KABANATA 13

13 1 0
                                    

"YOU ready?" Tanong ni Johhans ng umakyat siya at balingan ako.

Nasa ibabaw ako ng kama niya ngayon at itinutupi paloob sa maliit na maleta ang mga damit na dadalhin ko sa honeymoon namin sa Cilento, Italy.

One week na akong nakatira sa penthouse ni Johhans kaya marami-rami na ding damit ang naidala ko dito. Ang iba naman ay sina nanny Thesa pa ang naghatid. One week na din akong hindi nag tatrabaho. Dad give me a one month vacation to celebrate my marriage and of course to enjoy my honeymoon in Cilento with Johhans.

"Yep, maliligo ka pa? I told you that you should just rest here, bakit kase pinilit mo pang pumasok sa opisina?" Nakaismid na tanong ko.

I don't get him, ako nagpapahinga tapos siya hindi man lang niya tanggapin ang alok ng Daddy niya na mag leave muna. Bored na bored tuloy ako kapag mag-isa lang ako dito sa condo niya, kung hindi ko aaliwin ang sarili ko sa mga mall or restaurants hindi pa ako matatahimik. Uuwi lang kapag satisfied na. Isa pa, seven p.m naman ang off duty niya sa office pero nine pa din siya umuuwi.

Kailangan ko pang maghintay dahil hindi naman ako makatulog ng hindi siya nakikita sa gabi. Ngayon nga lang ata siya umuwi ng ala una ng hapon.

"I need to work, it's for our future." Tipid nitong sagot, at hinalikan ako sa noo bago nagtungo sa banyo.

"Johhans!" Malakas na tawag ko.

"What is it?" He asked.

"Bilisan mo, two hours nalang flight na natin." Bilin ko. 

"Mmm....kay." sagot nito. Ako namqn ay sinara na ang maleta ko, maging ang maleta ni Johhans na ako din ang nag-asikaso.

Bumaba naman ako para ihanda ang kakainin namin ni Johhans bago umalis. Siya na ang bahalang magbaba ng mga maleta. Nakapagluto na ako kanina, simpleng chicken curry lang ang niluto kong ulam, sa totoo lang, si nanny Thesa talaga ang nagluto pero may tulong naman ako kaya aangkinin ko na ang trabaho ni nanny. Ang mahalaga naman ako ang nag-saing ng brown rice.

Patapos na ako sa pag-aayos ng lamesa ng maramdaman kong bumababa na si Johhans.

Kumakalabog pa nga ng mahina ang maleta dahil mukhang hindi niya binubuhat at sinasalansan lang sa hagdanan. Mabilis kong iniwan ang ginagawa at pinuntahan si Johhans na nasa gitna ng hagdan. Akay-akay ang dalawang maleta at tamad na tamad na hinihila lang ang mga iyon.

"Ano ba yan!? Masisira ang maleta! Ang tamad mo!" Inis na bulyaw ko dito. Agad-agad namang binuhat ni Johhans ang maleta at bumaba.

"I'm sorry Love." Maikli nitong turan na ikinatigil ko. Hindi ko alam kung magagalit pa ba ako. May karapatan ba akong magalit? Shit!

"Ewan ko sayo, bilis!" Tugon ko nalang.

Until now, hindi pa rin ako masanay-sanay na tinatawag niyang love. Mas bet ko pa ang agápi mou kahit hindi ko naman maintindihan. Tsk. Nakakalimutan ko naman kaseng i-search sa google. Pero may hint naman ako. Kaya lang nahihiya akong aminin sa sarili ko.

"Wait up, I'm sorry okay, huwag ka ng magalit." Naglalambing na pakiusap nito. Umirap naman ako, may naalala tuloy ako.

"Uwu..." I whisper and laugh on myself. Shit, I hate that meme.

"What? Uwu? What about that? You are angry?" Naguguluhang tanong ni Johhans.

Nailapag na din niya ang mga maleta at humakbang ng dalawang beses para mas mapalapit sa akin. Tiningala ko naman siya lalo na ng hapitin niya ang baywang ko.

"Are you mad?" He asked again. Looking at my eyes with hard intensity.

"It...it was just a meme." Kinakapos sa hiningang sagot ko.

OREGON BROTHERS 1: Exil Johhans - LOSE MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon