Kabanata 19
DAHAN-DAHANG iminulat ko ang mga mata ng maramdamang tumigil ang sinasakyan naming kotse. Kunot ang noong tumingin ako sa labas. Nandito na ba kami? Bakit pakiramdam ko'y sobrang bilis lang ng byahe namin?
"Nandito na tayo? Bakit parang ang bilis? Ilang oras ba ako natulog?" tanong ko saka lumabas ng kotse, hindi ko na hinintay na pagbuksan niya ako. Nakita ko ang pagpunta niya sa likuran ng kotse at kinuha ang maleta namin.
Ang isiping nandito na kami sa Antique ay nakaramdam agad ako ng excitement. Malawak ang ngiting iginala ko ang aking paningin. Hindi ko rin naramdaman ang pagsakay namin sa barko. Maganda ang tulog ko kaya siguro hindi ko ito namalayan man lang. Mabuti na rin siguro 'yon dahil hindi ko maipapangakong hindi magsuka kapag nasa barko kami. Hindi kasi ako sanay na sumakay do'n.
Lark only nodded his head and grab my hand, he hold it tightly before we walk towards the big house in front of us. Iniwan niya lang ang mga maleta sa labas kaya nagtaka ako. Tatanungin ko pa sana siya ng makita ko ang isang lalaking naka-uniporme na bitbit na ang gamit namin. Hindi na lang ako kumibo.
Mas malaki ang bahay nila sa Manila kaysa dito sa bahay na nasa harap namin. Ang maganda sa lugar na ito ay ang maaliwalas nitong paligid. Mahangin at maraming naglalakihang puno ng mangga na siyang humaharang sa init. Sobrang linis dito, wala kang makikitang mga dahon na nakakalat sa buong paligid. Inalalayan ako ni Lark papasok ng bahay, at bumungad sa amin ang iilang mga maid na nakahilera sa isang gilid. Nakasuot din ang mga ito ng uniporme. Ang gara talaga.
"Maayong udto, Senyorito!" sabay-sabay na wika ng mga ito na siyang kinakunot ng noo ko.
What are they saying? It is a greetings?
"Maayong udto!"
Napatingin ako kay Lark. Napansin siguro nito ang ginawa kong pagtingin sa kanya kung kaya bumaba ang paningin niya sa 'kin.
"What did they said? Wala akong maintindihan, Lark." I pouted my lips.
"They said, magandang tanghali!" He caress my stomach and kiss my temple.
"How can you say it again in Bisaya?" I asked confusedly.
"Maayong udto!"
Tumango ako at ngumiti sa mga maid na nakatingin sa amin, lalo na sa akin. "Maayong udto sa inyong lahat!" They smiled widely and greet me too.
"She's my wife, Hyacinth Evans. And wife, this is my Nanay Carina." Siya siguro ang sinasabi ni Lark na nag-alaga sa kanya noong bata siya.
Ngumiti ako at yumakap lalo kay Lark. I want to hug her pero nahihiya ako kaya kay Lark na lang. Pagkatapos ipakilala ni Nanay Carina ang mga maid ay nagsalita na ulit si Lark.
"May tanghalian ba, Nay?" he asked sweetly.
Tumango naman ito. "Oo anak, nakahanda na sa kusina. Pwede na kayong kumain, paniguradong nagutom kayo sa byahe."
"Ako lang ang nagugutom, Nay," sagot ni Lark na natatawa kaya hinampas ko siya. Anong siya lang? Nagutom din kaya ako.
"Lark, nagugutom din ako. Sisipain kita."
"Akala ko busog kana sa mga tsokolate na kinain mo? You didn't gave me even a bite, wife." Nakita ko ang natatawang mukha niya saka ako hinila lalo palapit sa kanya.
Sumama ang mukha ko at sinamaan siya ng tingin. "I offer you my chocolate lately but you just declined it. Huwag ka ngang gumawa ng kwento baka sabihin nila ginugutom kita." Tinulak ko siya saka naunang maglakad.
"Where are you going, wife?" natatawang sigaw niya.
"Eh 'di sa kusina, saan pa ba?" Umirap ako ngunit natigilan ng marinig ang sumunod niyang sinabi.
BINABASA MO ANG
Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]
RomanceLark Cervantes-the heir and the world's youngest multi-billionaire who hides his cruel coldness. Lark suffers from severe Ecclesiaphobia because of his past. But everything's change when he met Hyacinth Evans. Hyacinth Evans is a moody, soft-hearted...