Kabanata 26

1.5K 24 0
                                    

Kabanata 26

SALUBONG ang mga kilay na nakatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Alam niya din kung nasaan ang bahay namin. Nakita siya ni Papa Mask kanina sa labas kaya tinawag niya ako at sinabing pag-usapan namin ito. Ano pa bang pag-uusap namin? Wala na kaming dapat na pag-usapan pa dahil alam kong hindi ko din siya namang hindi ko siya pakikinggan pa. Pero bago ako iwan ni Papa Mask sa anak niya ay pinagbantaan niya itong huwag akong i-pressure o i-stress. Papa love me more than his son.

“Good morning, wife!” Mariin akong napapikit nang batiin niya ako.

“Don't wife me nga! Pwede ba Lark, huwag mong sinisira ang araw ko. Ang ganda-ganda ng panahon pero iyang mukha mo ang sumisira. Lumayo ka sa ‘kin!” Hinawi ko siya at naglakad palayo.

“Where are you going?”

Naiinis na ako. Hindi ba talaga niya ako titigilan? Akala ba niya ay nakakalimutan ko ang ginawa niya sa ‘kin noon? Never! Kahit lumuhod siya sa harap ko ay tatawanan ko lang siya.

“Go away, Lark! Bakit ka pa ba nandito? Sinabi ko ng hindi ka namin kailangan, hindi ko kailangan ng lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ako. Bumalik kana sa Manila at doon ka maghasik ng lagim.” Inayos ko ang bestidang suot at nagpatuloy lang sa paglalakad, sumusunod naman siya sa likuran ko.

“Kung hindi ko alam na inlove ka sa ‘kin ay baka maniwala ako. You're falling in love with me, wife,” he's very confident while saying that.

Tumigil ako sa paglalakad. I pursed my lips when I looked at him. “I didn't fall in love with you Lark, I feel in love with the person you pretended to be.” Saka ako nagpatuloy sa paglalakad.

Naramdaman kong nakasunod siya pero hindi na siya nagsasalita. Dinaanan ko si Louise sa bahay nila dahil sabay kaming magsisimba sa araw na iyon. Wala si Ceejay ngayon, bumalik siya sa Manila dahil sa iniutos sa kanya si Papa. Alam ko namang ginawa iyon ni Papa para hindi makita ni Ceejay si Lark dito. Mahirap na baka magkagulo pa.

“Louise?” Nasa labas ako ng bakuran nila.

“Sandali, patapos na ako.” Hinintay ko siya doon. Nang balingan ko si Lark ay nakita ko siyang nakangiti habang nakatitig sa ‘kin. Nalukot ang mukha ko saka ko siya siniringan. Narinig ko pa ang tawa niya.

Hindi niya ako madadala diyan. Ano gano‘n na lamang iyon? Pagkatapos niya akong wasakin at pagpira-pirasuhin pupunta siya dito at magpapanggap na para bang wala kaming problema? Pumirma ako sa annulment paper kaya para sa akin ay hindi ko na siya asawa. Wala ng kahit anong namamagitan sa amin. Kung gusto niya ay doon siya sa babaeng pinili niya.

“Hyacinth ganda!” His here again. The annoying Bryan Jay Alvarez.

“Ano na naman?” Nakita kong nakapormahan siya. “Sasama ka na naman? Naiirita ako sa mukha mo ngayon kaya lumayo-layo ka!”

“Sus, kung hindi lang sinabi ni Tita Herlyn na ako pinaglilihian mo ay baka iisipin kong may gusto ka sa ‘kin eh,” tumawang wika niya na siyang kinaubo ko. Tumikhim naman ang lalaki sa likuran ko kaya napatingin doon si Bryan.

“Don't look at him! Baka mahawaan ka ng sakit niya.” Hinampas ko siya ng makitang kumunot ang noo niya habang nakatingin kay Lark.

“Sakit?” I nibbled my bottom lip. Bakit ba siya nagtatanong pa?

“Panloloko at paglalaro sa damdamin ng mga babae ang sakit niyan. Huwag ka na ngang magtanong! Bahala ka na pala kung titingnan mo siya o hindi. Alam ko namang kahit hindi ka niya hawaan ay may ganoon kana talagang sakit.” Inirapan ko siya ng makitang lumabas si Louise sa bahay nila suot ang kapareho kong bestida. Si Ceejay ang bumili nito, gusto kasi ni Louise na pareho kami ng damit kapag nagsisimba.

Her Perfect Illusion [PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon