Kabanata 1

2.3K 55 3
                                    

                                                                                   Kabanata 1

When morning come, the loud music from my  neighbor wakes me up. Tinakpan ko ang tainga ng unan upang matulog muli ngunit mas lalo lamang na lumakas ang tugtog.

"Papa, pagtigilin mo po please!" sigaw ko.

Hindi ko alam kung naririnig ni Papa ang sigaw ko dahil masyadong malakas ang tugtog sa kabila. Buong barangay yata ay nayanig sa lakas n'on. Araw-araw na lang ay ganoon ang nangyayari, walang nagtatangkang magsumbong dahil sa takot namin sa kanya. Pakitaan ka ba naman ng baril nang sawayin mo ito, ewan ko lang kung hindi ka pa matakot. Magkumpare nga sila ni Papa at sa Papa ko lang talaga siya nakikinig.

"Hyacinth? Hoy babaita gumising kana. Tumawag si Ma'am Lucil sa 'kin, maaga daw tayong pumasok ngayon." Nagpagulong-gulong ako sa kama nang marinig ang malakas na sigaw ng kaibigan kong si Layla.

Nanlulumong pinagbuksan ko siya ng pinto. Maliit lang ang kwarto ko, kasya lang talaga iyon sa 'kin. Yari lang sa kawayan ang bahay namin dahil simula nang iwan kami ni Mama ay nawalan na nang gana si Papa para ipagpatuloy na ayusin ang bahay. Kalahating semento at kalahating kawayan lang siya. Ang lupang tinatayuan ng bahay namin ay hindi pa nababayaran, sinisingal na nga kami kaya lahat ng ipon ko sa trabaho ay doon napupunta.

"Si Papa nasaan? Kumain kana ba? Nagugutom na ako, Layla." Nakangusong tiningnan ko ang kaibigan.

Umirap siya sa 'kin saka itinuro ang direksiyon ng kusina. "May dala akong pagkain diyan. Lagi naman kayong walang agahan kaya nagdala na ako. Si Tito ay andoon sa kumpare niya nakita kong umiinom."

Bumuntong-hininga ako saka tumango. Lagi naman eh. Malaki ang naging epekto ng pagkawala ni Mama sa amin. Pakiramdam ko nga ay ano mang oras susunod na din si Papa. Kahit ayaw kong amin pero nararamdaman ko talaga. Kahit kailan ay hindi pa ako nagkakamali sa nararamdaman ko. But I'm not ready for that. Papa is the only person I have. Nag-iisang anak lang naman ako, ang mga kamag-anak namin ay nasa Mindanao.

Umiling ako at nagtungo sa banyo. Hindi din ako nagtagal dahil malalate na kami. Isang simpleng puting t-shirt at jeans lang ang suot ko na pinaresan ko ng converse shoes na lagi kong sinusuot.

Sabay kaming kumain ni Layla. Nag-iwan lang kami ng ulam para kay Papa. Nagtungo ako sa kabilang bahay para magpaalam kay Papa.

"Pa, aalis na po kami. Nag-iwan kami ng pagkain sa kusina. Kumain ka po, ha." Hinagkan ko ito sa pisngi saka naglakad paalis ngunit tinawag niya ako.

"Pahingi ako ng pera. Pupunta kami sa sugalan mamaya. Lakihan mo na dahil hanggang  bukas ako doon."

Natigalgal ako. Imbis na umangal pa ay tahimik na ibinigay ko na lamang ang hinihingi niya. Mabuti na lang at may naipon ako pero iyon na lang ang perang mayroon ako. Three thousand iyon. Wala na akong pera na pambili ng bagong sapatos. Pagkatapos ibigay kay Papa ay umalis na din kami.

"Hindi mo man lang pagsasabihan ang Papa mo? Narinig ko sa kasamahan natin sa trabaho, nahuli daw ang Tito niyang sugarol  nang isang araw dahil may nagsumbong sa mga pulis about doon sa lugar kung saan sila nagsusugal," kwento ni Layla na siyang kinatigil ko.

Humugot ako ng malalim na hininga. Kinabahan ako. Mariin kong ipinikit ang mga mata at sa pagmulat ay tumambad sa akin ang mukha niyang puno ng tigyawat. Maganda naman si Layla kahit maraming tigyawat ang mukha.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon