Chapter 23: Waiting

2.8K 56 0
                                    

Sam's POV

"Babe saan mo pa gusto pumunta?" tanong sakin ni Jessica.

"Kahit saan" sabi ko. Hindi ko parin maalis sa isip ko si Tiffany. Im sure galit na yun sakin. Pero sana maintindihan nya ako. Biglang nagring yung phone ni Jessica.

"Si kuya Vince" sabi nya bago sagutin yung tawag. Nakasakay na kami sa kotse. Kagagaling lang namin sa mall. Kotse ni Jessica yung ginamit namin ngayon. Wala kasing dalang kotse si Tiffany ngayon kaya iniwan ko nalang yung kotse. Ayokong mag comute lang sya mahirap na, baka mamaya may mangyari pang masama sa kanya at ayokong mangyari yun.

"Hello kuya"

"Yeah kasama ko sya"

"What?"

"But why?"

"Okay. Bye." binaba nya na yung tawag.

"Babe pumunta daw tayo sa bahay ngayon. Naghanda daw si Kuya,dun nalang daw tayo magdinner." sabi sakin ni Jessica.

"H-huh? pero bakit daw?" haaay bakit ba pinapapunta nya kami dun. Tsk I want to go home.

"I dunno. Maybe namimiss ka niya? hahaha" pagbibiro nya sakin

"What the f*uck"

"Im just kidding. Let's go. Hinihintay tayo ni kuya." sabi nya kaya pinaandar ko na yung sasakyan papunta sa bahay nila.

........

"Long time no see Samuel!" pagbati sakin ni Vince pagkarating namin sa bahay.

"Yeah long time no see" sagot ko at tipid na ngumiti sa kanya.

"So how are you?" tanong nya at pagkatapos ay umupo dun sa may sofa.

"Im okay" tipid na sagot ko sa kanya.

"So kamusta naman kayo ng kapatid ko?"

"We're doing good kuya. The truth is mas lalo kaming nagiging okay ni Sam. Right babe?" sagot ni Jessica at pagkatapos ay yumakap sya sa braso ko.

"Y-yeah" pag sangayon  ko.

"Well,it's good to hear that. By the way,let's eat our dinner. Im already hungry." sabi ni Vince at dumeretso na sa dining room.

"Come on babe." sabi ni Jessica at hinatak yung kamay ko.

Tahimik lang kami habang kumakain. Eh kasi naman gusto ng umuwi. Namimiss ko na yung mushroom ko.

"Siguro naman wala kang balak iwanan yung kapatid ko diba Sam?" tanong ni Vince kaya muntik ko ng ibuga yung iniinom kong tubig. Napalunok ako sa tanong nya sakin. Pilit lang akong ngumiti sa kanya pero sa totoo lang kinakabahan ako.

"O-ofcourse I will not going to leave her."

"Mabuti naman. Dahil kapag ginawa mo yun..." nakipagtitigan muna sya sakin bago ulit magsalita. "Ako ang makakalaban mo." napalunok ulit ako sa sinabi ni Vince.

"Kuya ano ba? Wag mo ngang takutin si Sam. Im sure naman he will not going to leave me. Because I know he loves me." sabi ni Jessica.

"Im just reminding him sis." sabi ni Vince habang nakangiti sya kay Jessica.

"By the way babe,paano yung car mo? Iniwan natin yun doon,wala kang gagamitin pauwi." sabi ni Jessica.

"Don't worry magcocomute nalang ako."

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon