Chapter 4: Visit

4.6K 90 0
                                    

Sam's POV

Nagising ako sa liwanag na tumapat sa mukha ko. Arrgghh f*ck! ang sakit ng ulo ko sh*t! Anong oras na ba?? tumingin ako sa alarm clock na nasa bedside table ko 8:30 na? Wala akong pasok every Sunday,rest day ko yun. Buti nga may pahinga pa ako. Haaays! nakakastress sa trabaho. Ako kasi ang nagaasikaso dun sa business na naiwan ni Tito Brian which is daddy ni Tiffany. At isa pa meron din akong bar. Kailan ba kasi babalik si Tiffany?

Dumeretso na ako sa banyo para maghilamos at magayos ng sarili. Narinig kong may nag doorbell sa labas ng condo ko. Sino naman yun? Pumunta ako sa pinto para tignan kung sino yun. Pagbukas ko...

"Pare! Musta?" napakamot na lang ako sa ulo ko nang makita ko si Thyrone.

"G*go! Magkasama palang tayo kagabi! tss." sabi ko. Tumuloy sya sa loob at umupo sa may sofa.

"San lakad mo?" tanong ko at umupo din sa sofa na kaharap niya.

"May date kasi kami ni Jiane. Eh napaaga ata ako kaya pumunta muna ako dito." sabi nya.

"Tss. Mukhang inlove ka na talaga sa maingay at madaldal na yun huh?" sabi ko at humigop ng kape na tinimpla ko.

"Anong inlove? Inlove na inlove! P*ta pare! Ganito pala yung feeling ng inlove? Parang lagi kang masaya? kahit na ang daming problema,ang gaan gaan lang pag nandyan siya??" sabi nya. Tss mukha siyang engot . Ang lapad ng ngiti nya.

"Sigurado,ganyan din ang nararamdaman mo pag kasama mo si Jessica noh?" sabi nya. Napaisip tuloy ako. Masaya ba ako pag kasama ko sya?

"O baka naman sa asawa mo?" pinagkunutan ko sya ng noo.

"Pwede ba Thyrone. Wag mo akong asarin." sabi ko at humiga sa sofa na kinauupuan ko.

"Pare!! Hanggang ngayon pala nandito parin yung mga gamit ni Tiffany?!!" narinig kong sigaw nya mula sa taas. What the f*ck! bakit pumunta sya doon??

"G*go ka! bumaba ka nga dito! isa!" sabi ko. Agad naman syang bumaba habang tumatawa.

"Sabi na eh! hahahahha!" sabi nya habang tumatawa parin. Umupo ulit sya sa upuan nya. "Sabi ko na nga ba,namimiss mo si Tiffany no? hahaha" agad kong kinuha ang throw pillow sa tabi ko at binato sa kanya.

"Thyrone Christian Santiago! Umalis ka na dito bago pa kita mapatay!!" sigaw ko sa kanya.

"Hahahahhahaha" tawa lang sya ng tawa.

"Isa." bilang ko.

"hahahahahhaha" - sya

"Dalawa" -ako

"Oo n-na hahaha aalis na ako hahaha." sabi nya. bago pa man sya makaalis ay binato ulit sya ng throw pillow. Palabas na sya ng pinto ng sumigaw sya sakin.

"Miss mo lang kasi yung misis mo!" sabi nya at kumaripas ng takbo palabas ng condo.

"Huwag ka nang babalik ditooooo!" sigaw ko.

Tiffany's POV

Im on my way to Jiane's House. Bibisitahin ko lang ang bestfriend ko ang tagal na naming hindi nagkikita. Pero meron pa naman kaming communication dalawa kahit na malayo ako sa kanya. Minsan tumatawag naman ako sa kanya pero hindi kami nag i-skype o nag chachat man lang. Wala kasi akong masyadong time and super busy ako sa studies ko nung nasa Korea ako. Kaya super miss ko na yung bessie ko.

Nung makarating ako sa bahay nila ay agad akong nagdoorbell. Wala namang masyadong nagbago sa bahay nila except the color,dati kasi halos color white lang yung kulay ng bahay nila. Namiss ko din ito,lagi kasi ako nandito dati nung highschool pa lang kami,lagi kami tumatambay dito ni Jiane. Maya maya lang ay may nagbukas na ng gate. At napangiti ako ng malawak ng makita kong si Jiane ang nagbukas nito ^______^ .

The Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon