Kabanata 14

1.1K 31 0
                                    

Kabanata 14

PAIKA-IKA akong bumaba ng hagdanan. After four days nakalakad naman na ako pero paika-ika pa. Maagang umalis si Lark dahil may meeting daw siya at babalik naman siya agad. Hanggang ngayon ay kumikirot pa din ang sa kanya ngunit hindi na ito katulad nang araw na nagising ako pagkatapos namin mag-ano, halos hindi na ako makatayo sa kama no'n. Nag-absent na nga  si Lark simula ng araw na 'yon dahil ayaw niya talaga akong iwan. Ngayon lang talaga siya pumasok dahil importante ang meeting niya.

Natigilan ako sa akmang pagpasok sa kusina ng tumunog ang doorbell. Kumunot ang noo ko. Sino naman ito? Imposibleng si Mama Herlyn at Papa Mask ito dahil hindi naman nag-do-doorbell ang mga iyon, dume-deretso ang mga iyon sa pagpasok. Ganoon din naman si Lark, sa ugali no'n imposibleng mag-do-doorbell ang lalaking iyon.

"Layla?" gulat na wika ko nang mabuksan ko ang pinto.

Ngumiti siya sa 'kin at kinindatan pa ako. "Good morning! May good news ako kaya pumunta ako dito."

"Paano ka nakapasok? Pinapasok ka ng gwardiya?" Pagtataka ko. Noong unang punta niya ay hindi ko din siya natanong about dito. Sobrang higpit kasi nang security ng Village kaya nakakapagtakang nakapasok siya.

"Ah 'yon? Noong unang punta ko dito ay pinarehistro ako ng asawa mo para daw kapag gusto mo akong makita ay makakapasok agad ako. Ang astig naman dito, kapag yumaman ako ay dito ko gustong bumili ng bahay."

Umiling ako at pinapasok siya. "Ilakad kaya kita sa kaibigan ni Lark?" natatawang wika ko.

"No thanks. Maghahanap na lang ako ng foreigner doon sa Canada." Umupo kami sa sopa.

Natigilan ako sa sinabi niya. "Anong Canada?"

Nakangiting tumitig siya sa 'kin. Nakikita ko talaga ang saya ang excitement sa mukha niya. "Iyon ang pinunta ko dito, Hyaci. Ayoko namang umalis nang hindi nagpapaalam sa'yo."

"M-Magpapaalam?" Bakit bigla akong kinabahan sa salitang iyan? Napalunok ako. Is she going to Canada? Umiling ako. Hindi. Mali ang iniisip ko.

Nakita kong nilibot niya ang paningin sa buong kabahayan saka nakangiting bumaling sa 'kin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko. "I'm happy for you bestfriend. Nakikita kong masaya ka na dito. You're settled now with Lark. Wala na akong alalahanin pa kapag umalis ako. Hindi na ako mag-aalala kasi alam kong maayos kana. I know Lark will take care of you, I can see that he will do everything for you. He's sincere to you, Hyacinth."

"L-Layla, what are you t-talking about? Are you going to leave me?" Namasa ang mga mata ko.

Hinaplos niya ang mukha ko at pinunasan ang luhang tumulo roon. "Of course I'm not going to leave you. Magtatrabaho lang ako, Hyacinth."

"Saan? Bakit kailangan mo pang magpaalam?" Suminghot ako.

"Sa Canada. Kulang pa rin kasi ang sweldo ko sa pambili ng gamot ni Nanay. Kailangan pa namin siyang ipaopera dahil lumala na ang kalagayan niya. Ilang taon lang naman ako magtatrabaho doon, babalik ako kaagad."

"S-Sabi mo hindi mo ako iiwan. Isama na ako Layla, please. Don't leave me here alone, hindi ako sanay na wala ka." Mahigpit ko siyang niyakap at umiyak sa balikat niya.

"Hindi kana nag-iisa, Hyacinth, nandito ang asawa mo." Nang hiharap niya ako sa kanya ay tuloy-tuloy ang pagtulo ng mga luha ko. Pinunasan niya iyon muli. "Lagi naman kitang tatawagin eh kung hindi ako magiging busy. Don't cry na, pumapangit ka niyan sige ka."

"A-Ayoko! Sasama ako sa'yo," ngawa ko.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak ko kahit na anong pagpapakalma niya sa 'kin. Hanggang sa makatulog ako sa balikat niya dahil sa pagod. Ilang oras din ang nagawa kong pag-iyak kaya siguro napagod na din. Nasasaktan ako kapag iisiping aalis siya at maiiwan niya ako dito. Mula ng iwan ako ni Ceejay noon ay magkasama na kami ni Layla kaya hindi niyo ako masisisi kung ganito na lang ako. Ito ang unang pagkakataon na mawawalay kami sa isa't isa.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon