Chapter 8: First day of work

4.5K 91 0
                                    

Tiffany's POV

Tiffany I miss you

Yan yung salitang gumugulo sa isip ko kagabi pa. Haaaay ano ba yung sinasabi nya. tss.

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. Woooh! Im excited pero kinakabahan din ako.

"Goodmorning mom" sabi ko kay mommy pagkababa ko mula sa room ko at hinalikan ang pisngi nya

"Goodmorning Honey,kumain ka muna ng breakfast bago ka umalis" sabi ni mommy.

"Hindi na po. Malelate na po kasi ako,first day ko pa naman ngayon." sabi ko kay mommy.

"You sure?"

"Yeah so I need to go." sabi ko at hinalikan ulit sya sa pisngi.

"Okay. Take care and goodluck" sabi ni mommy. Lumabas na ako at sumakay na sa kotse ko. Gift sakin ito ni mommy nung birthday ko when I was 20.

Pagkapasok ko pa lang sa building ng company namin ay ang dami ng mga bumati sakin.

"Goodmorning Maam"
"Ang ganda nya!"
"Ang ganda naman ng anak ni Mr.Oliveria!"

Ang dami kong naririnig na bulung bulungan sa bawat dinadaanan ko. Ang dami ding bumabati sakin pero nag i-i smile lang ako sa kanila. Dumeretso ako papunta sa office ko. Pagkapasok ko ay nakita ko si Tito Manuel. Nakangiti sya ng malapad sakin at tumayo sa swivel chair na kinauupuan nya.

"Tiffany! Hija!" sabi nya

"Tito!" sabi ko at mabilis na yumakap sa kanya.

"How are you hija? You look different now. Your very beautiful" sabi ni Tito Manuel sakin.

"Thanks po tito. Im doing good naman po. Kayo po? Kamusta na?"

"Heto,matanda na hahaha" sabi nya sabay tawa. Wala pa ding pinagbago si Tito Manuel masayahin parin sya. Hindi ko nga alam kung saan nagmana ng kasupladuhan si Sam eh. Siguro sa mother nya? Hindi ko na kasi nakita yung asawa ni Tito Manuel,sabi kasi ni mommy matagal na daw itong patay.

"Haha hindi naman po tito,hindi nga po kayo nagbago eh." sabi ko.

"Naku nambola ka pa hija hahaha. By the way,this is Diane yung magiging secretary mo." sabi ni tito at tinuro nito ang babaeng nasa likod niya. Nginitian ko sya kaya ngumiti din sya sakin ng tipid. Nahihiya pa siguro sya.

"Masipag na bata itong si Diane! Kaya wag kang mag alala hindi ka nya bibiguin Tiffany." sabi ni Tito.

"Oh. Nice to meet you Diane." sabi ko at nginitian ko ulit sya

"Ahmm. Nice to meet you din po hehe" sabi nya.

"Before I leave may gusto sana akong sabihin sayo." sabi ni Tito.

"Ano po iyon tito?" tanong ko. Tumingin sya kay Diane at sinenyasan syang umalis muna. Mabilis namang umalis si Diane.

"Maupo ka muna hija." sabi ni tito at umupo sya dun sa isang sofa dito sa loob ng office. Sumunod ako sa kanya at umupo sa tabi nya. "Tungkol kay Nickollas." sabi nya. Yumuko ako. Tingin ko ito na din ang tamang oras para sabihin ko sa kanya ang balak ko.

"Anong balak mo ngayon hija?" tanong ni tito. Nagangat ako ng tingin sa kanya at nakita kong nakatingin din sya sakin.

"M-makikipaghiwalay na po ako kay Sam." sabi ko at yumuko ulit.

"But why?" tanong nya. Halata sa boses ni Tito ang pagkalungkot. Alam ko kasing dati pa ay gusto na nya ako para kay Sam.

"Masyado na po kasi akong nasaktan ng anak niyo. At ayoko na ulit maramdaman yun." sabi ko.

"I know nasaktan ka ng anak ko. But...you can give him another chance. I can feel that Samuel loves you." sabi ni tito na dahilan ng mahinang pagtawa ko.

"Hindi nya po ako mahal tito. Alam naman po natin na...una palang hindi nya na ako gusto. At maraming beses ko na pong napatunayan na hindi nya ako mahal at kahit kailan,alam kong hindi nya ako mamahalin." sabi ko. Nagpakawala ng buntunghininga si Tito bago ulit magsalita.

"Pero Tiffany...."

"Im so sorry tito but my decision is final." sabi ko.

"Hindi naman kita masisi dyan sa desisyon mo dahil alam ko din na nasaktan ka ni Samuel. Pero hija...Do you still love my son?" sabi ni Tito. Nagulat ako sa tanong nya. Do I still love him? "Kahit ba konting pagmamahal wala ka nang nararamdaman sa kanya?" alam kong nakapagmove on na ako sa kanya. Tinanggap ko na din sa sarili ko na kahit kailan hindi nya ako mamahalin. Pero hindi ko pa nasasabi sa sarili ko na...hindi ko na sya mahal.

"Tito...." hindi na natuloy ang dapat kong sabihin dahil may kumatok sa pintuan.

"Sir. Maam. Nandito na po si Sir Samuel." sabi ni Diane. Si Sam? nakita kong pumasok sa loob si Sam habang nakangiti. Anong meron bakit ngumingiti na sya ngayon? Dati naman kapag nakikita nya ako agad na nawawala ang ngiti nya sa labi. Tumayo sa kinauupuan nya si Tito at sinalubong si Sam. Habang ako ay nanatiling nakaupo.

"Hi dad!" bati nya kay Tito Manuel. Bumaling sya ng tingin sakin.

"Hi Tiffany." sabi nya. Nagiwas ako ng tingin.

"Son look at Tiffany,she look's different now right?" sabi ni Tito.

"Yeah." sabi nya.

"Nagkita na ba kayo?" tanong ni Tito.

"Yhup. I saw her last night sa restaurant" sabi ni Sam at umupo sya sa tabi ko. Nagulat ako sa ginawa nya kaya agad akong tumayo papunta sa kinaroroonan ni Tito.

"Ahh..By the way,I have to go now Tiffany. May aasikasuhin pa akong iba. I know you can do it hija. And you Nickolas Samuel! Bantayan mong mabuti yung asawa mo!" sabi ni tito.

"Wait tito..ibig sabihin.."

"Yeah,Samuel will going to help you in managing this company." wait...what?

"Aalis na ako." sabi ni tito pero mabilis ko syang pinigilan

"Wait tito." sabi ko at bumulong ako sa kanya. "Kaya ko naman pong mag isa" sabi ko. Ngumiti sya sakin at umiling.

"Bago ka pa lang hija kaya kailangan mo ng makakatulong." sabi nya at lumabas. Tumingin ako kay Sam,nakatingin din sya sakin at ngumiti. Nagiwas ako ng tingin at mabilis na sinundan si Tito sa labas,may nakalimutan akong sabihin sa kanya.

"Tito!" tawag ko. Lumingon sya sakin.

"Bakit hija?" tanong nya

"Gusto ko lang pong magpasalamat sa ginawa nyong tulong para mapabuti itong kumpanya. Thank you very much tito. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob." sabi ko at niyakap sya.

"It's okay hija. Ginawa ko ito dahil sa daddy mo. At wag kang magpasalamat sakin. Kay Samuel ka magpasalamat dahil sya ang nagasikaso nitong kumpanya." sabi nya. Nagpaalam na sya sakin at umalis. Bumalik na ako sa office at pagkapasok ko pa lang ay bumungad agad sakin si Sam habang nakangiti.

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon