Tiffany's POV
Nandito na ako sa harap ng building ng condo kung saan dati ako nakatira. Pero hindi pa ako bumababa ng kotse ko. Kinakabahan kasi ako,hindi ko alam kung kaya ko na ba talagang bumalik dito sa lugar na ito. Dito sa lugar kung saan ko nararamdaman lagi yung sakit..kung saan ko nasasaksihan yung harap harapang pang gagago nya sakin.
Nagpakawala muna ako ng buntunghininga bago lumabas ng kotse at pumasok sa loob.
Ngayon nandito na ako sa tapat ng condo namin...nagbuntunghininga ulit ako bago pindutin yung doorbell. Hindi nagtagal ay bumukas na ito at bumungad sakin si Sam na abot tenga ang ngiti. Ano bang problema nya?
"Come in" sabi nya at pumasok na ulit sya sa loob. Habang ako nandito parin sa labas,parang ayaw kong pumasok.
"Oh ano pang ginagawa mo jan? Pasok ka na sa condo natin" sabi niya at hinila nya ang kamay ko papasok sa loob. Pagkapasok ko sa loob,ay agad kong inilibot yung tingin ko dito. Parang nagflashback sakin yung mga ginawa nya noon sakin dito. Mariin kong ipinikit yung mga mata ko para maalis sa isip ko yun.
"May problema ba?" tanong nya. Umiling lang ako bilang pagsagot.
"By the way,have you eaten your dinner?" tanong nya. Umiling ulit ako.
"Good. Tara kain tayo,pinagluto kita ng paborito mo." sabi nya at hinila ulit ako sa papuntang kitchen. Alam nya yung paborito ko? Hindi ko maintindihan si Sam,bakit ganyan nya ako ituring ngayon? Naguguluhan ako. Hindi pa man kami nakakarating sa kusina at hinatak ko na yung kamay ko sa kanya.
"Kailangan na nating magusap" sabi ko.
"Mamaya nalang. Kumain ka mu..."
"Ayoko. Kailangan na nating magusap" sabi ko. Gusto ko ng umalis dito. At isa pa,ayokong magtagal dito kasama sya, natatakot ako sa pwedeng mangyari sa nararamdaman ko.
"Okay." sabi nya at pumunta sa sala at umupo dun sa may sofa. Sumunod ako sa kanya at umupo dun sa kaharap na sofa.
"Ano bang paguusapan natin?" tanong nya habang nakatitig sakin.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa....." Sabi ko at tinignan syang mabuti sa mata nya. Gusto kong malaman yung magiging reaksyon nya sa sasabihin ko. "Gusto kong maghiwalay na tayo" sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat sa mata nya.
"What?" sabi nya na parang hindi makapaniwala.
"Diba yun naman yung gusto mo? Kaya yan...ibinibigay ko na sayo." sabi ko. Tumawa sya ng mahina at yung itsura nya parang hindi makapaniwala.
"Matagal na akong nagpakatanga sa pagmamahal ko sayo na alam ko namang walang paghahantungan. But now I realize...mali ako na minahal kita." sabi ko. Nagangat sya ng tingin mula sa kanyang pagkakayuko.
"No" sabi nya na ikinatigil ko.
"Im sure masaya ka ngayon dahil magiging malaya ka na sa akin." sabi ko. Nagulat ako ng bigla syang tumayo sa kinauupuan nya at lumapit sakin. Nakikita ko sa mga mata nya ang galit pero nakikita ko din ang lungkot at ang sakit.
"Ayoko." lumuhod sya sa harap ko at nagulat ako ng hawakan nya ako sa pisngi ko. "Hindi ako makikipaghiwalay sayo."
Sam's POV
Nagulat ako ng sabihin nyang makikipaghiwalay sya sakin. Hindi ako papayag...ang tagal ko naghintay para maitama ko yung mali ko sa kanya at para makabawi. Ang sakit din ng nararamdaman ko ngayon,ang sakit isipin na gusto nang makipaghiwalay sayo ng taong mahal mo.
"No." sabi ko.
"Im sure masaya ka ngayon dahil magiging malaya ka na sa akin." sabi nya na lalong nagpasakit sa nararamdaman ko. Yun ba yung akala nya? Kung alam nya lang sana kung gaano ako nasasaktan ngayon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.
"Ayoko." sabi ko at lumuhod sa harap nya. Hinawakan ko yung pisngi nya at hinaplos haplos ko ito."Hindi ako makikipaghiwalay sayo" tinabig nya yung kamay kong humahaplos sa pisngi nya at pagkatapos ay tumayo na sya.
"Nasabi ko na yung gusto kong sabihin kaya aalis na ako" sabi nya at tumalikod sa akin. Hindi ako papayag. Apat na taon ko syang hinintay. Apat na taon akong naging malungkot at nagdusa. Baka hindi ko na kayanin kapag umalis ulit sya at iwan ako. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at hinabol ko sya. Nang maabutan ko sya ay agad ko syang niyakap mula sa likod. Napatigil sya sa paglalakad at naramdaman kong na estatwa sya mula sa kinatatayuan nya.
"Don't leave me..." bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Secret Wife
RomanceSabi nila,kung talagang mahal mo ang isang tao.... Huwag mo ng pakawalan... Huwag mong sasaktan.... Dapat mong ipaglaban.... At higit sa lahat wag mong susukuan ng walang dahilan.... Pero paano kung iba ang mahal nya? Paano kung ang taong mahal mo a...