KABANATA 26

12 0 0
                                    

BAGONG umaga ngunit tulad ng mga nagdaang araw nandito na naman ako sa dalampasigan upang hintayin ang pag-uwi ni Dray.

Alas singko palang at hindi pa tuluyang nagliliwanag ang kalangitan. Naghahalo pa ang dilim sa papaunting umuusbong na araw.

Unti-unti na ring nagdadatingan ang mga bangkang pumalaot kahapon. Buhay na buhay ang dalampasigan, kahit maaga pa ay may mga bata na ding naglalaro at nagtatakbuhan. Ang mga ginang naman ay may mga dalang balde upang paglangyan ng bibilhing sariwang isda.

"Camille!" Tawag ng isang matinis na boses.

Nilingon ko ito at nakita si Janamae na patakbong lumalapit sa akin. Si Janamae ay isang tindera ng mga isda sa kalapit na palengke. Naging suki siya nila Dray, nunkang nadito iyon para humango ng mga isdang ititinda.

"Bakit ikaw ang nandito? Asan ang mama mo?" Tanong ko agad ng makalapit ito.

"Ay, parang di ka naman aware. Alam mong kapag ako ang narito isa lang ang ibig sabihin non..."

"Nasa madjongan ang mama mo, ang aga pa!" Hanggang ngayon ay hindi ako masanay-sanay sa pagiging sugalera ng ina ni Janamae.

Paano't nagrereklamo ito palaging walang pera pero may nadudukot kapag madjong na ang paguusapan.

"Exactly! Nga pala Camille papatulong sana ako sayo sa assignment ko. Di ko kase magets iyong subject kong finance! Naloloka na ang braincells ko ah!" Lintanya nito habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanyang palad.

"Sige, tignan ko kung alam ko." Tipid na sagot ko at muling ibinaling ang tingin sa dagat. May mangilan-ngilan pa ding bangkang dumadaong.

Sigurado akong alas sais na dahil sa tuluyan ng sumikat ang araw ngunit wala pa din ang bangka nila Dray.

"Ang tagal naman ng asawa mo! Anong oras na... Dapat wala pang liwanag nandito na sila ah?" Puna ni Janamae sa napupuna ko din.

"Kaya nga, hindi naman ito nangyayari noon, isa sila sa maagang nakakauwi..." May kahinaang sansala ko.

"Si Mang Sinco ang sisisihin ko kapag binungangaan ako ni mama!" Tumatawang sambit ni Janamae.

"Baliw ka talaga!" Sita ko dito na ikinakibit lang ng balikat nito.

"Ay oh, ayan na sila! Shems Camille hindi ko makita ang gwapo mong asawa!" May inis man at kalandian sa boses nito alam mong nagbibiro lang si Janamae sa kanyang sinabi.

Binalingan ko ang pamilyar na malaking bangkang pagmamay-ari ni mang Singco. Pinilit kong sipatin ang lahat ng sakay nito ngunit tama nga ang tinuran ni Janamae.

Nasaan si Dray? Bakit hindi ko siya makita? Kahit may kalayuan at nakatalikod ang iba alam kong wala sa mga iyon ang asawa ko. Biglang binundol ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko mawari ang aking nararamdaman dahil hindi makita ang asawa.

Is something happened to him? I am starting to overthink... Thinking of worse scenarios! Shit...

"Hala! Wala talaga si papi Dray!?" Nagmamaktol na anas ni Janamae.

Kahit lantarang ipinaalam sa akin ni Janamae na may crush siya sa asawa ko ay hindi ko minasama iyon. She is younger than us, second year college and I am certain that her crush for my husband is not deep to the point that she will betray me.

Nakadaong na ang bangka kaya sabay kaming lumapit ni Janamae sa dalampasigan. Habang naglalakad ay nakahawak pa ako sa aking dibdib.

Hindi pa naibababa ang banyera ng mga nahuli nilang isda ay dumiretso na sa aking harap si mang Singco. Lalo akong nilamon ng takot at kaba dahil sa pawisan nitong mukha at bakas ang pangamba at pag-aalala.

OREGON BROTHERS 1: Exil Johhans - LOSE MY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon