Chapter 9: Working with him.

4K 92 0
                                    

Sam's POV

Nagtaka ako nung hinabol ni Tiffany sa labas si Dad. Ano naman kayang gagawin nya? Sumandal ako sa sofa na kinauupuan ko at inayos ang eye glasses na nakasuot sa mata ko. Sobrang namiss ko si Tiffany,kung pwede ko lang syang yakapin ngayon ginawa ko na. Alam kong galit sya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya noon. Pero sasabihin ko sa kanya yung totoong dahilan kung bakit ko ginawa sa kanya yun noon sa tamang panahon. At kapag dumating yung oras na malaman nya yung totoo,hindi ko na ulit sya pakakawalan. Tama na yung iniwan nya ako nung pumunta sya sa Korea. Hindi ko na ulit hahayaang mangyari yun.

Pagkapasok palang ni Tiffany sa loob ay nagsmile ako sa kanya. Pero hindi nya ako pinansin at nagtuloy tuloy lang sa table nya. Kinuha nya yung mga documents na nakapatong sa ibabaw ng table nya at isa isang binasa ito.

"May naka schedule pala akong meeting with Mr.Chua on friday..I need you there dahil hindi ko kilala si Mr.Chua and besides ikaw naman ang nakipagdeal sa kanya right?" sabi nya habang nakatuon parin yung atensyon nya sa binabasa nyang documents. Ewan ko pero gusto ko yung sinabi nya na I need you there.

"Yeah" sabi ko.

"What are you looking at? You may seat there on your table" tinuro nya sakin ang bakanteng lamesa na nasa may gilid. Pumunta naman ako dun at inayos ang mga gamit ko.

"You know..Hindi ko na naman kailangan ng taong tutulong sakin sa pagmamanage nitong company." sabi nya. Ako ba ang kinakausap nya? tumingin sya sakin at nakipagtitigan ng mabuti sa mga mata ko. Sh*t! bakit ba ang ganda ng asawa ko? Lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. "I can do it on my own. Kaya you don't need to help me. And besides,malaki narin ang natulong nyo ni Tito sa kumpanya namin and that is enough." sabi nya at binalik ulit yung tuon nya sa binabasa nyang papers.

"You know Tiffany...." sabi ko. Tumingin sya sakin at tila hinihintay nya ang susunod kong sasabihin. Tumayo ako sa kinauupuan ko at dahan dahang lumapit sa kinaroroonan nya. " hindi ko nalang basta basta iiwan itong kumpanya. Ako ang humawak nito sa loob ng apat na taon. Kaya mahirap sakin na iwan ito. Napamahal na ako sa BNC Company Tiffany." sabi ko at tinignan ko ulit sya sa mata. "At isa pa...." pagpapatuloy ko at lumapit pa sa kinaroroonan nya."Masama bang tulungan yung asawa ko?" tanong ko na ikinatigil nya.

Tiffany's POV

"At isa pa...." pagpapatuloy nya. Lumapit pa sya ng konti sa kinaroroonan ko. Ano bang ginagawa nya? "Masama bang tulungan yung asawa ko?" sabi nya na ikinatigil ko. Totoo ba yung narinig ko? Sinabi nya ba talaga na asawa nya ako? Akala ko ba secret wife nya ako.

"Asawa? Ganyan ba yung turing mo sakin?" sarcastic na sabi ko sa kanya. Hindi ko din alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

"Hindi naman diba?" sabi ko at tinuloy ko kung ano ang ginagawa ko pero hindi ako makapagfocus dahil hindi parin sya umaalis sa harapan ko.

"Im sorry." malungkot na sabi nya at pagkatapos ay bumalik na sya sa table nya.

Mabilis lumipas ang oras..lunch time na ngayon..pero hindi parin ako naglulunch may ginagawa pa kasi ako...

*Knock knock* pumasok si Diane

"Maam Oliveria..may bisita po kayo Hans daw po ang pangalan" sabi ni Diane sakin.

"Let him come in" sabi ko kay Diane.

"Hey" sabi ni Hans at hinalikan nya ako sa pisngi.

"What brings you here Hans?" tanong ko sa kanya

"Kagagaling ko lang sa resto kaya naisipan kong daanan ka. Have you eaten your lunch?" Tanong niya sakin. I shook my head..

"Not yet" sabi ko

"So let's have a lunch then? Pwede ka ba?"

"Oo naman..lunch break ko naman eh" sabi ko.

"Ehem!" sabay kaming napatingin ni Hans kay Sam.

"Bakit nandito sya?" pabulong na tanong sakin ni Hans.

"I will explain everything later." sabi ko. Tumango tango naman sya. Binaling nya ulit yung tingin nya kay Sam at ngumisi sya dito. Tinabig ko ng mahina yung braso nya. Paalis na sana kami ng magsalita si Sam.

"Maglulunch na din ako. Pwede bang sumabay na ako sa inyo?"

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon