Simula

3.6K 89 0
                                    

Simula: The broken Hyacinth

'You're fired. Nagrereklamo ang mga costumer dahil sinusungitan mo. Humanap ka ng ibang trabaho.'

'Sorry guys but I'm going to Canada tomorrow and I'm planning to sell this shop. Mahina na din naman kasi ang kita nito.'

'Hyacinth anak, may sasabihin sana ako sa'yo. Umuwi kasi ang anak kong lalaki kanina at napag-usapan na namin na sasama ako sa kanya sa Cebu upang doon na manirahan. Patawad anak ngunit isasara ko na ang karinderya.'

Paulit-ulit na nagreply sa utak ko ang mga sinabi ng amo ko. My heart's been hurting, ang pakiramdam ko ay dinudurog ito sa pinakamaliliit na piraso. Sobrang malas ko sa araw na ito. Sa isang iglap lang lahat ng trabahong minahal ko ay nawala. Hindi ako makapaniwala.

Pakiramdam ko ay sobra akong nanghihina. My knees were too weak to even stand up from the chair I was sitting at nakatulala lang ako sa mga dumaraan. Nasa gilid ako ng kalsada, sa may madilim na parte kung saan may upuang sira. I was too wasted, I can't feel anything habang iniisip ko ang lahat ng nangyari sa araw na ito.

I cried, nararamdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Nanlalabo na ang mga mata ko sa kakaiyak pero wala namang nangyayari. Sinubukan ko nang magmakaawa kanina pero wala pa din.

"Hyacinth? Anong ginagawa mo diyan?" Lumapit sa pwesto ko ang nag-iisang kaibigan ko.

Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol. Napasinghap siya saka ako niyakap. "I don't know what to do, Lay. Bakit ba kasi ang malas malas ko? Paano ko mababayaran ang lahat ng utang ni Papa kung ganito ang nangyayari?"

"Huwag kang paghinaan ng loob, Hyaci. Hahanap tayo ulit ng trabaho bukas, tutulungan kita." Umiling ako at humiwalay sa kanya.

Malungkot ko siyang tiningnan at pilit na ngumiti. "Hindi na. Alam kong kailangan ka ng Nanay mo. Kaya ko naman eh. Susubok ulit ako bukas baka sakaling may mahanap ako. Tara na, uwi na tayo." Inalalayan niya ako sa pagtayo.

Kinabukasan ay maaga akong nagising at nag-ayos para maghanap muli ng trabaho. Lahat ng may hiring ay pinuntahan ko para mag-apply na kahit ang mga hindi pa hiring na trabaho ay nakiusapan ko pero wala talaga.

Buong araw ay iyon ang ginawa ko hanggang sa sumapit ang gabi. Kahit isa ay wala akong nahanap na trabaho. Hindi na din ako kumain dahil wala na akong pera. Lahat ng sweldo ko ay pinambayad ko sa utang ni Papa.

"Pa naman kasi, bakit ba ganito kalaki ang utang niyo? Saan ako kukuha ng pera pambayad?" I cried.

Lumuluha akong naglalakad pauwi. Napadaan pa ako sa eskinita kung saan maraming lasing na tambay. Nag-aalalang akong dumaan ng makitang masyado silang marami.

Dahan-dahan akong naglakad hanggang sa makita ako ng isa. Nagsimulang manginig ang katawan ko ng makitang itinuro niya ako sa mga kasama.

"Hi Miss, ang ganda mo naman." Lumapit sila sa 'kin, takot na umatras ako ngunit mas lalo lang silang lumapit.

"Uuwi na po ako." Nakayukong naglakad ako pero humarang ang isang lalaking may malaking katawan.

Takot na takot na ako. Hindi ko alam ang gagawin. Lumalabo na din ang paningin ko dahil sa luha. Kahit naman kasi na sumigaw ako ay walang makakarinig.

"Makipaglaro ka muna sa amin, Miss." Napakislop ako ng may humawak sa baywang ko.

"Huwag po..." pagmamakaawa ko.

"Hawakan niyo siya." May humawak bigla sa magkabilang braso ko kaya nanlaki ang mga mata ko.

Sinubukan kong magpumiglas ngunit masyado silang malalakas. Sinuntok ako ng isang lalaki sa tiyan kaya napaupo ako. Sobrang takot ang nararamdaman ko. Someone help me.

"N-No! H-Huwag po! Huhu tulong...." I cried loudly.

Lalo lang akong nagwala ng maramdaman ang paghawak nila sa katawan ko. Sumipa ako at natamaan iyong lalaking nasa paanan ko. Nahilo ako ng may sumampal sa akin.

"Manahimik ka. Lalo mo lang kaming pinasasabik, Miss. Sigurado akong magugustuhan mo ito." Humaplos ang kamay nito sa hita ko paakyat.

Lumakas ang iyak ko ng sinira nila ang damit ko. Tumambad sa kanila ang kulay itim kong bra. I tried again para kumawala sa kanila pero nakatanggap lang ako ng malakas na sampal.

Nawawalan na ako ng pag-asa. Nang ipikit ko ang mga mata ay nakita ko si Mama na may awa sa kanyang mukha. She's telling me to fight. I want to do it but my body won't cooperate with me. Pagod na pagod na ako.

Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagkawala nang pagkakahawak ng mga lalaki sa katawan ko. Nakakarinig ako ng daing at mura.

"I fucking kill you! Damn you!" It was a cold, hard voice. Naroon ang galit sa boses nito.

Bumangon ako at niyakap ang sarili ko. Napahagulgol lang ako. Hindi ko kayang imulat ang mga mata ko. Nang matigil ang mga daing ay nabalot ng katahimikan ang buong piligid hanggang sa maramdaman ko ang paglapat ng bagay sa katawan ko.

"Hey baby, look at me." I heard a baritone voice kasabay ng paghawak nito sa akin.

Napakislop pa ako. Lalo kong niyakap ang sarili dahil sa takot. Sasaktan din ba niya ako? Is he going to touch me too? No! Umiling-iling ako, lalong humagulgol.

"Huwag..." I whispered, trembling. "Please... Please..." I begged.

"Hey baby, calm down. Look at me, please. Damn!" he whispered back. Nanginginig ako sa takot, panay lang ang pag-alpas ng luha ko.

"N-No..."

He held my arm and I gashed when he hugged me. Napapikit ako nang tumama ako sa dibdib niya at mas binalot niya ako ng yakap. I heard his fast heartbeat.

"Please baby, I won't let them hurt you again." Natigilan ako. Naramdaman ko ang init ng katawan niya. I opened my eyes and saw his soft ones.


Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon