Kabanata 4

1.4K 59 0
                                    

Kabanata 4

Days come and every morning ay ganoon lang ang nangyayari sa 'kin. Paggising ng umaga ay umiiyak ako, malalaman ito ni Layla at patatahanin ako. Mukhang nasanay na din yata siya kaya minsan pagmulat pa lang ng mga mata ko ay nandiyan na siya sa harap ko at ngingitian ako. She let me cry and she will comfort me. Araw-araw na nangyayari iyon sa 'kin.

"Malalagpasan mo din ito, Hyacinth. Always remember that I am just here for you no matter what. I promise to Tito na hindi kita iiwan kahit anong mangyari. Kahit na madami ang kumukuha sa 'kin sa abroad para magtrabaho kung hindi ka kasama then I won't accept it." I know I'm lucky to have Layla in my life, and I'm happy na siya ang naging kaibigan ko.

Matalino si Layla. Marami siyang kakayahan na hinahangaan ng iba. She's confident kahit na hindi siya kagandahan. Maraming nag-aalok sa kanyang kompanya sa ibang bansa at dito sa Manila but she declined it just to be with me. Hindi niya ako kayang iwan mag-isa dito. Kahit sinabi ko nang okay ako dito ay ayaw pa din niya.

Minsan nga maiisip ko nang naging hadlang na ako sa pagtupad niya ng pangarap. Kinausap ko naman na siya na ayos na ako, that I can take care of my self but she didn't want to leave me here hanggang sa wala pa akong mahahanap na lalaking mag-aalaga at magmamahal sa 'kin. As if naman may magkakagusto pa sa isang tulad ko.

Hindi ko alam kung anong ginawa kong tama sa past life ko para ibigay siya sa 'kin. I don't deserve her as my friend. She's good to be true. Sa aming dalawa ako lang ang masama.

Do I really deserve her? Do I deserve her as my bestfriend? For me, I don't. We didn't deserve each other I guess? Ako na hadlang sa pagtupad niya ng pangarap niya? Imbis na unahin ang sarili niya ay ako pa ang inuuna niya. Anong klaseng kaibigan ako para hayaang mangyari iyon?

Bumuntong-hininga ako. Someday makakabawi din ako.

Maaga kaming pumasok sa coffee shop. Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong hanapin siya. Bumuntong-hininga ako at nilibot ang paningin sa paligid. Alam kung hindi siya pupunta pero umaasa pa din ako. Nasanay na din siguro ako na umaga pa lang ay nandito na siya.

Ang sabi niya ay tatlong araw lang siyang mawawala but it turns out into week. Did something happened to him? Why he took so long to come back? Or baka hindi na talaga siya babalik dito?

"Oy, tulala ka diyan. Kanina pa kita tinatawag eh." Mahina akong itinulak ni Chinny sa balikat na siyang nagpabalik sa 'kin sa wisyo.

Gulat akong tumingin sa kanya. "Ha? Bakit? Andiyan na ba siya?" natatarantang tanong ko.

Tinaasan niya ako ng kilay na kinatigil ko naman. "Sinong siya? Si Pogi? Aba malay ko. Kararating ko lang kaya."

Umirap ako at lumayo sa kanya. Imbis na alalahanin pa ang lalaking iyon ay itinuon ko na lamang ang sarili sa trabaho. Hindi na ako umaasa. Kahit walang customers ay naglinis lang ako.

Nakakapagtaka. Nang magpaalam sa 'kin si Lark kasabay no'n ay ang unti-unting pagkawala ng mga customers namin. Minsan sa isang araw ay lima or anim na lang ang nagpupunta dito. Pero kahapon ay dalawa na lang. Coincidence lang kaya 'yon?

"Hyacith, tawag tayo ni ma'am." Lumabas si Layla muna sa isang pintuan. Lumapit naman ako kaagad. Akala ko ay sabay kaming papasok pero mabilis niyang kinuha ang bag niya.

"Saan ka pupunta? Tawag tayo ni Ma'am 'di ba? Pwede na bang umu—"

"Hyaci, s-si Nanay. D-Dinala si Nanay sa hospital. Kailangan kong pumunta. Ikaw na muna dito ha? B-Balitaan mo ako mamaya Sige na't aalis na ako." Hinagkan niya ako sa pisngi at nagmamadaling umalis.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon