Kabanata 7
Hindi ko mapigilang hindi mamangha kay Lark na siyang nag-aayos ng damit niya sa harap ng salamin. Lalo siyang gumagwapo sa damit na suot. Kung ganito ba naman ang makikita ko araw-araw eh.
Papasok siya sa trabaho niya at isasama niya ako. At hindi ako makapaniwala na mayroon na akong mga damit dito. Ang sabi niya ay matagal na niya iyong binili. Iisang kwarto lang din ang tinutulugan naming dalawa, dahil iyon ang gusto niya. Kahit na nagpupumilit akong sa ibang kwarto matulog ay ayaw niya. Nilock niya ang mga iyon kaya wala akong magawa kundi ang pumayag sa nais niya.
"Can you fix it?" Umirap ako ng lumapit siya sa 'kin upang ipaayos ang necktie niya.
"Bakit kasi naglalagay ka pa nito." Pagkatapos kong ayusin ay muli ko siyang inirapan na siyang kinatawa niya. "Hindi ba pwedeng manatili na lang ako dito?" I asked.
Umiling siya at tinalikuran ako. "No, baby, you're coming with me."
"Okay." Muli akong umupo sa kama.
Hindi makapaniwalang nilingon niya ako. Hindi siguro niya inaasahan na papayag agad ako. Tinitigan lang niya ako ngunit hindi naman nagsalita. Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Pumayag na din ako sa kontrata namin dahil wala akong choice. Ayokong makulong. At kahit ilang trabaho pa ang meron ako ay hindi pa din sapat iyon para bayaran lahat ng utang ni Papa.
Hindi pa kami nakapag-usap ni Layla pero nagpadala ako ng sulat sa kanya. Sa susunod na linggo ko siya papupuntahin dito. And Lark said I can start renovate his condo. Dahil pagkatapos namang i-renovate nito ay lilipat na kami sa bahay niya. Minsan lang daw kami pupunta dito, kapag magiging busy lang siya sa trabaho.
"Good morning Sir, Ma'am!" bati ng dalawang guard.
Sa tingin ko ay alam na ng mga nagtatrabaho dito ang tungkol sa amin. Lahat kasi sila ay nakangiti sa amin saka tatawagin akong 'Mrs. Cervantes'. Bumati ako pabalik sa kanila. Ang bastos naman kasi nitong lalaking kasama ko. Deadma lang. Hindi yata uso sa kanya ang bumati.
"Did you bring your list? We will buy the materials later. But let me clean my schedule first," wika niya at tumingin sa gilid niya.
Nang hindi ako makita roon ay lumingon siya. Kumunot ang noo niya ng makitang nakasunod lang ako sa kanya. Napanguso ako ng higitin niya ako papalapit sa kanya.
"Stay beside me." Pumalibot ang kamay niya sa baywang ko at sabay kaming naglakad patungo sa opisina niya. Malapit na kami ng may humarang sa dinaraan namin.
"Larky!" Ang magandang babae na nagtungo sa condo ni Lark. Si Vivian. Anong ginagawa niya dito?
"What?" masungit na tugon ni Lark na kinataas ng kilay ko. Parang kahapon lang ay hinayaan niya itong humilig sa balikat niya.
"I bring your breakfast, do you—"
"No thanks. Me and my wife were going outside. What is my schedule today?" Naramdaman ko ang pagpisil niya sa baywang ko.
"H-Ha? Wife? Larky, you didn't tell me—" Mukhang nagulat pa ito na siyang kinakunot ng noo ko. Hindi ba't nakita niya kami kahapon sa hindi kaaya-ayang posisyon, hindi ba niya itinanong iyon kay Lark?
"Why do I need to tell that? I want my schedule, Vivian." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay ginaya na niya ako papasok sa opisina niya.
Pagpasok pa lang ay namangha na ako. Ang ganda ng opisina niya. He have many paintings in the wall. Nilibot ko ang paningin ko. Black and White din ang tema pero may halo namang ibang kulay, hindi tulad ng nasa condo niya.
"You like it, huh?" Nakangising tiningnan lang niya ako. Nakaupo siya sa upuan niya, ang siko ay nakatukod sa gilid ng upuan at ang daliri ay nasa labi niya animo'y aliw na aliw akong tingnan.
BINABASA MO ANG
Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]
RomanceLark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of his past. But everything's change when he met Hyacinth Evans. Hyacinth Evans is a moody, soft-hearted...