Warning: ⚠️🔞
Kabanata 20
HINDI ko maiwasang libutin ang aking paningin sa buong paligid ng marating namin ang Bugtong Bato Falls. Napakaganda ng buong paligid, sobrang linis at ang tubig ay kumikinang sa sobrang linaw. Kaya pala dinarayo ng karamihan ang falls na 'to dahil talagang sobrang sarap magliwaliw sa lugar na ito, nakaka-relax ang sariwang hangin.
Our hands were intertwined to each other while walking towards the hut that beside the big tree. Maraming mga kubo sa paligid na pwedeng pahingahaan ng mga turista. Sobrang lapad kasi ng lugar na ito.
Nagtaka ako ng may mapansin sa paligid. Tiningnan ko si Lark na nilalagay ang bag pack sa isang kubo. "Bakit parang walang tao, Lark?"
Tumingin siya sa 'kin at ginagap ang kamay ko, hinila niya ako palapit sa kanya. Bahagya pa akong nagulat sa paghalik niya sa tungki ng ilong ko. "I rent the whole place so that no one can disturb us. I know you won't be comfortable kung maraming tao kapag naliligo ka."
I secretly smiled. "Thank you!"
"Let's jump there?" Itinuro niya ang dulo ng falls, sa tingin ko ay doon pumupunta ang mga taong gustong tumalon pababa.
Napalunok ako nang makita ang taas no'n. We're going to jump there? Umawang ang labi ko! Mabubuhay pa kaya kami pagkatapos no'n? Baka maraming malalaking bato sa ilalim at tumama kami roon. Kapag iniisip iyon ay agad ako nakaramdam ng takot.
"You're so cold, are you scared?" he asked as he hold my hand tightly.
I paled even more when he pulled me. I bit my lip nervously at winaksi ang kamay niya. "Lark, no. Kung gusto mong tumalon ay huwag mo akong idamay."
Lumayo ako sa kanya at nagtungo falls. I just want to swim, ayokong tumalon-talon sa mataas na bahaging iyan. Nang mabasa ang buong katawan ko ay mariin kong ipinikit ang mga mata upang namnamin ang lamig ng tubig. Hindi naman ako marunong lumangoy kaya hanggang dito lang ako sa mababaw. Nilubog ko ang sarili ko hanggang sa aking leeg. Tumingala ako at idinipa ang mga braso.
Ang tunog ng tubig malapit sa akin tanda na may lumusong ang siyang nagpadilat sa akin. A rays of sunlight from the clear blue sky made me narrowed. Lark is already standing behind me but didn't bother to disturb me. Bahagya ko siya nilingon at nakita ang nakangiti niyang mukha.
"Ang lamig ng tubig, Lark!" He nodded his head and hug my waist. Pinatakan niya ng halik ang leeg ko na siyang nagbigay sa 'kin ng kiliti.
"Maaga pa kaya ganito kalamig, mamaya ay maiiba na ang temperatura nito." He kissed my shoulder kahit na may damit pa ako so I giggled. "Let's go to that part?" Itinuro niya ang parte ng falls na binabagsakan ng tubig.
Bahagya akong napahakbang paatras. Mabilis akong napailing. "Ayoko, Lark."
"Bakit?"
"Hindi ako marunong lumangoy kaya ikaw na lang." Lumayo ako sa kanya ngunit mabilis niya akong hinawakan. Winaksi ko ito. "Don't touch me nga! Sinasabi ko sa'yo, Lark." Hanggang sa napunta sa habulan ang pagliligo namin. I screamed and Lark cursed loudly and ran after me. Ayoko nga kasing pumunta sa parteng 'yon.
"Got you." Binuhat niya ako mula sa likuran habang tumatawa. Nagpumiglas ako ngunit malakas siya. Akala ko ay dadalhin niya ako sa tubig ngunit dinala niya ako sa kubo.
"You're so nakakainis. Tingnan mo ang paa ko, maraming sugat." Itinaas ko ang paa ko upang ipakita sa kanya ang mga gasgas ngunit nakita ko siyang tulala. I wave my hand in front of him. "Lark? Hoy!"
Masungit na umiwas siya ng tingin kung kaya't nagtaka ako. Lumapit ako sa kanya ngunit bigla siyang lumayo sa 'kin. Lalong nagsalubong ang kilay ko sa ginawa niyang iyon. Anong inaarte nito?
BINABASA MO ANG
Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]
RomanceLark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of his past. But everything's change when he met Hyacinth Evans. Hyacinth Evans is a moody, soft-hearted...