. Doon nag-iinuman kapag successful ang flight pabalik dito.
Today, January 2, is Gwendolyn's 24th birthday! Yay! Send my greetings, although, nakapaghiwalay na rin ako ng mensahe para sa kanya ngayong araw. Give her a gift, haha! Hindi pwedeng hindi, ah? Buy her a gift or make something for her. Dapat ay may regalo ka kasi... wala. Sabi ko lang. Haha!
She really likes appreciation letter and gifts. :)) So, I hope, kahit na wala kang maibigay ay mabati mo siya ngayon. Personally or sa text, it's fine with her. She'll be happy since galing naman sa iyo.
Please be good at her. Don't hurt her, make her cry, or use her, just like what you did before. :)) I understand the point that you hurted yourself too. Pero, sana ay habang palagi kang nasa tabi niya ay h'wag sana kayong magkasakitan sa nakaraan ninyo. Ikaw lang ang napagkakatiwalaan ko kay Wendy dahil bukod sa kilalang-kilala mo siya ay mahal mo rin siya simula noon. Kahit na noong mga araw na nandiyan pa ako ay ikaw lang ang nasasabihan ko sa lahat.
H'wag ka nang magpagamit ulit sa pamilya mo, ha? Tama na 'yun. Okay lang 'yung minsan mong pagiging tanga, haha! :D
Sa lahat, ikaw ang huli kong pinaalalahanan. Ang lahat rin ng ito ay para kay Gwendolyn. Sana ay makakuha na kayo ng pagkakataon na mapag-usapan ang namagitan sa inyong kasinungalingan at pagkakamali noon.
Mapapatawad ka niya, Jarvis... Mahal ka rin ni Wendy e, hinding-hindi niya kayang mawalan ng tiwala sa 'yo.
So, I guess, that'll be enough for a simple goodbye? I'm sorry for everything and thank you.
Travel more and you'll find the peace in midst of storm. I love you, man! I miss you so much. Be free, always!
Muli akong bumalik sa kamunduhan nang mapansing wala nang anumang sumunod doon.
"Bakit hindi niya ginawa iyong closing niya?" Tanong ko sa sarili.
He's probably busy that time. Bukod sa may nararamdaman na, madalian na lang din. Naiintindihan ko.
BINABASA MO ANG
As Thunderbolt Strikes the Forest (Solis Occasum Series 2)
Teen FictionHaunted by the secrecy and lies that shattered her past, travel photographer Gwendolyn Juana Llaverde now find solace by capturing the truth and beauty through her lens. But at some instances, ayaw niya na mawala ang takot sa ganoong klaseng mga bag...