Tiffany's POV
Kaaalis lang ni Daddy Manuel ngayon,grabe hiyang hiya ako kanina,buti nalang may tumawag sa kanyang importante kaya ayun umalis na sya.
Nanatili lang akong nakayuko at hindi ko pinagbigyang pansin si Sam,eh kasi naman yung nangyari kanina...
"Mushroom sorry nga pala kanina." nagangat ako ng tingin dahil sa sinabi niya. "Alam ko namang hindi ka pa ready sa ....."
"It's okay Sam,don't be sorry. At isa pa,asawa naman kita kaya walang masama dun." ngumiti ako ng bahagya sa kanya. Nakita kong napalunok sya dahil sa paggalaw ng adams apple nya.
"Is that mean...."
"Ooooops wala akong sinasabi." nagsmirk ako sa kanya at nakita ko ang pagkabigo sa mga mata nya.
.......
"Mushroom ayaw mo pa bang maglunch?" tanong ni Sam
"Mauna ka na spongebob,kailangan ko pang tapusin to." sabi ko sa kanya. Haaay ang dami ko kasing ginagawa ngayon. Nakakastress!
"Alam mo mushroom,hindi mo naman kailangang mahirapan ng ganyan eh. Sinabi ko naman sayo,ako nalang ang magtatrabaho. Ayoko kasing nakikita na nahihirapan ka. You know mushroom,I can manage this company,and I promise to take care of it." ilang araw nya na akong kinukulit about dito pero hindi ako pumapayag. "Alam mo nung bata pa ako pangarap ko na magkaroon ng isang masaya at buong pamilya,yung hindi katulad nung nangyari sa pamilya ko." tapos ay ngumiti sya ng bahagya pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata nya. "Gusto ko nasa bahay lang yung magiging asawa ko. Aalagaan ako at ang mga anak namin. Tapos kapag umuuwi ako,gusto ko madadatnan ko dun ang babaeng pinakamamahal ko,then,ipagluluto nya ako ng dinner tapos sabay kaming kakain." lumapit sya sakin at pagkatapos ay hinawakan nya ang kamay ko.
"And that is you Tiffany. Ikaw yung matagal ko ng pinapangarap."
"Sam ..."
"Please? Asawa mo naman ako at isa pa,ako ang lalaki kaya ako dapat ang nagtatrabaho at hindi ikaw." kahit ayoko ay hindi talaga ako makatanggi kay Sam. At isa pa,may punto naman sya. Alam kong hindi nya pababayaan itong kumpanya,alam ko din kasi kung gaano sya kagaling magmanage kaya may tiwala ako sa kanya.
"Sige na nga." ngumiti sya ng malapad at mabilis nya akong niyakap.
"I promise,I will going to take care of the company."
"Pero....si Jessica.."
"Shhhh. You don't have to worry about her baby,I told you I just want you to be happy with me. Ako ang bahala sa kanya. At pinapangako ko sayo,magiging maayos ang lahat,malapit na...just hold on."
Sam's POV
Buti nalang pumayag na si Tiffany na ako nalang ang hahawak ulit nitong company. Gusto din kasi ni Daddy na wag ng mgatrabaho si Tiffany at ganun din ako. Gusto kong ako ang magtrabaho para samin.
"Spongebob!" narinig kong tawag sakin ng mushroom ko sa may kusina. Natatawa nalang ako kapag tinatawag nya ako sa ganung paraan,alam kong ang corny o ang panget pakinggan pero kapag sya ang tumatawag sakin,ang ganda sa pandinig ko.
"Hmm ang bango naman ng niluluto mo,kasing bango mo." niyakap ko sya mula sa likod at naramdaman kong napabalikwas sya. "Bakit mo ako tinatawag mushroom?"
"Ipapatikim ko lang sana kung okay na itong sinigang na niluto ko." sabi nya at itinapat nya ang kutsara sa bibig ko,kaya hinigop ko yung sabaw habang nanatili parin akong nakayakap sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...