Kabanata 10

1.4K 41 0
                                    

Kabanata 10

Hawak ni Lark ang kamay ko habang patungo kami sa isang malaking bahay. Hindi ko alam kung saan ito, kasi nang papunta kami dito ay nakatulog ako. Tahimik lang akong nakasunod sa kanya. Wala din naman akong sasabihin kaya mas mabuting itikom na lang ang bibig ko.

Tumigil kami ng marating namin ang pintuan. Sobrang lawak ng Kalatea Village na ito, at hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Lahat ng mga bahay dito ay hindi pangkaraniwan ang laki. Sa tingin ko ay mayayaman talaga ang naninirahan dito. Sobrang higpit din ng security nila, kahit sino mahihirapang pumasok.

Sa amin ay kinakailangan pa ni Lark na ipakita ang marriage contract namin at iparehistro ako para may access ako sa pagpasok sa Village.

Iniwan niya ang kotse niya sa isang bahay kanina na sa tingin ko ay bahay niya iyon at saka ako hinila dito sa bahay na ilang metro lang ang layo. Wala naman siyang sinabi kung kanino ito, ayoko namang magtanong sa kanya.

"Ang tahimik mo." Napaangat ako ng tingin sa kanya ng bigla siyang magsalita.

Napaismid ako. "Nagsasalita ako kanina pero pinatahimik mo ako, ngayon na tahimik ako magtatanong ka? Saan ba ako lulugar? Ang gulo mo, Lark Cervantes."

Umirap ako ng tinawanan niya ako. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Minsan nababaliw na siya! Gosh! Minsan talaga naisip ko kung bakit ako pumirma sa kontrata. Inuto niya ako at iyon ang alam ko. Kung hindi lang sana ako nadala sa pang-uuto niyang iyon ay hindi ako hahantong dito.

"I'm sorry may iniisp lang ako."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino? Iyon bang babae mo? Si Vivian? Nako Lark, tigilan mo ako."

Tumaas ang sulok ng labi niya at hinila ako palapit sa kanya. Pumalibot ang braso niya sa baywang ko saka hinagkan ang sentido ko. Bahagya pa akong napalayo dahil sa gulat. Bakit ba nanghahalik ito bigla?

"Bakit naman nasali si Vivian dito? Nagseselos ka?" Pang-aasar niya, nahihimigan ko iyon sa boses niya.

Sumama ang mukha ko. Bubuka na sana ang labi ko para singhalan siya ng bumukas ang pintuang nasa harapan namin. Bumungad sa amin ang isang magandang babae na sa tingin ko ay nasa kuwarenta anyos. But she's still beautiful na kahit ako ay hindi maiwasang mapanganga sa ganda niya.

Hindi pa ako tapos magulat ng bigla itong tumili at mabilis na niyakap si Lark, animo'y ilang taong hindi sila nagkita. Bahagya tuloy akong napalayo ngunit hindi naman binitawan ni Lark ang kamay ko.

"Mom!" asik ni Lark at nilayo ang ginang gamit ang isang kamay nito.

Mommy niya? Nanlaki ang mga mata ko. Totoo?

"Lark, you're here na. Oh my gosh! Akala ko hindi—"

"Mom, my wife is here. Don't baby me."

Hindi ko maiwasang mamula ng bumaling ang ginang sa 'kin saka napaawang ang labi niya. Napasinghap siya kasabay ng panlalaki ng mga mata. Nilapitan niya ako, napalunok naman ako sa kaba.

"Hyacinth?" Kilala niya ako? Nangunot ang noo ko. Nakita sigurado nito iyon kaya itinuro nito si Lark. "Lagi kang kinukwento ng anak ko sa 'kin hehe."

"Mom, what the fuck‽"

"Huh?" gulat na anas ko ngunit hindi iyon pinansin ng ginang dahil bumaling ito kay Lark.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon