Kabanata 22

1K 31 0
                                    

Kabanata 22

“HINDI pa din ba siya nagigising?”nag-aalalang tanong ni Mama nang makalabas ako ng kwarto namin.

Nanghihinang umiling ako. Nang tumulo ang luha ko ay niyakap niya ako. “Ma, natatakot po ko.”

“Huwag kang mag -alala Hyacinth, magigising din ang anak ko.” Hinimas niya ang likuran ko upang pakalmahin ngunit lalo lamang akong napaiyak.

“Pero k-kailan pa? Ma, tatlong araw na siyang tulog. Wala po bang sinabi ang doktor kung kailan magigising si Lark? Ayokong mag-isip ng masama, Ma, pero bawat araw na hindi siya nagigising ay natatakot ako.” Napahagulgol ako. I felt my heart tightened painfully. “K-Kasalanan ko ‘to eh. Sana hindi na muna ako tumuloy at sinamahan lang siya dito. Dahil sa ‘kin kaya siya sumunod. Kasalanan ko ‘to lahat. I'm sorry, Ma! I'm very sorry!”

Napailing-iling ako nang maramdaman ko ang mabilis at malakas na pagtibok ng puso ko. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Pagkalabas namin sa simbahan three days ago ay nahimatay si Lark. Ang sabi ng doktor niya ay okay naman siya. Epekto lamang iyon ng patinding pagpipigil niyang labanan ang phobia niya. Pero ang kinababahala ko lang ay hanggang ngayon hindi pa siya nagigising simula ng mahimatay siya. Agad kong sinabi kina Mama at Papa ang nangyari kay Lark, kaya nang araw ding iyon ay nagbyahe sila patungo dito.

I bit my lower lip. Bawat araw na hindi siya nagigising ay lalong tumitindi ang takot na naramdaman ko.

“Malakas ang anak ko Hyacinth, walang mangyayari sa kanya. Kilala ko siya, hindi niya hahayaang may mga taong mag-aalala sa kanya.”

“Pero paano—”

“Ma’am, gising na po si Senyorito Lark.” Biglang lumabas ang isang nurse mula sa loob ng kwarto namin.

Mabilis kaming pumasok sa loob. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Lumapit agad ako sa kama ng makitang nakamulat na ang mga mata niya. I hold his hand ang kissed it in multiple times.

“Lark,” maluha-luhang tawag ko sa kanya. “A-Ayos kana ba? May masakit ba sa‘yo? Anong nararamdaman mo? Nagugutom ka? What do you want to eat?” sunod-sunod na tanong ko, bahagya pa akong nataranta.

He chuckled weakly, nanghihina man ay itinaas niya ang kamay niya sa pisngi ko upang pahiran ang luhang walang tigil sa pagtulo doon. I hugged him tight that make him hummed in amazement.

“W...Why my wife is crying, hmm?” Hinaplos niya ang buhok ko nang humagulgol ako sa balikat niya.

“It's your fault,”

“My fault?” he asked weakly, a bit surprised. Tumango ako. “How did it become my fault?”

“You made me worried!” Suminghot ako. “Why did you followed us ba? I told you to stay here Lark, but you didn't listened to me. Akala ko ay may nangyari na sa’yo. Pinapahamak mo lang ang sarili mo.” Nang humiwalay ako ay hinawakan ko ang pisngi niya. “Please, don‘t do that again. Natatakot ako, Lark. Natatakot ako na baka sa susunod ay tuluyan ka ng hindi magising dahil sa ginagawa mo.”

Tumango siya sa ‘kin at muli akong niyakap. “I want to overcome my phobia, wife.”

“What for? Hindi mo kaya Lark, masyadong malala...”

“I can wife, I can. Nagawa ko na iyon, konti na lang ay magagawa ko na ng tuluyan. Trust me.” Hinarap ko siya, ayokong gawin niya ulit ang pagpunta sa simbahan.

“I trusted you Lark, pero mapanganib ang gagawin mo. Hindi mo gagawin ‘yon ulit, hindi ako papayag. Hindi mo kailangang biglain ang mga bagay-bagay! Kung hindi ka nag-aalala sa sarili mo, alalahanin mo naman ang mga taong nag-aalala sa posibleng mangyari sa‘yo!” Tumayo na ako at umalis sa harap niya bago pa siya makapagsalita.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon