KABANATA 27

6 0 0
                                    

EXIL JOHHANS OREGON

"PAPA my birthday is coming! When will you find mama?" My son asked in glee but there's a hint of bereavement in his voice.

Magdadalawang taon nang wala si Raia. Sa loob ng panahong iyon hindi ko maamin sa anak kong mas pinili ng kanyang ina na sumama sa dati nitong kasintahan kaysa manatili sa amin ng anak niya.

I lied, I told our son that she was abducted and we still can't find her. I do my work. I am still finding her kahit na malinaw pa sa sikat ng araw ang naging desisyon niya noon. Kahit na mas pinili niya ang iba ay hinanap ko pa din siya ngunit mailap sila. Hanggang ngayon ay wala akong balita kung nasaan na siya. I even hired an international private investigator so someone will look for her outside the Philippines.

Malaki ang nagagastos ko sa pagpapahanap sa kanya pero hindi ako nanghihinayang. Our son needs her, Helios been missing her. If she don't want me and love me I am now good with it basta ba ay magpakita siya at gampanan ang responsibilidad sa anak namin. I can manage to co-parent with her for Helios.

Wala na akong pakealam kung masaya na siya sa piling ng lalaking iyon. Hinanda ko na nga rin ang annulment paper namin para kung sakaling bumalik siya para doon pipirma nalang siya. Ayaw ko man ay wala na akong magagawa, hindi ko siya pipilitin sa relasyong ayaw niya simula't sapul palang. Her letter, the message was clear and I accepted it kahit sobrang sakit at sobrang hirap.

Mahal ko siya, pero kung ayaw niya na hindi ko ipipilit lalo na at mahal niya pang talaga ang Drake na iyon.

"I still don't have a good news about your mama, but I hope we can finally find her." Masuyo kong sambit sa aking anak. Ngumuso naman ito at humalukipkip.

"I'm worried about mama, may sakit pa naman siya papa bago siya nawala. I was a baby back then but I can still remember, she always have headaches and gets dizzy easily. Baka inaapi siya doon papa." Maluha-luhang muling imporma sa akin ni Helios.

He's still young, five to be exact but he's already speaking fluently. Hindi siya bulol dahil noong narito pa sa tabi namin ang mama niya ay hindi nito hinahayaang kausapin ng kahit sino si Helios sa bulol na paraan. Mas naging mature pa itong anak ko simula ng mawala ang mama niya.

"When I grow up, I will become a lawyer! I will punish those men who took mama away from me!" He shouted in a firm manner, not a moment later his eyes started to water and his voice quiver.

"It's okay buddy, we'll find mama very soon. Before your birthday I promise you that we will see her." Tulad noon ay nangako na naman ako sa aking anak na alam kong mapapako lang din.

Dahil kahit anong gawin ko hindi na magpapakita pa at babalik sa amin si Raia. Ang taong nagtatago ay hindi magpapakita. Kahit anong hanap pa ang gawin kung ayaw na nitong maging bahagi ng iyong buhay ay gagawa ito ng paraan para hindi na kayo muling magkita ng landas.

"I hope this time you'll fulfill your promises papa. I have faith in you..." He hugged me for awhile before pulling out.

"Pasok na akong school papa!" Masiglang saad nito kaya maya-maya lang ay nasa harap na namin si nanny Thesa.

Sa akin na ito tumira dahil gusto niya daw alagaan si Helios at ayaw magpaiwan sa bahay ng mga Fancueto dahil namimiss lang nito ang dating inaalagaan.

"Naku, para kang mama mo talaga. Excited din iyon palagi kapag papasok ng school." She's tearing up. She's always like that, dramatic and sometimes poetic when she miss Raia.

"Do you miss mama too nanny Thesa?" My son asked.

"Oo naman, ito na ata ang pinakamatagal naming hindi nagkikita." She then wipe the tears that escaped her eyes.

OREGON BROTHERS 1: Exil Johhans - LOSE MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon