Sam's POV
*Bzzzzzzt Bzzzzzzt*
Biglang may nagdoorbell sa labas kaya tinignan ko kung sino ito..
"Come in" pumasok naman ang isang nagtatrabaho dito sa condo..nagpacall kasi ako ng service para pabihisan si Tiffany..at syempre babae ang pinatawag ko,chineck ko muna sya ng maigi kung talaga bang babae sya,baka mamaya lesbian pala! tss. Hindi naman sya mukhang lesbian kaya okay na..
"Goodevening po sir" bati nya sakin.
"Nandun sya sa taas,sa pangalawang kwarto. Puntahan mo na sya nandun na din ang damit na ipampapalit mo sa kanya. At ito ang ipunas mo sa kanya bago mo sya palitan ng damit" inabot ko sa kanya ang basin with warm water..
"Okay po sir" sabi nya at pumanik na sa taas ako naman ay bumalik na ng kusina para ituloy ang ginagawa ko..
Hinintay ko munang bumaba yung babae bago ako pumunta sa kwarto ni Tiffany.. 9:00 PM na pala pero hindi pa ako nagdidinner at ganun din sya. Sayang naman yung niluto kong caldereta para sa kanya.
Ilang minuto din ang lumipas ay
bumaba na ang babae na nagbihis kay Tiffany dala ang basin..
"Sir okay na po,napalitan ko na po yung damit nya. At napunasan ko na po sya"
"Sige salamat..heto oh" inabot ko sa kanya ang 500 pesos pang tip..
"Salamat po sir. Tsaka sir ang mabuti po ay painomin nyo ng gamot si Maam..ang taas po kasi ng lagnat nya.." sabi nya. Kinuha ko sa kanya ang basin at inilapag sa lamesa
"Oo papainomin ko sya ng gamot pagkatapos nyang kumain. Ahh nagising ba sya?"
"Ay hindi po sir. Sobrang init nya po kasi at nanginginig pa sya dahil sa lamig.."
"Ganun ba? Sige salamat,ako na ang bahala sa kanya..pwede ka ng umalis"
"Salamat po ulit sir. Kapag kailangan nyo po ulit ng tulong tumawag lang po kayo" Ngumiti lang ako sa kanya..pinagbuksan ko sya ng pinto kaya lumabas na sya..
Kinuha ko na ang soup na niluto ko at pumunta sa kwarto ni Tiffany..pagkapasok ko sa loob nakita kong nanginginig sya sa lamig..nakabalot ang katawan nya sa kumot..I put the tray of soup sa lamesa na katabi lang ng kama nya..I touch her forehead,ang init nya parin..
"Hmmmm" naririnig ko yung mahinang pagungol nya..kaya umupo ako sa gilid ng kama..
"Tiffany.." Hinawakan ko ang pisngi nya..
"Tiffany...humigop ka muna ng soup at uminom ka muna ng gamot"
"Hmmmmm" ungol nya ulit tapos ay humarap sya sakin at dumilat sya ng bahagya..
"S-sam?" mahinang tawag nya sakin.
"Tiffany humigop ka muna ng soup..tapos iinom ka ng gamot" sabi ko sa kanya.
"S-sam a-anong ginagawa mo dito?" tanong nya ulit. Ang sarap pakinggan ng boses nya..lalo na yung pagtawag nya sakin na Sam sa malambing na tono.
"Inaalagaan kita kasi may sakit ka. Kumain ka muna" tinulungan ko syang umupo,nilagyan ko ng unan ang sandalan nya at pinasandal ko sya sa headboard ng kama..pero nakapikit parin sya..kinuha ko ang tray ng soup sa ibabaw ng lamesa at pinatong sa lap ko..sumandok ako ng isang kutsara at itinapat yun sa mukha nya
"Sumubo kana" sabi ko..binuka nya ng konti ang bibig nya senyales na pwede ko ng isubo sa kanya ang soup..
"Anong nararamdaman mo ngayon?" I asked her habang sinusubuan ko sya..
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...