Tiffany's POVNandito na ako ngayon sa Pilipinas. Haaayy kahit paano namiss ko din naman ito.
"Ang dami ng nagbago dito noh?" sabi ni Hans habang iniikot nya ang kanyang paningin sa loob ng Airport.
"Yeah. I really miss this place." sabi ko.
"It's been 3 years since the last time I came here." sabi nya habang nakatingin at nakangiti sakin. Sa totoo lang ang gwapo din nitong si Hans. Nasa kanya na lahat ng katangian ng ideal man ko. Mabait,gwapo,matangkad,gentleman,sweet,and caring.
"Gwapo ko noh?" sabi nya habang nakangisi sakin. Nakatitig kasi ako sa kanya. Yan din ang gusto ko sa kanya,he is a happy go lucky guy.
"Tss. Oo na gwapo ka na." sabi ko at nagsimula ng maglakad sumunod naman sya sakin agad. Nasan na kaya si Mommy? Sya kasi ang susundo samin ni Hans. Kilala din ni Mommy si Hans dahil lagi nya nakikita si Hans na kasama ko when she'svisiting me in Korea.
"Mom!" I waved my hand nung nakita ko si Mommy na naghihintay samin sa waiting area. Nung makalapit ako kay Mom agad ko syang niyakap. Oh I miss her so much .
"I miss you so much honey" sabi sakin ni mommy at kiniss nya ako sa pisngi.
"I miss you too mom" sabi ko at hinug ko ulit sya.
"Hi Tita." sabi ni Hans at nakipagbeso kay mommy.
"Oh Hans,long time no see" sabi ni mommy.
"Yeah,long time no see po tita" sabi ni Hans at ngumiti kay mommy
"Let's go,nagpahanda ako ng maraming pagkain kay Manang Cecil ngayon. Sigurado akong magugustuhan niyo yun." sabi ni mommy at hinaya na kami papasok ng kotse nya.
HOUSE
"Bebe Fany hija? ikaw na ba yan?" sabi ni Manang Cecil habang sinusuri nyang akong mabuti. Bebe Fany talaga ang tawag nya sakin mula nung bata pa ako. Natawa nalang ako sa inasta nya hanggang ngayon di parin nagbabago si Manang. Ganun na ba kalaki ang pinagbago ko kaya kahit mismong yaya ko mula ng maliit pa ako eh hindi na ako nakilala?
"Manang naman. Ako nga po ito,ang napakaganda nyong alaga na si Stephanie Oliveria na tinatawag nyong Bebe Fany." sabi ko habang nakangiti sa kanya.
"Ay nako! napakaganda mo na ngayon hija! mukha ka ng artista!" sabi ni manang habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.
"Is that mean na...panget ako dati?" sabi ko habang nakapout.
"Ay nako! Eh sino ba ang may sabing panget ka dati?" sabi ni manang habang nakangiti sakin. Namiss ko din ng sobra si manang,sya na din kasi ang tumayong pangalawang magulang ko.
"I miss you manang" sabi ko at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Namiss din kita Bebe Fany ko." Sabi nya. "Aba at sino itong napakagwapong nilalang na kasama mo?" tanong nya habang nakatingin sa may likuran ko. Haha she is referring to Hans.
"Ahh manang he is Hans my very good friend from Korea." sabi ko.
"Hi po manang! Nice to meet you po" sabi ni Hans at nagmano pa talaga kay manang.
"Ay! akala ko pa naman boyfriend mo. hehehe"
"Manang!" saway ko kay manang
"Joke lang Bebe Fany ko. hehehe" sabi ni manang at nagpeace sign pa. Napatingin ako kay Hans na ang lapad ng ngiti ngayon.
"Hala tara na kain na tayo. Pinagluto kita ng paborito mong caldereta. Siguradong magugustuhan mo yun." sabi ni Manang kaya naglakad na kami papuntang dining room. Habang papunta kami dun ay may binulong sakin si Hans.
"Ang ganda ng nickname mo. Bebe Fany. Nice." sabi nya at tumakbo papuntang kusina. Aaaarrrrggghhh!!
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...