Wala ako sa sarili ko nang makabalik sa dorm. Matapos ang pag-uusap namin ni Mellisa ay tila balisa na ako at hindi mapakali dahil ramdam ko ang panganib na maaaring nakaambang sa akin ano mang oras na magkamali ako ng kilos o malaman nila ang isang kagaya kong konektado sa kanilang kalaban.
Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ay nagtama ang aming paningin ni Chloe. She give me a genuine smile before giving me a paper bag. Kinuha ko ito mula sa kanyang kamay at hindi pa rin maalis ang kanyang mga ngiti sa labi kaya nagtataka akong tinignan siya.
"What is this for Chloe?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
"It's from Ian." Sumilay ang mapanuksong ngiti nito sa akin bago muling umupo sa kanyang study table. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko at ang malalim kong hininga habang nakatitig sa laman ng paper bag. "Are you two dating ba Mari?" muling tanong ni Chloe ngunit ang atensyon niya ay nasa kanyang sinusulatang notebook.
"A-ahm hindi." Nauutal kong sagot sa kanya ngunit isang mapanuksong filler word lamang ang narinig ko mula sa kanya. Umupo ako sa katabing study table ni Chloe at ramdam ko ang kanyang pagmamasid sa akin.
Tumambad sa akin ang isang pamilyar na kahon, Cuviro's Jewerly. When I opened the box I saw a keychain the design is dog sitting in the crescent moon. Ngayon lamang ako nakakita ng ganitong disenyo ng Cuviro's madalas kasi ang kanilang ibenebenta ay rings and necklaces.
"That's perfect Mari." Kita ko kung paano humanga ang mga mata ni Chloe sa hawak ko. "I think it's a customize keychain I saw him at HQ drafting something that looks like this." Pagkilatis niya roon.
"Kailan niya binigay to sa'yo?" Punong kuryosidad kong tanong sa kanya. I can't feel my heart tila namamanhid ito sa sobrang bilis ng tibok.
"A while ago. I saw him waiting outside of our dorm. He asked me if I could give that to you, as much as he wanted to give you that palagay ko ay nagmamadali ang bulateng 'yon dahil agad ding umalis pagka-abot sa akin."
Agad kong kinuha ang phone ko at nagtext sa kanya. Mellisa saved his number to my phone in case of emergency sila ang maaari kong tawagan.
Me: Thank you for this beautiful keychain Ian. I'm sorry if I keep you waiting outside.
Hinintay kong mag-reply ito sa akin ngunit wala akong nakuhang sagot mula sa kanya, he's really busy. Itinabi ko ang regalong bigay niya sa akin at inumpisahan ko na ang magbasa ng mga lessons and transcripts.
After almost two weeks ngayon ko na lang ulit nakasama si Chloe sa dorm palagay ko ay hindi na kami nagtatagpo sa tuwing umaga o gabi. I observe her in my peripheral vision and stress is evident in her aura. Muling sumagi sa aking isipan ang kaninang napag-usapan namin ni Mellisa. As much as I wanted to open up to her and ask her, I know it will be a mess if they found out I know what are their doings. Isa lamang ang maaaring mangyari kapag nalaman nila na may alam na ako, maaaring maparusahan si Mellisa sa pagsasabi sa akin ng tungkol sa organisasyon na kanilang kinabibilangan.
Pilit kong iwinaksi iyon sa aking isipan at muling ibinalik ang atensyon sa binabasa ko. Tomorrow is weekend I still have a lot of reviewers that needs to be read and I shouldn't let these thoughts invade my mind.
***
After our midterm examinations I put my pen in my bag. I was about to go when someone grab my wrist. Jianyu.
"I'm sorry did I surprised you?" May bahid ng pag-aalala ang kanyang boses ng dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko.
"Hindi naman." Inayos ko ang strap ng bag ko na nalaglag mula sa balikat ko ng hinatak ni Jian ang kamay ko at kita ko ang pagmamasid niya sa ginawa kong kilos na iyon.
BINABASA MO ANG
I'm Lost Without You
Novela JuvenilHow long can you wait for your love to comeback? Will you able to stay and wait for him, or you'll give up? If waiting for someone is love, then how long will you endure the pain of his goodbyes and memories that the only thing left for you? "Do yo...
