Chapter 17: Smile

3.8K 77 0
                                    

Tiffany's POV

"Kailangan ko pang pumasok sa office." sabi ko sa kanya. Naiilang ako sa mga sinasabi nya sakin. Kanina pa sya eh.

"Nagpaalam na ako kay Diane kagabi,ang sabi ko hindi tayo makakapasok ngayon dahil may sakit ka. At ako naman sabi ko may aasikasuhin ako." sabi nya.

"Ha? Pero okay na ako." sabi ko.

"Mabuting magpahinga ka muna." sabi nya. Haaaay meron pa ba akong magagawa? Nasabi na eh.

"Don't worry nandun naman si Dad ngayon." sabi nya. Tumango nalang ako.

"Uuwi na ako." sabi ko.

"Saan?" tanong nya

"Edi sa bahay namin." sabi ko at inirapan ko sya.

"Eto yung bahay mo kaya hindi mo na kailangang umuwi." sabi nya. Tumayo ako sa mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap sya.

"Im not joking. Gusto ko ng umuwi" hindi na ako tatagal dito lalo na at kasama ko sya.

"Hindi din ako nagbibiro Tiffany." sabi nya at tumayo din para magkapantay kaming dalawa. "Please...bumalik ka na ulit dito" seryoso sya habang sinasabi yun. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko..masaya ako dahil sa mga sinasabi nya sakin,masaya ako dahil nagiba na yung pakikitungo nya sakin. Masaya ako dahil pinapansin at concern na sya sakin. Pero natatakot din ako,natatakot ako na baka saktan nya ulit yung damdamin ko. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya... may part sa puso ko na gusto,pero may part din na ayaw ko.

"Magluluto lang ako ng breakfast natin" sabi nya at lumabas na sya sa kwarto.

Nagayos muna ako ng sarili ko bago bumaba. Buti nalang nandito pa yung mga damit ko meron akong magagamit. Yun nga lang,medyo malaki sakin. Pumayat kasi ako kumapara sa dati kong katawan.

Pagkalabas ko sa kwarto ay dumeretso ako sa kusina. Naaamoy ko yung niluluto ni Sam

"Sandali lang maluluto na ito. Upo ka na dyan." sabi nya at tinuro yung upuan sa harap ko. Nakakapanibago talaga sya dati ako yung nagseserve sa kanya pero ngayon sya na. Hinila ko na yung upuan at umupo dun.

Nilagyan nya ako ng kanin sa plato ko pero pinigilan ko sya..

"Ako na." sabi ko at kukuhanin ko na sana yung hawak nyang plato pero iniwas nya ito sakin.

"Gusto kong ipagserve yung asawa ko." sabi nya at pinagpatuloy nya yung ginagawa nya. Pakiramdam ko namula nanaman ako sa sinabi nya.

Nagulat ako ng makita ko kung ano yung niluto nyang ulam.

"Egg with mushroom?" sabi ko at tinignan ko sya.

"Your favorite breakfast" sabi nya at ngumiti sakin. Bakit alam nyang paborito ko yun? Ang tagal ko ng hindi nakakakain ng egg with mushroom. Dati kasi yun yung laging niluluto sakin ni Daddy. Kaya naging paborito ko yung mushroom.

"Kain na. Gusto mo ba...subuan pa kita?" sabi nya at ngumisi sakin. Agad ko namang kinuha yung fork and spoon ko  at nagsimulang kumain. Tumabi sya sakin at nagsimula nading kumain.

"Pagkatapos mong kumain..uminom ka ulit ng gamot" sabi nya at pagkatapos ay uminom sya ng tubig..

"Bakit pa? Okay na ako" sabi ko at sumubo ng isang kutsarang kanin..

"Hindi mo masasabing okay kana. Pwede pang bumalik yang sakit mo kapag hindi ka uminom ng gamot. Kaya wag ka ng mapilit. Uminom ka nalang" Okay..may magagawa pa ba ako? Baka mamaya magkasakit na naman ako tapos ano na naman ang mangyari.

Nang matapos syang kumain ay tumayo sya at kumuha ng gamot na iinumin ko at inilapag nya yun sa tabi ng plato ko.

"Pagkatapos mong kumain..magpahinga kana. Ako na ang maglilinis dito" sabi nya at lumakad papuntang lababo para hugasan ang ibang mga gamit dun. Eh? Bakit ba ang bait bait nya na sakin ngayon? Ikaw ba talaga yan Sam? Pero dahil sa dakila akong makulit ay nilagay ko parin ang mga pinagkainan namin sa lababo pagkatapos kong inumin ang gamot.

"Tsk. I said don't help me here. Just go to your room and rest" kinuha nya sakin ang mga plato na bitbit ko.

"Eh kakarest ko lang tapos magrerest na naman ako?" sabi ko at nagpout pa. I hear him chuckle kaya tinignan ko sya.

"Edi manuod ka nalang ng TV dun sa sala.." he said and so I did. Pumunta ako sa sala at binuksan ko ang TV.

Habang patungo ako sa sala ay ang daming nagflashback sakin na mga nangyari sa akin noon dito..Pero aaminin ko,namiss ko din itong condo..kung saan DATI ako nakatira.

Pagkabukas ko ng TV ay tumambad sakin si Spongebob. Nasa Nickeledon channel kasi yung tv. Tss bata ba sya? bakit ganito yung pinapanood nya?

Pinanood ko nalang si Spongebob. Cute naman sya. Ang kaso mas cute si Patrick kasi color pink sya. hihihi. Hindi ko pa nasasabi I like color pink. ^____^

Maya maya lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko at alam ko na kung sino yun kaya hindi na ako nagabala pang lingunin sya.

Naisipan kong ilipat ng channel yung tv dahil nabobored na ako kay spongebob.

"Oh bakit mo nilipat?" kunot noo akong lumingon sa kanya.

"Kasi nabobored ako?" sabi ko. Kinuha nya sakin yung remote at ibinalik ito sa spongebob. Eh? natawa ako sa ginawa nya tss parang bata. Pero mas natawa pa ako ng mapansin ko na pati yung T-shirt na suot nya ay spongebob din. Hindi nya naman gusto si spongebob no? napalingon sya sakin ng mapansin nya siguro na tumatawa ako.

"Why are you laughing?" tanong nya.

"Hindi mo naman gusto si spongebob no?" tanong ko at tumingin dun sa T-shirt na suot nya. Tumingin din sya dun at nagiwas sya ng tingin sakin.

"H-hindi ko gusto si spongebob." sabi nya at tinuon nya ulit yung tingin nya sa tv. Okay,sabi nya eh.

Pero nagulat ako nung bigla syang magsalita.

"Namiss ko yung tawa mo" sabi nya saka tumingin sakin. Ako naman yung nagiwas ng tingin sa kanya.
"Alam mo dapat...lagi kang nakangiti. Alam mo kung bakit?" tanong nya. Tinignan ko lang sya at hinintay ko yung sunod nyang sasabihin. "Kasi kapag nakangiti ka....mas lalo akong naiinlove sayo"

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon