KABANATA 29

8 0 0
                                    

CHAMILOS RAIA FANCUETO








Dahil sa trahedyang nangyari ay lumuwas ako ng maynila, umuwi ako sa bahay namin ngunit napagalaman kong wala na doon ang mga magulang ko at isang guard at caretaker nalang ang nandoon. Lumipat na daw ng bahay sila mommy 2 years ago.

Sigurado akong ako ang dahilan ng paglipat nila, dahil masama akong anak, mas pinili ko ang lalaking mahal ko kaysa sa kanilang pamilya ko na ayaw kay Drake.

Sinabi pa nga ng caretaker sa akin na ipapaalam niya sa mga magulang ko ang pagbabalik ko pero pinigilan ko ito.

Hindi pa ako handa para harapin sila. Hindi pa buo ang memorya ko. Gusto ko silang makausap kapag kumpleto na ako, kapag buo na ako.

Nagtaka pa ako sa reaksyon ng caretaker ng sabihin niya sa akin na ang sweet ko at susurpresahin ko pa ang pamilya ko sa aking pagbabalik.

Mahigit isang buwan na ako dito sa maynila, noong ikalawang linggo ko ay kinontak ko ang kamag-anak ni manong Cinco upang matulungan ako.

Si Ante Mirasol ay isang byuda na may pwesto sa palengke. Nagtitinda siya ng mga gulay na sarili niya ring mga tanim. Tatlong linggo na akong namamasukan sa kanya at tuwang-tuwa siya dahil sa aking presensya ay duma-dami daw ang kanyang customer na kung susumahin ay puro lalaki.

Ang dami na nga ring badtrip sa aking dalagita dahil mang-aagaw daw ako ng mga mamimili.  Wala naman akong inaagaw, malay ko ba kung bakit sa amin na nila mas gusto bumili ng gulay? Tsk, people and their jealousy.

Nasa labas ako ngayon ng palengke dahil naghatid ako ng isang matangdang babaeng customer na bumili ng halos kinse kilong kamoteng kahoy. Dahil sa katandaan ay hirap itong buhatin ang mga pinamili kaya naman hinatid ko na ito sa sakayan ng tricycle kahit para sa akin ay mabigat din talaga ang kinse kilos.

"Ate Camille ang ganda natin ngayon ah?" Harang sa akin ni quincebel ng madaanan ko ang stall ng kanilang babuyan.

"Huwag mo akong lokohin." Kunwa'y badtrip na saad ko.

"Alam mo, may ka same vibes ka, yung epal na tatanga-tanga na maarte pero gwapong customer ko kanina. Same vibes kayo ng pag salubong ng mga kilay. Bakit hindi nalang kayo magsapakan ng matuwa naman ako?" Nang-aasar na litanya nito.

"Ako na naman ang trip mong bata ka, kutusan kita diyan e." I'm not a violent woman, sinasabi ko lang iyon pero hindi ko ginagawa.

"Tse! Umalis ka na nga ate sa kaharian ko, nasasapawan mo ang gandang taglay ko!" Umirap pa ito kaya naman ay natawa ako.

Tinahak ko na ang pabalik sa pwesto namin ni Ante Mirasol dahil siguradong mahihirapan iyon sa pagbuhat kay Artemis lalo na kung may biglang dumating na customer.

Malapit na ako sa aming pwesto ng makita si Ante na nakaupo at parang may kung anong kinukuha sa ilalim ng lamesa, sa bandang gilid naman niya ay lalaking nakatayo. Pareho silang nakatalikod sa akin. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko makita si Artemis.

Nasaan ang anak ko?

"Ante Mirasol..." Malambing na tawag ko dito pero sa totoo lang ay kinakabahan ako dahil hindi ko makita ang anak ko..

Tumayo naman si Ante Mirasol at bumaling sa akin ng nakangiti, hinihikayat akong muling magsalita. Ganito siya, tamad kase itong magsalita kaya kung may kailangan ka dapat tuloy-tuloy mo itong sabihin sa kanya dahil tamad siyang sumagot ng sumagot.

"Si Artemis po?" Malamlam ang tinig na ginamit ko.

Napansin ko ang biglang paggalaw ng kalamnan ng lalaking hanggang ngayon ay nakatalikod pa din sa akin. Inayos niya din ang kanyang kamay kaya napansin kong nakaangat ito na wari mo ay may buhat na sanggol.

OREGON BROTHERS 1: Exil Johhans - LOSE MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon