Chapter 3 : Nickollas Samuel Monterro

4.4K 81 0
                                    

Sam's POV

Nandito ako ngayon sa bar ko syempre para magenjoy. Umiinom lang ako ng alak pampatanggal stress sa trabaho.

"Hi! Wanna dance?" haya nung isang babae na naka miniskirt na mukhang hipon sakin.

"No thanks" sabi ko kaya umalis na yung babaeng mukhang hipon. Tinuloy ko na lang ang paginom ng alak ko.

"Yow! Dude kamusta? Long time no see pare!" dumating yung bestfriend kong si Thyrone. Actually pinapunta ko talaga sya dito para may makasama naman akong uminom.

"Ayos lang. Busy ako ngayon eh. Ang daming trabaho." sagot ko. Umorder muna siya ng alak sa may bar counter bago ako sagutin.

"Pare libre lang to ha?" tinaas nya ang hawak nyang baso na may lamang alak.

"Ge lang" sabi ko.

"Kamusta na kayo ni Jessica?" tanong nya.

"Bakit naman napunta kay Jessica yung usapan?" tanong ko. Tumungga muna sya ng alak bago ako sagutin.

"Wala naman. Kinakamusta ko lang yung relasyon nyo. Malay mo,break na pala kayo." sabi nya habang nakangisi sakin.

"Malabong magbreak kaming dalawa pare." sabi ko.

"Grabe ka Sam! ang lupit mo. May asawa ka na,may girlfriend pa hahaha. Eh sa asawa mo. Wala ka bang balita kung kailan sya uuwi dito?" tanong nya na ikinatigil ko.

"Wag ka ngang maingay! baka may makarinig sayo eh!" pabulong kong sabi

"Okay. Sorry. relax lang pare. So ano may balita ka na ba?"

"Wala. And I don't care kung kailan ba sya babalik dito o kung babalik pa ba sya" sabi ko.

"Asus! Miss mo lang nyan eh!" panunukso nya sakin.

"What the Fuck Thyrone! Ako? mamimiss yung babaeng yun?! Hell no! Ni hindi nga sya sumasagip sa isip ko eh!" sabi ko.

"Oooops masyado kang defensive pare! hahaha" sabi nya at tumawa ng malakas.

"Tss. Wag na nga nating pagusapan yun. Eh kayo ni Jiane kamusta?" girlfriend kasi ni Thyrone yung bestfriend ni Tiffany. Nung una para silang aso't pusa kung magaway pero itong aso nahulog din yung loob dun sa pusa. tsk tsk.

"We're doing good pare. Habang tumatagal,mas lalong nagiging matibay yung relasyon namin" sabi nya habang nakangiti. Tss kilig na kilig pa yung loko.

"Pare tignan mo yung babaeng nasa harap" sabi ni Thyrone habang nakaturo dun sa babae na nasa harap. Nakasalamin ito na makapal at ang weird nya pumorma. In short,nerd sya. Wait.... NERD? biglang pumasok sa isip ko si Tiffany. Ganyan na ganyan kasi sya.

"Parang sya si Tiffany noh?" sabi nya habang nakatingin parin sa babae. Napangiti ako nung maalala ko si Tiffany. Napatingin ako dun sa nerd at sa mga kasama nya. Parang umiiyak kasi yung nerd habang nagtatawanan naman yung mga kasama nya. Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila nung nakita kong tinulak yung nerd nung isang babae.

"Hoy Sam san ka pupunta?!" sigaw ni Thyrone pero hindi ko sya pinansin.

"A-ayoko nga s-sabing uminom nyan eh. G-gusto ko ng u-umuwi" narinig kong sabi nung nerd. Kung titignan mo,ang babata pa nila. Siguro mga 18 years old palang sila.

"Hindi ka makakauwi hanggat hindi mo iniinom toh." sabi nung babae at pilit pinapainom yung alak sa nerd.

"Diba sabi nya ayaw nya? Pero bakit mo pa pinipilit?" Kalmado kong sabi sa babae. Napatigil naman sa ginagawa nya yung babae.

"Ikaw." tinutukoy ko yung nerd kaya napatingin sya sakin. "Umuwi kana. At sa susunod wag ka ng sasama sa mga to." sabi ko sa kanya.

"Salamat po kuya." sabi nya bago kumaripas ng takbo palabas. Tumingin ulit ako sa mga babae na nangaaway sa nerd

"Kayo naman. Next time wag nyo ng uulitin yun. Ang babata nyo pa para pumunta sa mga ganitong lugar. Alam ba ng mga magulang nyo ang ginagawa nyo?" sabay sabay naman silang umiling.

"Tsk. Wag nyo na ulit yun gagawin. Kundi isusumbong ko kayo sa mga parents nyo. Hindi nyo ba alam,ako ang may ari nito" sabi ko

"Sorry po Sir. Hindi na po namin uulitin." sabi nila. Pagkatapos nun ay umalis na ako at biglang may sumilay na ngiti sa labi ko nung maalala ko yung ginawa kong pagtatanggol sa nerd.

___________________________________

Si Sam po yung nasa picture..
Ang gwapo no?

Thanks!

-BubblyMushroom

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon