Sam's POV
Pauwi na ako ng condo ngayon,ihahatid ko sana si Jessica sa kanila pero hindi sya pumayag at nagpupumilit parin na balikan ko sya. I really feel sorry to her dahil alam ko na nasaktan ko sya. Ginawa ko lang ang tama ginawa ko lang ang dapat dati ko pa ginawa ,I know naging mahina ako pagdating sa pagmamahal ko kay Tiffany. Pero ngayon na malaya na ako kay Jessica,panahon na para makabawi sa mga pagkukulang ko at para ipakita sa kanya ang tunay kong pagmamahal. Alam ko hindi pa tapos ang lahat,may mga pagsubok pa akong pagdadaanan at kailangan kong maging malakas para sa mahal ko,gagawin ko ang lahat para sa kanya kahit ikamatay ko pa.
Dumaan muna ako sa isang store para bumili ng chocolate. Tinanong ko kasi kanina yung asawa ko kung anong gusto nyang ipabili at ang sabi nya gusto nya ng chocolate. Naalala ko tuloy yung nangyari sa amin kagabi,hindi ko maipaliwanag ang naramdaman kong saya. Iniisip ko palang na ang babaeng mahal ko yun hindi na magkamayaw ang puso ko.
Pagkadating ko sa building ng condo namin ay nagmadali akong pumunta sa condo namin, gusto ko ng makita ang asawa ko. Pagkapasok ko sa condo ay agad hinanap ng mata ko ang maganda kong asawa ah f*ck! basta gusto ko na syang makita. Pumunta ako sa sala pero wala sya dun,wala din sya sa kusina,sa kwarto,sa banyo,wala sya dito.
"Tsk san ba sya nagpunta? Nakakainis naman gusto ko na syang makita eh!" para akong baliw dito dahil lingon ako ng lingon at hinahanap ng mata ko si Tiffany. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan sya pero nakita ko yung cellphone nya sa sala,naiwan nya. F*ck nasan na sya? Alam ko hindi masyadong maganda ang pakiramdam nya ngayon at ang sabi nya hindi naman sya aalis ng bahay. Biglang pumasok sa isip ko si Jessica....si.....Vince.....Sh*t!!
Tinawagan ko si Jiane baka sakaling magkasama sila ni Tiffany ngayon pero hindi daw sila magkasama ngayon pero kanina daw nandito sya sa condo,tinanong ko sya kung umalis si Tiffany pero ang sabi nya ay hindi daw. Tinawagan ko din ang mommy nya pero wala din dun si Tiffany. Lumabas ako ng condo para hanapin sya,kinakabahan ako, may naiisip din akong ilang bagay .....
"Hindi pwede." tumakbo ako sa baba ng building at nagtanong tanong ako sa mga guards at staff dito pero hindi daw nila nakita ang asawa ko.
"Hay nako saan na ba napunta ang alaga ko??" narinig kong sabi ng isang ale habang kausap nya ang isang guard. Ewan ko pero kinakabahan ako,ayokong mawala si Tiffany sakin ulit.
Nilibot ko ang buong condo hanggang sa mapadpad ako dito sa may rooftop. Naririnig ko ang halakhak ng isang bata kaya binuksan ko ang pinto papunta sa rooftop. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang asawa ko na may kausap na isang batang lalaki,Sa tingin ko nasa 6-7 yung edad nya. Nakatalikod palang sya pero alam ko ng sya yun. Dahan dahan akong lumapit sa kanila,nakita kong niyakap ng bata si Tiffany at parang ang saya saya niya habang kalaro nya ang asawa ko.
Kumunot ang noo ng bata ng makita nya ako.
"Who are you?" sabi nya. Lumingon si Tiffany sakin at nagulat sya ng makita nya ako.
"Oh Sam,kanina ka pa ba nandyan?" tumayo sya mula sa kinauupuan nya at lumapit sya sakin.
"Do you know him?" tanong ng bata kay tiffany. Sumunod sya kay tiffany at hinawakan nya ang kamay ng asawa ko. Aba! kailan pa sila naging close ng mushroom ko?
"Yup he is my husband." sagot naman ni Tiffany. Nakita kong nagpout yung batang lalaki at parang hindi nya nagustuhan ang sinabi ng asawa ko.
"I though you don't have any boyfriend." sabi nya habang nakapout.
"Yes she don't have any boyfriend because I am her husband." cold na sabi ko sa bata. sumimangot sya sakin at yumakap sya kay Tiffany.
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...