Sam's POV
Pagkaalis ko sa resto ay dumiretso na ako dito sa office. Tumayo ako sa swivel chair na kinauupuan ko at pumunta sa table ni Tiffany. Naiinis ako sa sarili ko,bakit ko nagawa yun kay Tiffany? Alam kong mali ako. Pero yun lang yung nakikita kong solusyon para protektahan sya.
"Im sorry Tiffany....sorry for everything" bulong ko habang nakatingin dun sa swivel chair na inuupuan nya.
*knock knock*
"Come in" sabi ko dun sa kumatok.
"Sir nandito po si Maam Jessica. Hinahanap nya po kayo." sabi ni Diane.
"Let her come in" sabi ko sa kanya. Bakit sya pumunta dito?
"Hi babe!" sabi ni Jessica at hinalikan nya ako sa labi kaya agad ko syang tinulak palayo.
"Why? May problema ba?" tanong nya sakin.
"Wag dito Jessica. Baka may makakita sa atin" sabi ko at umupo dun sa may sofa. Sumunod sya sakin at umupo sa tabi ko.
"And so? Alam naman nila na girlfriend mo ako diba?" sabi nya
"Oo nga pero...." hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng magsalita na sya.
"You love me,right?" tanong nya. I left out a deep sigh before answering her question.
"O-ofcourse I do." sabi ko. Pagkatapos kong sabihin yun ay mabilis nya akong hinalikan sa labi at ipinalupot nya yung braso nya sa batok ko. Hindi ako makapalag sa ginagawa nya dahil kilala ko si Jessica...alam ko yung kaya nyang gawin.
Nagulat ako dahil may nagbukas ng pinto at laging gulat ko ng makita ko si Tiffany. Agad namang nagbitaw ng halik si Jessica at ganun din ako. Nakatingin lang sya sa aming dalawa ni Jessica. Nababasa ko sa mga mata nya ang galit at sakit. Pero ngayon alam ko na ang sagot sa tanong ko,alam kong hanggang ngayon mahal nya parin ako. Nababasa ko yun sa mga mata nya.Pero nasaktan ko na naman ba sya?
Tiffany's POV
"Oh sorry. Nakaistorbo ba ako sa ginagawa nyo?" hindi halata pero may diin ang pagkakasabi ko nun sa kanila. Tumingin ako kay Sam,ang akala ko nagbago na talaga sya pero nagkamali pala ako,hanggang ngayon sinasaktan nya parin ako. Oo aaminin ko,nasaktan ako nung makita ko silang dalawa na naghahalikan,akala ko okay na ako pero hindi pala. Dahil hanggang ngayon,malakas parin ang epekto ng mga ginagawa nya sakin.
"Stephanie?" sabi ni jessica habang nakakunot yung noo nya.
"Hindi ko pa nasasabi sayo na magtatrabaho na sya dito sa company nila." sabi ni Sam kay Jessica. Tumango tango sya at pagkatapos ay tumayo sya at lumapit sakin
"Nice to meet you again Stephanie!" sabi ni Jessica at nakipagbeso sya sakin. Gusto ko syang sampalin ngayon dahil nagagalit at naiinis ako sa kanya. Pero alam ko na wala din syang alam dito. Alam kong hindi nya alam na ako ang asawa ni Sam. Pero kahit ganun,nagagalit ako sa kanya.
"So ikaw na pala yung magmamanage nitong company? ibig sabihin..hindi na si Sam?" tanong ni Jessica.
"Yes sya na ang hahawak dito. Pero tinutulungan ko pa rin sya sa pagmamanage dito" sabi ni Sam at lumapit din sya kung nasaan kami ni Jessica.
"Oh I see" sabi ni Jessica
"Jessica,next time nalang tayo magusap,kailangan ko pa kasing magtrabaho eh." sabi ni Sam kay Jessica.
"Okay. Pero text mo nalang ako kapag nakauwi ka na sa condo." sabi ni Jessica kay Sam. Tumango nalang si Sam bilang pagsagot.
"Bye Stephanie! Minsan labas naman tayo nila Sam tapos isama mo din si Hans." sabi nya. Tumango nalang ako at ngumiti ng tipid sa kanya.
"Okay! See you!" sabi nya at lumabas na ng office.
Dumeretso na ako sa upuan ko,hindi ko man lang pinansin sa Sam. Hayaan mo sya,alam kong wala naman syang pake alam. Alam ko nman na dati nya pa ginagawa ito.
"Tiffany...are you mad?" tanong nya na ikinatigil ko.
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...