Kabanata 3

1.3K 42 2
                                    

Kabanata 3

"Sigurado kana ba talaga dito? Pwede naman tayong maghanap ng iba, Hyacinth." Alam kong nag-aalala lang siya sa akin. Pero wala na akong magagawa. Kailangan kong mabayaran ang utang ni papa sa loob ng dalawang buwan. Kailangan ko ito.

Hindi ko alam kung bakit sabay pa talaga silang magtungo sa bahay para sa utang ni Papa. Nakakapagtaka. Para nilang plinano ang pagpunta. Imposible naman na magsabay sila sa isang araw lang. Umiling ako. Kung ano-ano ang iniisip ko. I need to focus on my job now. Malaki ang dapat na babayaran ko.

Tumingin ako sa bagong tatrabahuhan ko. I apply for another job. Nahihirapan na nga ako magbayad ng lupa namin ito pa kayang milyones na ito? Saan ba ginamit ni Papa ang ganito kalaking pera?

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, wala akong maisip. Maluha-luha akong tumingala. Hindi ko alam kung mababayaran ko lahat ng iyon sa loob ng dalawang buwan. Kahit yata ibenta ko ang katawan ko ay hindi pa rin iyon sapat.

"Hindi na. Pagseserve lang naman ang gagawin ko dito, Lay. Huwag kang mag-alala, mag-iingat ako." Ngumiti ako at niyakap siya. "Sige na at umuwi kana."

"Wala kang kasama mamaya pauwi. Dito na lang muna ako. Hanggang anong oras ba ang trabaho mo?" Umupo ito sa upuan sa labas kung saan katabi ng guard.

"Hanggang alas dose pa ako, Lay. Kung sa gano'n doon kana lang muna sa loob."  Nag-aalala ako. Bar itong pangatlong tinatrabahuhan ko at hindi maiiwasang magkakagulo minsan dito.

"Dito na lang ako. Andito naman si Manong Guard eh, makikipagkwentuhan na lang muna ako sa kanya. Sige na pumasok kana doon."

"Sure kang ayos ka lang dito?" Hindi talaga ako mapakali.

Tumango siya saka tumayo. Tinulak niya ako papasok ng bar. "Oo nga ayos lang ako. Huwag ka nang mag-alala sa 'kin basta pokus ka lang sa trabaho mo baka mapagalitan ka eh."

"Fine." Tumingin ako sa guard na nakatingin sa amin. "Kuya pakibantayan naman po muna nitong kaibigan ko, please."

Ngumiti si Manong saka tumango. Tinitigan ko pa muna siya bago muling magpasalamat. Kaagad na sumabog ang napakalakas na kanta pagpasok ko sa loob ng bar.

I saw smoke all around the place, the colorful disco lights giving life to the bar. I licked my lips and stared at the crowd, they were wild dancing on their own free will. Bumuntong-hininga ako bago ginawa ang trabaho ko.

Nang mag-alas dose ay nagpaalam na ako para umuwi. Okay naman itong trabaho ko, nakakapagod lang umakyat at pababa. Ako kasi minsan nagseserve ng inumin sa itaas kung nasaan naroon ang mga VIP room. Mas nakakapagod ito kaysa sa coffee shop ni Ma'am Lucil.

Pero kakayanin ko, wala din naman akong choice kundi ang tiisin ang lahat. Paglabas ko ng bar ay nakita ko si Layla na masayang nakikipag-usap sa guard. May pahampas-hampas pa siyang nalalaman baka mabatukan siya ni Manong eh.

"Layla." I call her while a wide smile plastered in my lips.

Mabilis naman itong tumayo at nagpaalam na kami sa guard. Nagpasalamat ako sa kanya sa pagbantay kay Layla.

"Close na kayo ni Manong?" Nakangiti ako habang naglalakad na siyang kinairap niya.

"Tigilan mo nga ako sa pekeng ngiti na 'yan. Burahin mo iyan dahil hindi nakakatawa. Ako ito Hyacinth, kaya hindi mo kailangang magpanggap sa harap ko."

Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko. Bumagsak ang balikat ko. Pagod na humilig ako sa balikat niya. "I'm so tired, Lay. Gusto ko ng magpahinga."

Inakbayan niya ako. "Malapit na tayo Hyaci,  konting tiis na lang. Hayaan mo bukas maghahanap din ako ng trabaho malapit sa bar na tinatrabahuhan mo para may maitulong ako sa'yo. Just be strong, Hyacinth. Huwag lang susuko ha? Nandito lang ako lagi para sa'yo. Bestfriend right?"

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon