Sam's POV
Bakit ba ang tagal ni Tiffany? tsk. Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko. Nandito ako ngayon sa sala ng condo ko ngayon at nanonood lang ng tv. Hindi ako pumasok kanina sa office para makapaghanda. Nagluto ako ng dinner naming dalawa. Pinagluto ko sya ng paborito nyang caldereta. Alam ko na yun yung paborito nyang lutong bahay.
Ang tagal ko ng hinintay ito, ang tagal ko ng hinintay na makabalik ulit sya dito sa condo namin. Alam kong hindi naging maganda ang pagsasama namin sa lugar na ito. Pero kaya kong baguhin yun. Ipinangako ko sa sarili ko na ibabalik ko sya dito. At sa pagbalik nyang yun hindi na puro sakit ang ipaparanas ko sa kanya,kung hindi puro saya..
Flashback
"Umalis si Tiffany" sabi sakin ni Dad. Nandito ako ngayon sa bahay namin,tinawagan kasi ako ni dad para umiinom lang kaming dalawa ng alak.
"Aba ewan ko kung umalis sya. Pagkabalik ko galing sa Batangas wala na sya dun sa condo. Kaya malay ko ba kung umaalis sya. Wag kayong mag alala dad Siguro nakipagkita lang yun sa bestfriend nya." sabi ko at tumungga ng alak.Alam kong nasaktan ko si Tiffany nung araw na aalis ako papunta sa Batangas. Pero hindi ko ginusto na sabihin ko sa kanya yun. Maski ako nasasaktan nung sinasabi ko sa kanya yung mga salitang yun. Ang sabi sakin ng mommy nya nandun daw sya sa bahay nila. Kaya hindi na ako nag abalang hanapin pa sya. Naisip ko nung oras na yun,siguro nga mas magandang wala sya dun sa condo,dahil pagwala sya dun mas ligtas sya. Kahit sobrang namimiss ko na sya ay pinigilan ko ang sarili ko na sunduin sya. Dahil alam ko naman na yun yung mas makakabuti sa kanya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin." sabi ni dad. Kumunot yung noo ko sa sinabi nya."Umalis na sya papuntang Korea para magaral" parang gumuho yung mundo ko nung marinig ko yung sinabi ni Dad. Korea? Para magaral? Pinilit kong huwag ipakita kay dad na nasasaktan ako ngayon,pinilit kong maging malakas kahit na hinang hina na ako sa narinig ko.
"E-edi mabuti. S-sa wakas mawawala na sya sa m-mundo ko" pilit akong tumawa kahit na nahihirapan na ako.
"Minabuti nya nalang na huwag sabihin sayo yung balak nyang pagalis. Alam mo ba kung bakit? Ang sabi nya sakin...kahit naman daw sabihin nya sayo...wala ka namang pake alam." sabi ni Dad. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko ngayon. Sobrang sakit na malaman mo na iniwan ka na ng taong mahal mo.
"Bakit ka ba ganyan Nickollas? Bakit mo ito ginagawa sa asawa mo? You know son,I can feel na mahal mo si Tiffany pero bakit ayaw mong ipakita?" sabi ni Dad. Pilit akong umiling kahit hirap na hirap na akong kontrolin yung damdamin ko.
"A-ano ba y-yung sinasabi mo dad? H-hindi ko sya m-mahal" sabi ko. Hindi ko na mapigilang mapaluha kaya pasimple ko itong pinunasan. Narinig ko yung mahina nyang pagtawa.
"Kilala kita anak. Alam kong dati pa lang gusto mo na si Tiffany pero hindi kita maintindihan kung bakit kailangan mo pa syang saktan. Kung bakit meron kang ibang babae kahit alam mo namang siya yung mahal mo. You know son...Im your father..you can tell me what's the problem is." hindi ko alam kung bakit nalaman ni dad na matagal ko ng mahal si Tiffany pero hindi ko na napigilan ang sarili ko at patuloy na pumatak yung mga luha ko. Hindi ko na inisip na nandito ngayon si daddy sa harap ko,hindi ko na kaya,sobrang sakit.
"D-dad.... t-tama ka....M-mahal ko si Tiffany....m-mahal na mahal ko sya." sabi ko habang patuloy ang pagpatak ng luha ko. Naramdaman kong tinapik ni dad yung balikat ko.
"P-pero d-dad...I have r-reasons kung bakit ko yun g-ginawa""You can tell me son..." sabi ni dad. Hindi nya pwedeng malaman. Walang pwedeng makaalam. Ayokong pati si Daddy madamay.
"I can't dad." sabi ko. Narinig ko ang pagbuntunghinga nya
"Okay. pero anak...nandito lang ako. Pwede mong sabihin sakin yun anytime." sabi ni Daddy.
"Thank you dad." sabi ko. Tinapik nya ulit ako sa balikat at pagkatapos ay umalis na sya.
Napagisipan kong umalis na dun para umuwi na sa condo. Pagkapasok ko palang sa loob ng condo ay agad akong pumunta sa kwarto ni Tiffany. Umupo ako sa may gilid ng kama at hindi ko na naman mapigilang umiyak.
"Im sorry." sabi ko habang nakatingin sa picture nya na nakapatong sa bedside table. Pero siguro tama lang yung ginawa nya. Tama lang na iwan nya ako dahil sa mga kagaguhan na ginawa ko. Parusa ko na ito. Kahit masakit pipilitin kong tanggapin. Alam kong babalik pa sya..at sa pagbalik nya,sisiguraduhin kong babalik sya sakin. Ipapakita ko sa kanya yung tunay na ako...yung tunay na nagmamahal sa kanya.
End of flashback
Now sisiguraduhin ko na magiging akin ulit sya. At sisimulan ko na yun ngayon mismo.
Maya maya lang ay narinig kong may nagdoor bell sa labas at halos masubsob na ako sa pagmamadali para lang mabuksan agad yun. At napangiti ako ng matamis ng pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin yung babaeng mahal ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...