Kabanata 18

1K 24 7
                                    

Kabanata 18

Nakataas ang kilay na tiningnan ko si Lark. Nakasandal ako sa headboard habang may hawak na libro, nagbabasa kasi ako kanina at siya naman ay nakatayo sa harap ko hindi ko alam kung anong ginagawa niya. Nakatayo lang kasi siya doon at nakanguso sa akin.

"What do you want?" masungit na wika ko.

Nagulat ako ng bigla siyang tumalon sa kama at lumapit sa 'kin. Nakatingin lang ako sa kanya habang kinukuha niya ang libro ko at nilagay ito sa study table.

"Wife," he called me.

"Ano?" Lukot na lukot ang mukha ko nang balingan siya.

"Are you mad again?" Dahan-dahan niyang pinatong ang palad niya sa tiyan ko at hinaplos ito ng marahan.

"Hindi ba halata? Nagbabasa ako Lark, and you're disturbing me." Pinalo ko ang kamay niya ngunit ngumiwi lang siya.

"Let's talk."

"Talk? Ano namang pag-uusapan natin?" I asked.

Dumausdos ako ng bahagya upang mahiga nang tuluyan. Nang lumayo siya sa 'kin ay hinayaan ko lang pero pinandilatan ko siya ng hawakan niya ako sa baywang at hinila papalapit sa kanya. Pinalo ko siya sa at lumayo sa kanya.

"Ano ba!" Lumabi siya at tiningnan ako.

He extended his arm on the bed and look at me intently na parang may pinapahiwatig. Parang alam ko na. I rolled around so I could rest my head on his arm.

"Satisfied now?" masungit na wika niya.

"Very satisfied. Wife?"

"Ano na naman?"

"Let's go on vacation?" he asked and kiss me at my forehead.

Napatingala ako sa kanya dahil doon. Ngunit iyon yata ang nagawa kong pagkakamali, sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Nanlaki ang mata ko ng patakan ni Lark ng halik ang labi ko.

"What the‽"

He chuckled. "So? Let's go to Antique tomorrow? I have an villa there, let's stay until next week? What do you think?"

Lalong nanlaki ang mga mata ko. Mabilis akong napaupo at dumungaw sa kanya, humawak pa ako sa magkabilang dibdib niya. "Talaga? Gusto ko 'yan Lark," masayang saad ko.

There's a playful smile on his lips while watching my reaction then he would laugh like he's wonderstruck to me. Nang mapansing nasa kamay ko siya nakatingin ay yumuko ako para tingnan iyon.

I bit my lip at umirap sa kanya, nilagay ko ang kamay ko sa dibdib niya kung nasaan banda ang puso niya and I pouted when I felt the loud beating on his chest. Bahagya ko iyong hinampas that make him groan.

"Why is it hard so much?" I asked and scourged again his chest.

"Wife!" He hold my hand and put it in his lips, he kissed it again and again.

Muli akong nahiga sa tabi niya. He hug me at hinayaan ko na lang siya. Tumalikod ako at niyakap ang unang nasa gilid ko lang. Naramadaman ko ang paglusot ng kamay ni Lark sa loob ng damit ko. He caress my stomach so slap his hand.

"Iyang kamay mo, ilagay mo sa lugar. Puputulin ko iyan mamaya."

"But my hand is in the right place now," he answered playfully.

Hinarap ko siya at bahagyang tinulak. "Gusto mo bang sa ibang kwarto ako matutulog?" Mabilis siyang umiling. "Then behave." Muli akong tumalikod sa kanya.

Nang bumigat ang talulap ng mga mata ko ay  muli ko naramdaman ang pagpasok ng kamay niya sa loob ng damit ko. Dahil sa sobrang pagkaantok ko ay hinayaan ko na lang.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon